Книга - Ikot

a
A

Ikot
Morgan Rice


Talaarawan ng Bampira #1
Ang Ikot ay ang libro na pantapat sa Takipsilim at Mga Tala ng Bampira at manghihikayat sa lahat na basahin ito hanggang sa katapusan! Kung kayo ay mahilig sa paglalakbay, pagibig at bampira, ang librong ito ay para sa iyo! Vampirebooksite. comAng Pinakamabentang Libro! Ang Ikot ay ang unang libro sa mabentang serye na Talaarawan ng Bampira, na may labing isang libro. (At dumadami pa) Sa Ikot (Unang libro sa Talaarawan ng Bampira), nakita ng labing walong taong gulang na si Caitlin Paine ang kanyang sarili mula sa maayos na pamumuhay sa probinsya at napilitang pumasok sa mapanganib na paaralan sa New York dahil sa kanyang ina. Ang natitirang liwanag sa paligid niya ay si Jonah, isang bagong kaklase na agad nagkagusto sa kanya. Ngunit bago pa man umusbong ang kanilang romansa, biglang may nangyaring pagbabago kay Caitlin. Bigla siyang nagkaroon ng kakaibang lakas, pagkasilaw sa liwanag, ang pagnanais na kumain-pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Naghanap siya ng mga kasagutan sa kanyang mga tanong, at ang kanyang pagkagutom ay ang nagdala sa kanya sa maling lugar, sa maling pagkakataon. Nabuksan ang kanyang mata sa isang natatagong mundo, sa ilalim ng kanyang mga paa, pumapailalim sa kalupaan ng New York. Natagpuan niya ang sarili sa pagitan ng mapanganib na kasunduan, sa gitna ng digmaan ng mga bampira. Sa pagkakataon na ito nakilaal ni Caitlin si Caleb, isang misteryoso at makapangyarihang bampira na magliligtas sa kanya sa madilim na pwersa. Kailangan niya ang tulong ni Caitlin upang hanapin ang isang mahalagang kagamitan. Kailangan din ni Caitlin ang tulong nito upang masagot ang kanyang mga katanungan at upang maprotektahan siya. Magkasama nilang hahanapin ang sagot sa isang tanong: sino ang kanyang tunay na ama? Ngunit naipit si Caitlin sa pagitan ng dalawang lalaki nang isang kakaibang bagay ang lumitaw sa kanila, isang pinagbabawal na pagibig. Isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang angkan na magdudulot ng panganib sa kanilang buhay, at pipilit sa kanila na magdesisyon kung isasakripisyo nila ang lahat para sa isat isa. Ang Ikot ay isang kwento na para sa mga kabataan. Magaling ang ginawa ni Morgan Rice sa pagbibigay ng kakaibang galaw ng kwento sa isang tipikal na istorya ng bampira. Bago at naiiba. Ang Ikot ay may klasikong elemento na makikita sa madaming istorya ng kababalaghan para sa kabataan. Ang Talaarawan ng Bampira ay nakasentro sa iisang babae.. isang kakaibang babae! . Ang Iko ay madaling basahin ngunit mabilis ang kwento. Maimumungkahi para sa lahat na naghahanap ng mga madaling basahin na may kababalaghan at romansa. Kailangan ng patnubay ng magulang! Romance ReviewsNakuha ng Ikot ang aking atensyon sa umpisa pa lamang at hindi ko na pinakawalan. Ang kwentong ito ay punong puno ng aksyon at mabilis ang ikot ng kwento. Walang nakababagot na parte. Mahusay ang pagkalasulat ni Morgan Rice na dalhin ang mga mambabasa sa kwento. Nagawa rin niyang umugnay ang bawat isa kay Caitlin sa paghahanap nito sa katotohanan. Aabangan ko ang pangalawang libro sa serye na ito. Paranormal Romance Guild







Ikot



(Unang libro sa Talaarawan ng Bampira)



Morgan Rice


Tungkol sa sumulat na si Morgan Rice



Si Morgan Rice ay ang #1 na sumulat ng Talaarawan ng Bampira (The Vampire Journals), isang koleksyon ng mga libro para sa kabataan (may 11 libro sa kabuuan and patuloy pang nadadagdagan); isa pang sumikat na serye, Diskarte Para Mabuhay (The Survival Strategy), istorya tungkol sa mga pangyayari pagkatpos magunaw ang mundo (may 2 libro); at ang sikat na koleksyon ng mga istoryang pantasya, Ang Singsing ng Salamangkero (The Sorcerers Ring) (may 13 na libro at patuloy pang nadagdagdagan).



Ang mga libro ni Morgan ay mabibili na odyo o nakalimbag at mayroon ding mga isinalin sa ibat ibang lenggwahe tulad ng German, French, italian, Spanish, Portugese, Japanese, Chinese, Swedish, Dutch,Turkish,Hungarian, Czech at Slovak. (At marami pang mga lenggwahe sa mga susunod na panahon)



Nais ni morgan na marinig ang inyon mga opinyon. Pwede ninyong bisitahin ang kanyang website (www.morganricebooks.com (http://www.morganricebooks.com)) para makatanggap ng mga libreng ebook, mga regalo, mga bagon balita tungkol sa tagapagsulat. Maari ring kumunekta gamit ang facebook at twitter.


Mga Napiling Komento Tungkol sa Libro



"Ang Ikot ay tamang-tama para sa mga nakakabatang mambabasa. Napakagaling ng ginawa ni Morgan Rice para baguhin at gawing kakaiba ang isang ordinaryong storya ng mga bampira. Meron itong mga klasikal na elemento na malimit makita sa mga storyang paranormal para sa mga kabataan. Ang unang libro ay naka-sentro sa isang babae...isang ekstraordinaryong babae. Ang 'Ikot' ay madaling basahin, mabilis ang takbo ng storya. Ang librong ito ay para sa mga mahilig sa kwento ng paranormal na pag-ibig. Ito ay na-rate na PG.

The Romance Reviews



Nakuha ng 'Ikot' ang aking atensyon mula umpisa hanggang katapusan. Mabilis ang takbo ng storya nito at puno ng aksyon. Walang nakababatong sandali. Epektibo ang ginawa ni Morgan Rice na isali ang mga mambabasa sa istorya at isentro ang atensyon kay Caitlin upang matagpuan nya ang katotohanan. Hindi na ako makapaghintay para sa pangalawang libro.

Paranormal Romance Guild



Masarap basahin ang 'Ikot' sa bilis

ng takbo ng istorya nito na kaya mong magbasa ng iba pang libro. Ang lahat ay siguradong masisiyahan.

books-forlife.blogspot.com



Ang 'Ikot' ay hindi pahuhuli sa Twilight at Vampire Diaries. Gugustuhin mo itong basahin hanggang sa huling pahina. Kung ikaw ay mahilig sa istorya ng paranormal na pag-ibig at pakikipagsapalaran, ang librong ito ay para sa iyo.

Vampirebooksite.com



Magaling ang ginawa ni Rice na ma-engganyo ang mga mambabasa mula umpisa gamit ang epektibong pagsasalarawan ng bawat eksena...maganda ang pagkakasulat at mabilis ang takbo ng istorya. Isa itong magandang umpisa sa serye ng kwentong paranormal. Siguradong lahat ay masisiyahan.

Black Lagoon Reviews


Mga Libro ni Morgan Rice



Ang Singsing ng Salamangkero

"A QUEST OF HEROES" Ang Paglalakbay ng mga Bayani(Unang Libro)

"A MARCH OF A KING" Pagmartsa ng mga Hari ( Pangalawang Libro)

"DESTINY OF DRAGONS" Kapalaran ng mga Dragon (Pangatlong Libro)

"A CRY OF HONOR" Sigaw para sa Karangalan (Pangapat na Libro)

"A VOW OF GLORY" Panunumpa ng Kaluwalhatian (Panglimang Libro)

"A CHARGE OF VALOR" Ang Paniningil ng Lakas ng Loob (Pangani ma Libro)

"A RITE OF SWORDS" Ang Seremonya ng Espada (Pampitong Libro)

"A GRANT OF ARMS" Pagkakaloob ng Armas (Pangwalong Libro)

"A SKY OF SPELLS" Kalangitan ng mga Orasyon (Pangsiyam na Libro)

"A SEA OF SHIELDS" Karagatan ng mga Sanggalang (Pangsampung Libro)

"A REIGN OF STEEL" Ang Paghahari ng Asero (Panglabing isang Libro)

"A LAND OF FIRE" Ang Kalupaan ng Apoy ( Panglabing dalawang Libro)

"A RULE OF QUEENS" Pamumuno ng mga Reyna (Panglabing tatlog Libro)

"AN OATH OF BROTHERS" Ang Sumpaan ng Magkapatid (Panglabing apat na Libro)



"THE SURVIVAL STRATEGY" Diskarte Para Mabuhay

"ARENA ONE:SLAVERSUNNERS" Unang Arena: Pagtakbo ng mga Alipin ( Unang Libro)

"ARENA TWO" Pangalawang Arena (Pangalawang Libro)



"THE VAMPIRE JOURNALS" Ang Talaarawan ng Bampira

"TURNED" Ikot(Unang Libro)

"LOVED" Pagmamahal(Pangalawang Libro)

"BETRAYED" Pagtataksil (Pangatlong Libro)

"DESTINED" Itinadhana (Pangapat na Libro)

"DESIRED" Ninanais(Panglimang Libro)

"BETROTHED" Katipan (Panganim na Libro)

"VOWED" Panunumpa (Pangpitong Libro)

"FOUND" Pagtatagpo (Pangwalong Libro)

"RESURRECTED" Pagkabuhay na Muli (Pangsiyam na Libro)

"CRAVED" Pananabik (Pangsampung Libro)

"FATED" Kapalaran (Panglabing isang Libro)













Pakinggan sa odyo ang unang serye sa Talaarawan ng Bampira


Copyright © 2012 by Morgan Rice



Lahat ng Karapatan. Maliban sa nakasaad sa “US Copyright Act of 1976”, walang parte o bahagi ng publikasyon na ito ang maaring kopyahin, ipamahagi sa kahit anong pamamaraan o itago sa kahit anong “databases”, ng walang pahintulot ng manunulat.



Ang ebook na ito ay ipinamahagi para sa inyong mga personal na kasihayan. Ang ebook na ito hindi maaring ibenta o ibigay sa ibang tao. Kung nais ninyong ibahagi ang libro na ito sa ibang tao, maaring bumili ng panibagong kopya. Kung binabasa ninyo ang librong ito at hindi ninyo ito binili, o kaya ay binili ito hindi lamang para sa inyong pansariling paggamit, maaring ibalik ito at bumili ng sariling kopya. Maraming salamat sa pagbibigay respeto sa pagtitiyaga ng manunulat ng librong ito.



Ang librong ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga pangalan, karakter, organisasyon, lugar at mga pangyayari ay produkto lamang ng imahinasyon ng manunulat. Kun may pagkakahalintilad ang mga ito sa aktwal na mga tao, lugar at pangyayari, ito ay pawang pagkakataon lamang.



Jacket Image Copyright Razoon Game, ginamit mula sa Shutterstock.com (http://shutterstock.com/)


NILALAMAN



UNANG KABANATA (#u62f2ddd6-4df4-5c7d-8891-4905c32b6d83)

IKALAWANG KABANATA (#ua12a7e53-0117-54fd-be97-41538dbfcec9)

IKATLONG KABANATA (#u866cce90-6201-5e60-9974-961bde2452c2)

IKAAPAT NA KABANATA (#litres_trial_promo)

IKALIMANG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKAANIM NA KABANATA (#litres_trial_promo)

IKAPITONG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKAWALONG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKA-SIYAM NA KABANATA (#litres_trial_promo)

IKASAMPUNG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKA-LABING ISANG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKALABING-DALAWANG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKA-LABING TATLONG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKA-LABING APAT NA KABANATA (#litres_trial_promo)

IKA-LABINGLIMANG KABANATA (#litres_trial_promo)

IKA-LABING ANIM NA KABANATA (#litres_trial_promo)

IKA-LABING PITONG KABANATA (#litres_trial_promo)


“Pisikal ba ito?

Ang maglakad at tanggapin ang katatawanan

Ng malamig na umaga? Ano, may sakit ba si Brutus,

Makakatakas kaya siya sa kanyang pagkakahiga

Upang hamunin ang nakakalalasong gabi?”



--William Shakespeare, Julius Caesar




UNANG KABANATA


Laging hindi ikinasisiya ni Caitlin Paine ang unang araw sa bagong paaralan. Nariyan yung kelangan mong maghanap ng mga bagong kaibigan, kilalanin ang bagong mga guro at syempre pa kabisaduhin ang bago mong paligid. Nariyan din yung maliliit na bagay tulad ng pagkuha ng laker at amoy at tunog ng isang lugar na di ka pamilyar. Higit sa lahat, ayaw nya ng mga titig. Pakiramdam nya lahat nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw. Nais lang naman nyang hindi kilalanin at pansinin. Ngunit laging hindi ito ang nangyayari. Hindi maintindihan ni Caitlin kung bakit siya ay kapansin-pansin sa tingin ng iba. Siya ay hindi katangkaran at may taas lamang na 5"5', may kulay kapeng buhok at mata at normal na timbang. Para sa kanya, sya ay pangkaraniwan lamang. Lalong hindi sya kasing-ganda tulad ng ibang mga kabataang babae. Sa kanyang edad na 18, hindi ito sapat upang sya ay mapansin.

Alam nyang mayroong isang dahilan kung bakit sya nagiging kapansin-pansin. Alam nyang iba sya ngunit hindi siya sigurado kung paano siyang iba.

At ang mas masahol pa sa unang araw sa bagong eskwelahan ay ang mag-umpisa sa kalagitnaan ng semestre. Kung kailan ang lahat ay nabigyan na ng pagkakataon na kilalanin ang isa't isa. Ngayon, sa kanyang unang araw sa kalagitnaan ng Marso, nararamdaman na nya na isa ito sa pinaka-panggit na araw sa buhay niya.

Hindi niya inakalang magiging ganito kasama. Marami na siyang nakita dati pero hindi katulad nito.

Nakatayo lang sya sa labas ng pampublikong eskwelahan sa lungsod ng New York. Malamig nang umagang iyon ng Marso. Bakit ako? Sa gitna ng gulo ng daang estudyante na nagsisigawan at nagtutulakan, napaka-ordinaryo ko. Hindi siya handa. Pakiramdam nya nasa bakuran siya ng bilangguan.

Masyado silang magulo. Sobra silang maingay at magmurahan. Aakalain mong may away kung hindi dahil sa ilang nakangiti at nagtatawanan. Hindi niya maintindihan kung san sila kumukuha ng lakas. Giniginaw siya, pagod at kulang sa tulog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nagbabakasakaling mawawala ang lahat ng gulong ito. Sinuot niya ang earphones ng kanyang ipod pero wala na pala siyang baterya. Kinuha niya ang kanyang cellphone ngunit wala namang tawag o bagong mensahe.

Pinagmasdan niya ang mga mukha ng mga nakapaligid sa kanya. Pakiramdam niya nag-iisa siya. Hindi dahil siya lang ang nag-iisang puti. Mas gusto nga niya iyon. Mas nagiging kaibigan niya pa ang iba ibang lahi kaysa sa katulad niya. Kaya hindi ito ang dahilan ng kanyang pag-iisa. Ito ay dahil nasa lungsod siya. Isang malakas na buzzer ang tumunog para lamang papasukin siya sa "panlibangang lugar" na ito. Napapaligiran siya ng naglalakihang gates na gawa sa metal at may mga barb wire sa itaas. Pakiramdam niya talaga nasa bilangguan siya.

Madali naman sya dating umangkop sa bagong lugar. Ang pinag-kaiba nga lang ang mga eskwelahan niya dati ay mga nasa labas ng lungsod. Sanay siya sa damuhan at maraming puno. Dito ay lungsod. Pakiramdam niya hindi siya makahinga. Natatakot siya.

Isa ulit malakas na buzzer ang tumunog. Kasama ng daang mga estudyante ay nag-umpisa siyang pumasok sa pasukan ng eskwelahan. Nabunggo siya ng isang malaking babaeng estudyante na ikinalaglag ng journal niya. Dinampot niya ito at naghintay ng paumanhin galing sa babae pero hindi na niya ito nakita. Ang narinig na lamang niya ay halakhak nito. Hindi niya alam kung para sa kanya ba ang halakhak na iyon.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang journal. Isang bagay na nakakatulong sa kanya mula pa pagkabata.

Sa wakas ay nakarating din siya sa mismong pintuan. Kinailangan niyang sumiksik para lamang magkasya. Para siyang nasa istasyon ng tren tuwing kadamihan ng tao. Nais lamang niya ay hindi na ganoong kalamig sa loob.

Dalawang naglalakihang security guards ang nakatayo sa may pintuan kasama ng dalawa pang pulis mula sa lungsod ng New York. May mga baril sila sa kanilang gilid.

"SIGE LANG, PASOK!" sabi ng isa sa mga security guard.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang may pulis sa loob ng paaralan. Lalo niya itong ikinatakot. Dagdagan pa ng kailangang pagdaan sa metal detector. Istilo ng ginagawa sa mga paliparan.

Apat pang mga pulis ang nakatayo sa magkabilang gilid ng metal detector at dalawa pang security guards.

"ALISIN NINYO ANG LAMAN NG MGA BULSA NINYO!" sigaw ng isang guard.

Napansin ni Caitlin ang ibang mga estudyante na naglalagay ng kanilang mga gamit sa isang plastik na lalagyan. Ganun din ang ginawa nya sa kanyang ipod, pitaka at susi.

Dumaan siya sa detector. Umalarma ito.

"IKAW! DITO KA SA TABI" sigaw ng guard sa kanya.

Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kanya habang pinapadaanan siya ng handheld detector.

"May suot ka bang alahas? "

At doon niya naalala ang kanyang krus na kuwintas.

"Hubarin mo iyan!" sigaw ng guard.

Kuwintas ito na bigay ng kanyang lola bago ito pumanaw. Bigay din daw ito ng lola niya. Isang maliit na krus na gawa sa pilak na may nakaukit na mga salitang Latin. Hindi na ito naisalin ng kanyang lola. Hindi siya relihiyosa pero alam niya ang kahalagahan nito na daang taon na sa kanilang pamilya. Ito lang marahil ang pinakamahalagang pag-aari niya sa ngayon.

Itinaas lamang niya ito at sinabi sa guard na hindi niya ito huhubarin.

Tinitigan siya ng guard nang masama. Hanggang sa biglaan na lang nagkagulo. May mga nagsisigawan habang may isang pulis na humablot sa isang payat at matangkad na lalaking estudyante at iniharap ito sa may dingding. Nakakuha siya ng isang maliit na kutsilyo mula dito.

Tumulong ang guard na tumititig kay Caitlin. Siya namang alis niya papasok sa eskwelahan kasama ng karamihan ng mga estudyante patungo sa may bulwagan.

Maligayang pagdating sa pampublikong paaralan sa lungsod ng New York! Magaling!

Hindi na siya makapaghintay para sa kanyang pagtatapos.

Hindi siya makapaniwala sa laki ng bulwagan nila. Ganun pa man, nakuha pa rin nitong mapuno ng mga estudyante, balikat sa balikat. Tingin niya ay may libong estudyante doon. Puro mukha ang nakikita niya. At mas maingay at magulo pa dito. Gusto niya sanang takluban ang mga tenga niya ngunit

imposibleng gawin ito. Dahil sa sikip, hindi niya maitataas ang kanyang mga siko.

Tumunog ang bell.

Lalong tumaas ang enerhiya ng lahat.

Huli na siya.

Tiningnan niya ulit ang papel kung saan nakalista ang numero ng silid aralan. Nakita niya ito mula sa malayo. Sinubukan niyang sumiksik para makadaan sa gitna ng mga estudyante pero hindi itong madaling gawin. Kailangan niyang maging agresibo kung gusto niyang makaabot sa klase niya. Sa wakas, nakarating din siya sa kanya unang klase. Inaasahan niya ang mga titig dahil sa bago siya at atrasado pa. Ngunit di niya inaasahan ang kanyang naabutan. Maingay ang lahat. Marami pang nakatayo at ang iba ay nakaupo pa sa kanilang mga mesa. Kahit pa limang minuto na makalampas ng oras ng klase, ang kanilang guro na mukhang gusot na gusot ang damit ay hindi pa nagsisimula. Nakataas lamang ang mga paa nito sa kanyang mesa habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi sila pinapansin.

Nilapitan ni Caitlin ang guro upang ibigay ang kanyang ID. Tumayo lamang siya sa harap niya, naghihintay na tumingin sa kanya ngunit hindi siya nito pinansin. Sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito. Doon lamang niya ibinaba ang kanyang binabasang dyaryo.

"Ako si Caitlin Paine. Bagong estudyante ako dito. Kailangan ko atang ibigay ito sayo." sabi ni Caitlin sa guro habang inaabot ang ID niya.

"Sub lang ako dito" sabi ng guro sabay basa ulit sa dyaryo niya.

"Hindi ka kumukuha ng attendance?" tanong ni Caitlin.

"Babalik ang inyong guro sa Lunes. Siya na ang bahala diyan" paaling na sagot ng guro.

Hindi siya makapaniwala. Wala siyang magawa kundi ang maghanap na lang ng mauupuan. Pero saan? Wala nang bakante. Ayaw niyang tumayo sa buong oras ng klaseng iyon. Magulo pa din ang lahat, nagsisigawan. Wala man lang nakakapansin sa kanya. Napansin niyang pati pananamit nila ay iba sa kanya. Naisip niyang umalis na lamang. Tutal wala namang pakialam yung kapalit na guro. Nung akmang aalis na siya ay may nagsalita sa likuran niya.

"Ito" sabi ng matangkad na lalaki habang nakatayo sa tabi ng mesa niya sa may tabi ng bintana sa may likuran.

"Upo ka" sabi niya ulit.

Panandaliang tumahimik ang silid. Lumapit siya sa kanya. Sinubukan niyang huwag tumitig ngunit hindi niya napigilan ang sarili niya. Sobrang ganda ng mga luntian niyang mata. Napakakisig niya. Hindi niya malaman kung anong lahi siya galing. Maikli ang kanyang kulay kapeng buhok at makinis ang kanyang balat. Mayroong bagay sa kanya na hindi nababagay sa lugar na iyon.

Hindi rin nangyayari sa kanya ang mabighani ng ganoon sa isang lalaki. Nakita niya ang mga kaibigan niyang ganun pero hindi siya. Ngayon naiintindihan na niya ang pakiramdam.

"Saan ka uupo?" kinakabahang tanong ni Caitlin sa lalaki.

Ngumiti ang lalaki at doon nakita ni Caitlin ang kanyang perpektong mga ngipin.

"Dito" sabi ng lalaki sabay turo sa pasamano ng bintana.

"Salamat" sabi ni Caitlin. Salamat! inis na inis siya sa sarili niya dahil sa iyon lang ang nakaya niyang sabihin.

"Tama yan Barack!" sigaw ng isang estudyante. "Ibigay mo lang ang upuan mo sa magandang, puting babae na iyan!"

Nagtawanan ang lahat at muling bumalik ang ingay sa klase. Nakita ni Caitlin kung paanong napatungo at napahiya ang lalaki.

"Barack? Yun ba talaga pangalan mo?" tanong niya.

"Hindi. Tinatawag lang nila akong Barack kasi kamukha ko daw siya. Kalahating itim kasi ko, parteng puti at parteng Puerto Rican.

Tiningnan ng mabuti ni Caitlin si Barack at sang-ayon siyang magkahawig nga sila.

"Tingin ko isa itong papuri sa iyo" sabi niya.

"Hindi kong paano nila ito sabihin " sagot niya.

Pinagmasdan siya ni Caitlin habang nakaupo sa may bintana. Masasabi niyang sensitibo ito. Hindi siya bagay sa lugar na iyon.

"Ako nga pala si Caitlin". Inabot niya ang kaniyang kamay habang nakatingin sa mga mata ng lalaki.

"Jonah" sorpresang sagot niya habang inaabot pabalik ang kamay niya. Parang matutunaw ang pakiramdam ni Caitlin. Natagalan ang kapit sa kanya ni Jonah kaya't di niya napigilan ngumiti.

Walang kakaibang nangyari buong umagang iyon. Gutom na si Caitlin pagdating niya sa kantina. Hindi siya makapaniwala sa laki nito. Sobrang ingay pa rin dito dahil sa libong estudyanteng nagsisigawan. Para siyang nasa loob ng gymnasium. Pinag-kaiba nga lang may security guard kahit saan ka tumingin.

Syempre pa hindi na naman niya alam kung saan pupunta. Nakakita siya ng mga trey. Kumuha siya ng isa at pumila sa akala niyang umpisa nito.

"Hoy! Huwag ka ngang paningit!" sigaw ng malaking babaeng estudyante sa likuran niya.

"Pasensya na. Hindi ko kasi alam" sagot ni Caitlin.

"Doon ang hulihan ng pila" paangil na sagot ng isa pang babaeng estudyante sabay turo kung saan ito.

Sobrang haba pala ng pila. Aabutin siya ng dalawampung minuto para makakuha ng pagkain.

Habang papunta siya sa huli ng pila, bigla na lang may lalaking estudyante na tumulak sa isa pang lalaking estudyante. Bumagsak ito sa may paanan niya. Sumugod ang una, tinalunan niya at pinagsusuntok ang nasa lapag. Nagsimulang magsigawan at magkagulo ang lahat.

"Away! Away!" sigaw ng marami. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito sa harapan niya. Hanggang sa lumapit ang apat na security guards at inawat ang dalawa na duguan.

Nang matapos kumuha ng pagkain ni Caitlin, simpleng hinanap niya si Jonah pero wala ito sa kantina. Naghanap siya ng mauupuan pero halos lahat ay may mga nakaupo na. Napansin niya ang magkakahiwalay at iba't ibang grupo doon.

Nagdesisiyon siyang umupo sa mesa sa may bandang likod. Meron lamang isang lalaking estudyanteng Intsik na nakaupo sa may dulo ng mesa. Hindi maayos ang kanyang pananamit at nakasuot siya ng braces. Nakatungo lamang siya at nakatututok ang atensyon sa kanyang kinakain.

Pakiramdam niya mag-isa siya. Tiningnan niya ang kanyang cellphone. May ilang mensahe siya sa Facebook galing sa kanyang mga kaibigan sa dati niyang lugar. Tinatanong nila kung nagustuhan niya ba ang bago niyang lugar. Hindi niya gustong sumagot ng kanilang mga mensahe sa ngayon. Pakiramdam niya ang layo layo nila.

Wala siya masyadong nakain. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukang baguhin ang nasa isip niya. Inisip niya ang kanyang bagong apartment sa kalye ng 132nd, nasa ika-limang palapag. Luma at madumi ang gusali at walang elevator dito. Lalo siyang nahilo sa pag-iisip na ito. Huminga siya ng malalim at sinubukang mag-isip nang iba pang bagay. Bagay na maganda sa buhay niya.

Meron siyang nakababatang kapatid na lalaki. Sam ang pangalan niya. Labing-apat na taon pa lamang siya ngunit para siyang dalawampung taon sa kanyang ikinikilos. Tumayo siya na parang nakatatandang kapatid sa kanya. Dahil siguro ito sa pag-iwan sa kanila ng kanilang ama at ang masamang pagtrato sa kanila ng kanilang ina. Nakikita niya ang masamang epekto nito sa kanya sa lagi niyang pakikipag-away sa eskwelahan. Sana lang ay hindi ito lumala.

Pero pagdating kay Caitlin, ibang usapan ito. Mahal na mahal siya ni Sam. Lagi siyang maasahan. Kaya naman gagawin ni Caitlin ang lahat para protektahan ang kapatid niya.

"Caitlin?"

Nagulat siya.

Nakatayo sa may tabi niya, hawak ang isang trey sa isang kamay at isang byolin sa kabilang kamay, si Jonah.

"Ayos lang bang umupo sa tabi mo?"

"Hindi - aaay oo!" kinakabahan at namumula niyang sagot.

Nginitian lamang siya ni Jonah. Umupo ito na maayos sa kanyang tabi nang may perpektong postura. Dahan-dahan niyang inilapag ang byolin at pagkain sa mesa. Mayroong iba sa kanya. Hindi siya nababagay dito sa lugar na ito. Para siyang galing sa ibang kapanahunan.

"Kumusta ang unang araw mo?" tanong ni Jonah.

"Hindi ito ang aking inaasahan."

"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin." sabi niya ulit.

"Isa ba iyang byolin?" sabay tingin ni Caitlin sa bagay na nasa ibabaw ng mesa. Hawak ito ni Jonah na para bang may magtatangkang magnakaw nito.

"Isa itong byola. Medyo malaki siya ng kaunti sa byolin pero magkaiba sila ng tunog. Mas malumanay ito."

Hindi pa nakakakita nito si Caitlin. Gusto niya sanang ipakita ito sa kanya ni Jonah ngunit hindi man lang siya gumalaw. Tuloy pa rin ang kapit niya dito na tila ba pinoprotektahan niya ito. Isang bagay na personal sa kanya.

"Palagi ka bang nag-eensayo?"

"Ilang oras araw-araw." sagot niya.

"Ilang oras. Magaling ka siguro."

Nagkibit balikat lang si Jonah.

"Ok lang ako. Mas maraming magaling sa akin. Pero ninanais ko na ito ang makakatulong sa akin paalis ng lugar na ito."

"Matagal ko nang gustong matutong mag-pyano" sabi ni Caitlin.

"Bakit hindi".

Sasabihin sana niyang wala siyang pyano pero nagkibit balikat lamang siya at bumalik tingin sa kaniyang pagkain.

"Hindi mo kailangan ng pansariling pyano para matuto" sagot ni Jonah.

Nagulat si Caitlin na para bang nabasa niya ang kaniyang iniisip.

"Kahit pa madaming hindi maganda sa lugar na ito, nagbibigay dito ng libreng pagtuturo ng pyano. Magpalista ka lang."

Nanlaki ang mga mata ni Caitlin.

"Talaga?"

"Pumunta ka lang sa silid ng musika at hanapin si Ginang Lennox. Sabihin mo lang na kaibigan kita" sabi ni Jonah.

Kaibigan..nagustuhan ni Caitlin ang tunog nito. Napatingin siya sa luntiang niyang mga mata. Gusto niya sanang itanong kung bakit ang bait niya sa kanya, mayroon ba siyang kasintahan, ngunit pinigilan niya ang sarili niya.

Gusto pa niya sanang ipagpatuloy ang usapan kaya't pilit siyang nag-iisip ng pwede pang pag-usapan. Gusto niyang makasigurado na hindi ito ang huli nilang pagkikita. Ngunit nang sa akmang pagbukas ng kanyang bibig para magsalita ay siyang pagtunog ng bell.

Nagka-ingay na ulit lahat sa kantina. Tumayo na din si Jonah at kinuha ang kaniyang byola.

"Huli na ako" sabi niya. Kinuha din niya ang kaniyang trey sabay tingin sa trey ni Caitlin.

"Kunin ko na din trey mo?" Umiling lamang si Caitlin.

"Ah, ok. Una na ako" biglang nahihiyang sabi ni Jonah.

"Ummm, ok " bulong ni Caitlin.



*



Ang unang araw niya sa bago niyang eskwelahan ay natapos din. Lumabas si Caitlin. Hindi na niya alintana ang lamig. Pati ang gulo at ingay ng ibang mga estudyante sa paligid niya ay hindi na rin niya pansin. Mabilis na natapos ang araw na iyon. Wala man lang siyang maalalang pangalan ng kaniyang mga guro.

Magaan ang kaniyang pakiramdam. Nabuhayan siya ng loob. Lagi niyang naiisip si Jonah. Sana lang ay hindi siya naging kakatwa habang sila ay nasa kantina. Wala man lang siyang maayos na naitanong sa kanya. Kung bakit ba naman tungkol sa byola lang ang napag-usapan nila. Hindi man lang niya nalaman kung saan siya nakatira, saan niya planong mag-kolehiyo at kung mayroon ba siyang kasintahan. Pero ang isang katulad niya ay siguradong hindi mawawalan ng espesyal na tao sa buhay.

Sa oras ding iyon ay may dumaan na isang magandang Hispanic na babae. Maganda siya manamit. Napatitig si Caitlin sa kanya at nag-akalang siya ang babaeng iyon.

Lumiko siya sa kalye ng 134th. Biglang hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya maalala kung nasaan ang apartment niya. Napatigil siya at nagulumihanan.

"Hey kaibigan!"

Napatingin siya at kanyang napagtanto na siya ay nasa harap ng isang maduming bodega. Apat na lalaki, na wari ay hindi alintana ang lamig, ang nakatingin sa kanya na para bang siya ang susunod nilang pagkain.

"Miss halika dito!" sigaw ng isa pa.

Kalye ng 132nd. Bigla niyang naalala at dali-dali siyang umalis patungo sa kanyang apartment. Ilang beses siyang lumilingon sakaling sinusundan siya ng mga lalaking iyon. Buti na lang at hindi.

Ramdam na naman niya ang matinding lamig sa kanyang pisngi. Unti-unti niyang napagtatanto ang lugar kung saan siya titira. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid na puno ng mga kotseng inabandona, bandalismo at rehas sa bintana. Bigla niyang naramdaman ang pag-iisa at sobrang takot.

Tatlong bloke na lamang ang kailangan niyang lakarin papunta sa apartment pero pakiramdam niya ang tagal na niyang naglalakad. Inaasam asam niya na sana ay mayroon siyang kaibigan sa kaniyang tabi - mas maganda kung si Jonah - at bigla siyang nagtaka kung kakayanin niyang maglakad ng ganoon araw-araw. Naalala na naman niya ang kanyang galit sa kaniyang ina. Kung bakit lagi siyang nililipat lipat nito at sa mga lugar na hindi niya gusto. Kailan ba ito titigil?

Basag na salamin.

Bumilis ang tibok ng puso ni Caitlin. May nakita siyang kaguluhan sa may bandang kaliwa. Nagmadali siyang maglakad at umiwas ng tingin. Ngunit habang papalit siya ay naririnig niya ang kanilang mga sigaw at nakakikilabot na halakhak kaya't hindi niya mapigilang mapatingin sa kanilang ginagawa.

Apat na malalaking kabataang lalaki - baka mga nasa 18 o 19 - ang pinagtutulungan ang isa pang kabataang lalaki. Dalawa sa kanila ay hawak ang kaniyang mga braso, ang pangatlo ay sinuntok siya sa sikmura habang ang pang-apat ay sinuntok siya sa mukha. Ang pinagtutulungang bata ay posibleng 17 ang edad, matangkad, payat, walang kalaban laban at natumba sa lupa. Dalawa sa mga lalaki ay sinipa siya sa mukha.

Kahit natatakot si Caitlin, hindi niya mapigilang mapatitig sa nangyayari. Nagalala siyang baka mapatay nila ang lalaking iyon.

"Hindi!" sigaw ni Caitlin.

May narinig siyang tunog na parang may nabali habang sumipa sila. Tunog nang nabaling kahoy. Hanggang sa nakita niya na winawasak nila ang isang byola. Nakita niya kung paanong ito ay nagkapira-piraso.

Napatakip siya sa kaniyang bibig.

"Jonah?"

Walang ano ano'y biglang tumawid si Caitlin sa kabila ng kalsada. Napansin siya kagad ng apat na kabataan na nag-ngitian sa isa't isa. Nilapitan niya kaagad ang duguang biktima at kanyang nakumpirma na si Jonah nga ito. Wala siyang malay.

Tiningnan niya ang grupo ng mga kalalakihan. Natalo ng galit ang kanyang takot.

"Tama na! Iwan nyo na siya!"

Napatawa ang lalaki sa gitna na may taas na 6'4" at matipuno.

"At kung hindi?" tanong niya.

Bigla na lamang may tumulak sa kaniya na ikinatumba niya. Nalaglag ang kanyang journal at nagliparan ang mga pahina nito sa kalye.

Nagtawanan silang lahat. Nakuha niyang tumayo at dali-daling tumakbo papunta sa may eskinita. Hinabol siya ng mga ito.

Sa mga dati niyang eskwelahan ay kasali siya sa mga atleta ng track. Siya ang tinuturing na pinakamabilis. At sa pagkakataong ito ay naalala niya ang mga panahong iyon.

Hindi siya maabutan ng mga lalaki.

Lumingon si Caitlin at nakita niyang malayo ang pagitan nila sa kanya. Kailangan lamang na pumili siya ng tamang kalye na lilikuan para tuluyan siyang makawala.

Ang eskinita ay nagtatapos sa korteng T. Kailangan niyang kumaliwa o kumanan. Ngunit hindi niya kita kung ano ang meron sa alinmang kalye na kanyang piliing likuan. Nagdesisyon siyang kumaliwa. Pinagdadasal niya na sana'y tama ang kaniyang napili. Sa kasawiang palad ay wala na pala siyang mapupuntahan dahil hanggang doon na lamang ang kalye.

Pinagmasdan niya ang pader, naghahanap ng pwedeng labasan. Ngunit wala. Ang tanging nagawa niya ay humarap sa mga padating na kalalakihan.

"Ngayon ay magsisisi ka. Pahihirapan ka namin" sabi ng isa.

Huminga ng malalim si Caitlin. Inisip niyang gisingin sa isip si Jonah na dumating doon na may lakas at handa siyang sagipin. Ngunit walang dumating kundi ang mga papalapit na magsasalakay.

Naisip niya ang matinding galit niya sa kanyang ina na pinilit siyang pumalipat-lipat ng lugar. Naisip din niya kung anong mangyayari sa kapatid niyang si Sam pagkatapos ng araw na ito.

Naisip niya ang kaniyang buong buhay. Kung paano siya tinarato ng mga tao. Walang isang taong nakaintindi sa kanya.

Napagtanto niya na hindi na niya kayang tanggapin ang mga ito. Tama na. Hindi ito nararapat sa kanya. Hindi!

At bigla na lamang niya itong naramdaman.

Para itong alon na hindi pa nangyari sa kanya dati. Isa itong biglang agos ng matinding galit na nagsimulang manalaytay sa kanyang dugo. Ramdam na ramdam niya ang kongkreto sa kaniyang mga paa at ang matinding lakas na animo'y dumaloy sa kaniya mula sa pulso papunta sa kanyang mga braso at balikat.

Bumukas ang kanyang bibig at isang malakas na dagundong ang lumabas.

At sinalakay siya ng unang lalaki. Habang hinawakan siya nito sa may pulso ay agad na kumilos ang kanyang kamay, hinablot ang lalaki sa may pulso sabay bali ng braso patalikod.

Nagulat ang lalaki. Napaluhod ito at napahiyaw sa sakit nang mabali ang kanyang braso.

Napatigil ang tatlo sa mga lalaki at namangha.

Sunod na umatake sa kanya ay ang pinakamalaki sa kanila.

Tumalon si Caitlin at sinipa siya sa dibdib. Tumilapon siya mga sampung talampakan sa ere at bumagsak sa mga basurahang gawa sa metal. Hindi na siya nakatayo pagkatapos noon.

Nagtinginan ang dalawa pang lalaki. Manghang mangha sila sa kanilang nasaksihan. Binalot din sila ngtakot. Nilapitan sila ni Caitlin na puno ng di maipaliwanag na lakas. Narinig ulit ang dagundong galing sa kanya. Dinampot niya ang dalawang lalaki gamit ang magkabilang kamay at itinaas sila sa ere. Idinuyan niya sila sabay pinag-umpog ng malakas. Nawalan sila pareho ng malay.

Nag-uumapaw ang galit ni Caitlin. Hindi gumagalaw ang apat na lalaki.

Hindi lumuwag ang kaniyang kalooban pagkatapos noon. Gusto niya pang makipaglaban. Gusto niya pa ng mas maraming kabataan na itatapon sa ere.

Hindi lamang iyon ang gusto niya. Biglang naglinaw ang kaniyang mga paningin at napatingin sa kanilang mga leeg. Sa ugat sa kanilang leeg. Gusto niyang kumagat. Kumain.

Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Tumayo siya at umirit ng napakalakas. Tunog na hindi maririnig galing sa ordinaryong tao.

Wari itong isang irit ng hayop na may hinahanap at hindi kuntento.




IKALAWANG KABANATA


Nakatayo si Caitlin sa labas ng pinto ng kanyang apartment. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Ang naalala lamang niyang huli ay nasa may eskenita siya.

Ngunit naalala niyang lahat ang nangyari doon. Binalot siya ng galit na noon lamang niya naramdaman.

Tiningnan niya ang kanyang mga braso. Inaasahan niyang may nagbago pagkatapos noon ngunit lahat ay kapareho pa rin ng dati. Normal.

Ang epekto nito sa kanya ay naiwan din. Guwang ang kanyang pakiramdam. Manhid. Hindi niya ito maintindihan. Mayroon siyang kinasasabikan pagkatapos niyang mapagmasdan ang mga leeg ng mga lalaking iyon. Ugat sa kanilang leeg. Nakaramdam siya ng gutom.

Ayaw talagang umuwi ni Caitlin. Ayaw niyang harapin ang kaniyang ina, ang bago nilang lugar. Pati mag-ayos ng gamit. Kung hindi lamang dahil kay Sam ay aalis ulit siya ngayon. Maglalakad lakad.

Binuksan niya ang pinto. Nakaamoy siya ng pagkain, mukhang galing sa microwave. Sam. Lagi siyang maagang umuwi para kumain. Wala pa ang kanilang ina.

"Mukhang hindi maganda ang unang araw mo ah."

Nagulat si Caitlin sa boses ng ina na nakaupo sa sala, naninigarilyo at umay na pinagmamasdan siya.

"Sinira mo na kagad ang bago mong pangginaw?"

Napatingin si Caitlin sa suot niya. Mukhang namantsahan sa pagkakabagsak niya sa semento.

"Bakit ang aga mo umuwi?" tanong niya sa ina.

"Unang araw ko din sa trabaho" pasinghal na sagot ng ina.

"Hindi lang ikaw. Wala masyadong trabaho kaya pinauwi ako ng maaga ng amo ko."

Hindi kaya ni Caitlin ang masamang tono ng ina. Hindi ngayong araw na ito.

"Magaling! Ibig bang sabihin lilipat ulit tayo?" singhal din niya.

Napatayo bigla ang kaniyang ina. "Ingatan mo iyang pananalita mo!" sigaw niya.

Para kay Caitlin lagi lamang naghahanap ng rason ang nanay niya para masigawan siya.

"Hindi ka dapat naninigarilyo sa harap ni Sam" malamig na sambit niya habang pasok sa kaniyang maliit na silid. Sinara niya ang pinto at kinando ito.

"Lumabas ka dito! Pilya ka! Ganyan ba dapat magsalita sa inyong ina na nagpapakain sa inyo!?"

Sa gabing ito ay nagawa niyang hindi pansinin ang boses ng ina. Masyadong magulo ang isip niya. Inalala niya ang mga nangyari noong araw na iyon, ang lakas ng tawa ng mga kabataan, ang tibok ng kaniyang puso at ang dagundong na sa kanya lamang nanggaling.

Nagpatuloy ang bayo sa kaniyang pinto ngunit tila ay wala siyang naririnig. Ang kaniyang cellphone sa mesa ay wala ring tigil sa pagtaginting, umiilaw dahil sa mga mensahe sa kaniya. Ngunit pati iyon ay di niya naririnig.

Dumungaw siya sa kaniyang maliit na bintana at pinagmasdan ang kahabaan ng kalye ng Amsterdam. Ibang tunog ang kaniyang narinig. Ang boses ni Jonah. Naalala niya ang mga ngiti nito. Naisip niya kung paanong napaka-amo niya. Bigla niyang naalala ang duguan niyang mukha at ang wasak na instrumento niya. Nagsimula na naman siyang magalit.

Hanggang ang galit niya ay napalitan ng pag-aalala. Inaakala niyang tinatawag siya ni Jonah.

Caitlin.. Caitlin..

"Caitlin?"

May ibang boses na tumatawag sa kaniya. Ang kapatid niyang si Sam.

"Si Sam ito. Papasukin mo ko."

Tumayo siya at humilig sa may pinto.

"Wala si Inay. Lumabas bumibili ng sigarilyo. Sige na papasukin mo na ako."

Binuksan ni Caitlin ang pinto.Nakatayo doon si Sam. Nakatitig sa kaniya at nag-aalala. Labing-limang taong gulang pa lamang siya pero mukha siyang mas matanda sa edad niya. Tumangkad siya ng maaga, anim na talampakan. Payat siya, itim ang buhok at kulay kape ang mga mata. Pareho sila ng kulay. Magkapatid nga sila. At mahal na mahal siya nito.

Pinapasok niya ito sa loob at nagmamadaling sinara ang pinto.

"Pasensya na" sabi ni Caitlin. "Hindi ko siya kayang tiisin ngayong gabi."

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Jonah.

"Pangkaraniwan na. Ako na naman lagi niyang nakikita."

"Hindi kasi ata naging maganda ang araw niya." pumapagitnang sabi ni Jonah, bagay na lagi niyang ginagawa. "Sana hindi siya masisante ulit."

"Sinong may pakialam? New York, Arizona, Texas...saan naman kaya ang sunod? Wala nang magiging katapusan ang paglipat natin!"

Sumimangot si Jonah habang nakaupo sa may mesa. Nagsisi kaagad si Caitlin sa kaniyang nasabi. Kung pwede lang niyang bawiin iyon. Minsan talaga walang preno ang kaniyang bibig.

"Kumusta naman ang unang oraw mo?" tanong ni Caitlin para mabago ang kanilang usapan.

"Ok lang naman. ikaw?" Nagkibit balikat lamang siya. May iba siguro sa kaniyang mukha dahil hindi naalis ang tingin sa kaniya ni Jonah.

"Anong nangyari?"

"Wala" mabilis niyang sagot sabay lakad sa may bintana. Patuloy siyang pinagmamasdan ng kapatid.

"May iba sa iyo."

"Paanong iba?" tanong ni Caitlin habang nakatingin sa may labas.

"Hindi ko alam. Ayoko sa lugar na ito" sabi ni Jonah.

"Ako din" sabay balik ng tingin ni Caitlin sa kapatid.

"Naisip ko pa ngang maglayas e."

"Anong ibig mong sabihin? "

Nagkibit balikat lamang ito. Pinagmasdan siya ni Caitlin. Mukhang nalulumbay ito.

"Saan?"

"Hindi ko alam. Siguro hahanapin ko si tatay" sagot ni Jonah.

"Paano? Hindi natin alam kung nasaan siya."

"Hahanapin ko siya. Susubukan ko."

"Paano?"

"Hindi ko alam pero susubukan ko."

"Sam, baka patay na siya hindi natin alam iyon." sabi ni Caitlin.

"Huwag kang magsalita ng ganyan."namumulang sigaw ni Jonah.

"Pasensya na" sabi ni Caitlin. Kumalma siya.

"Pero naisip mo ba na kahit makita natin siya, baka hindi niya tayo kilalanin? Hindi niya tayo kinilala at hindi siya sumubok na hanapin tayo."

"Siguro dahil ayaw siyang payagan ni nanay."

"O baka dahil ayaw niya sa atin." sabi ni Caitlin.

Lalong sumimangot si Jonah. "Hinanap ko siya sa Facebook. "

Nanlaki ang mga mata ni Caitlin. "Nahanap mo siya?"

"Hindi ako sigurado. May apat siyang kapangalan. Dalawa sa kanila pribado at walang litrato. Pinadalhan ko sila ng mensahe." paliwanag ni Jonah.

"Tapos?"

Umiling lamang si Jonah. "Hindi pa sila sumasagot."

"Wala siguro siyang Facebook."

"Hindi mo alam iyon."

Napabuntong hininga si Caitlin. Humiga siya sa kaniyang kama at tumingin sa naninilaw at nagbabakbak na kisame. Paano ba sila umabot sa ganoon. May mga maayos na lugar naman sila dati kung saan naging masaya sila pati ang kanilang ina. Panahong may nakilala siyang bagong lalaki. Hindi siya nito laging kinagagalitan.

May mga bayan din na nagkaroon sila ng maraming kaibigan. Akala nila magtatagal sila doon hanggang sa sila ay makatapos. Ngunit sa bilis lagi ng mga pangyayari, lilipat na naman sila. Mag-eempake at magpapaalam. Masama bang humiling ng normal na buhay?

"Pwede akong bumalik sa Oakville." biglang sabi ni Jonah. Napatigil ang kaniyang pag-iisip.

"Pwede akong makitira sandali sa mga kaibigan ko."

Hindi na niya kinakaya ang araw na ito. Sa mga sinasabi ni Jonah, gusto rin siyang iwan nito. Para bang wala na siyang pakialam sa kaniya.

"E di umalis ka!" biglang pa-angil na sabi ni Caitlin. Parang ibang tao ang nagsalita. Pinagsisisihan niya ang nasabi niyang iyon.

Bakit ba hindi muna siya mag-isip bago magsalita? Kung mabuti sana ang pakiramdam niya at mas mahinahon siya, hindi sana siya nakapagsalita ng ganoon. Maaaring ang nasabi niya ay - "Alam kong ang ibig mo talagang sabihin ngayon ay hinding hindi ka aalis dito sa lugar na ito kahit pa gaano kahirap. Hinding hindi mo ako iiwan dahil tayo na lamang ang magkakampi."

Ngunit naunahan siya ng kanyang init ng ulo. Kita sa mukha ni Jonah na nasaktan ito sa kanyang sinabi. Kung maaari lamang bawiin ito para maging ok na ang lahat. Pero hindi niya maibuka ang kaniyang bibig para magsalita at humingi ng paumanhin. Tumayo na lamang si Sam at lumabas ng kaniyang silid.

Idiyota! Bakit kinailangan mo siyang tratuhin katulad ng pagtrato sa iyo ng iyong ina?

Humiga ulit siya at tumitig sa kisame. Naisip niya na isa pang rason kung bakit uminit bigla ang ulo niya ay dahil sa paggulo ni Jonah sa iniisip niya nung oras na iyon.

Naisip niya si Frank, dating kasintahan ng kaniyang ina. Limampung taong gulang, malapad siya ngunit hindi matangkad at nakakalbo na din. Labing-anim na taong gulang siya noon. Isa iyon sa mga panahon na masaya ang kaniyang ina.

Nakatayo siya noon sa maliit nilang labahan. Nagtititklop siya ng kaniyang mga damit nang bigla na lang dumating si Frank sa may pintuan. Lagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya.

Nakita niya itong dinampot ang kaniyang damit panloob. Nakaramdam siya ng matinding hiya at galit na ikinamula ng kaniyang mukha. Itinaas niya ito sa ere sabay ngisi.

"Nalaglag mo." sabi ni Frank. Mabilis itong hinablot ni Caitlin.

"Anong kailangan mo!?" singhal niya.

"Ganyan ba ang tamang pakikipag-usap sa bago mong ama?" Humakbang ito papalapit sa kaniya.

"Hindi kita ama!"

"Malapit na."

Bumalik siya sa kaniyang mga damit ngunit naramdaman niya itong humakbang ulit papalapit sa kaniya. Masyadong malapit na kumakabog ang kaniyang dibdib.

"Tingin ko ay oras na para mas kilalanin natin ang isa't isa. Ano sa tingin mo?" Sabay tanggal ng kaniyang sinturon.

Sa kaniyang takot ay nagpilit siyang lumabas doon ngunit pinigilan siya nito, hinablot at inihampas siya sa may dingding.

Doon niya naramdaman ang matinding galit. Galit na hindi niya pa naramdaman dati. Nag-init ang buong katawan niya. Nang lumapit sa kanya ito, tumalon si Caitlin at sinipa siya sa dibdib. Kahit na wala pa siya sa kalahati ng laki nito ay tumilapon siya deretso palabas ng pinto, hanggang sampung talampakan ng kabilang silid. Natanggal pati ang pintuan sa lakas ng kaniyang pagkakasipa. Nanginginig si Caitlin. Hindi siya bayolenteng tao. Wala pa siyang nasasaktan dati. Tsaka maliit lamang kumpara kay Frank. Papaano niya nalaman kung sumipa ng ganoon. Wala pa siyang nakitang taong tumilapon ng ganoong kataas dahil sa sipa. Saan galing ang lakas niyang iyon? Lumapit siya kay Frank. Wala itong malay na nakahilata sa sahig. Napatay niya kaya ito? Sa ngayon ay puno pa siya ng galit kaya't wala siyang pakialam sa kapakanan nito. Mas nag-aalala siya sa sarili niya. Kung sino o ano ba siyang talaga.

Hindi na niya nakita si Frank kinabukasan. Iniwan na nito ang kaniyang ina. May suspetsa ang ina niya na may kagagawan siya sa nangyari kaya't siya ang sinisisi nito sa pagkasira ng kaniyang buhay pag-ibig. Isang bagay na nakapagpapasaya sa kaniya. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya si Caitlin.

Bumalik ang tingin niya sa kisame. Iniisip niya kung konektado ba ang dating insidente sa nangyari ngayong araw. Inisip niya noon na nagkaroon lamang siya ng panandaliang lakas dahil sa galit niya kay Frank. Pero ngayon para bang mayroon pang iba. Meron ba siyang kakaibang lakas? Isa ba siyang abnormal? Sino siya?




IKATLONG KABANATA


Tumatakbo si Caitlin. Bumalik ang mga masasamang loob at hinahabol nila siya sa may eskinita. Wala na naman siyang mapupuntahan. Isa na namang mataas na pader ang nakaharang dito. Ngunit dumeretso siya ng takbo. Sobrang bilis niya hindi na maaninag ang mga gusali sa paligid. Ramdam niya ang lakas ng hangin.

Nang malapit na siya sa pader, tumalon siya at napunta sa tuktok ng pader, mga tatlumpong talampakan ang taas. Tumalon siya ulit tatlumpong talampakan pa ulit pataas, dalawampung talampakan hanggang sa bumalik siya ulit sa pader ng may perpektong balanse. Tumakbo siyang ulit ng mabilis. Pakiramdam niya ay walang pwedeng makapigil sa kano iya. ParaI siyang lumilipad.

Tumingin siya sa baba at napansin niyang ang pader ay napalitan ng matataas na damo. Biglang tumatakbo siya sa isang madamong kapatagan kung saan siya nakatira nung bata pa siya.

Sa malayo ay abot tanaw niya ang kaniyang ama. Tumakbo siyang papalapit sa kaniya habang nakangiti ito at naka-abot ang kamay sa kanya.

Hindi siya tumigil nang pagtakbo para umabot siya sa kanyang ama ngunit lalo lamang siyang lumalayo.

Hanggang biglaan na lamang naramdaman niya na siya ay nahuhulog.

Isang malaking medyebal na pinto ang bumukas at pumasok siya sa loob ng simbahan. Naglakad siya sa madilim na pasilyo. May isang lalaking nakatalikod bago dumating ang pulpito, lumuhod ito. Nang siya ay papalapit na, tumayo ulit ito at humarap sa kaniya.

Isa itong pari at ang mukha niya ay nababalot ng takot. Naramdaman niya ang dugong umaagos sa kanyang mga ugat. At lalo pa siyang lumapit hindi mapigilan ang sarili niya. Nagtaas ang pari ng krus sa mukha niya, takot.

Dinambahan ni Caitlin ang pari habang nararamdaman niyang humahaba ang kaniyang mga ngipin. Kinagat niya sa leeg ang pari.

Umirit siya ngunit walang pakialam si Caitlin. Naramdaman niya ang dugong dumadaloy mula sa kaniyang ngipin hanggang sa kaniyang mga ugat. Ito ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong buhay niya.

Napaupong bigla si Caitlin sa kaniyang kama. Nalilito siyang napatingin sa loob ng kaniyang silid.

Napagtanto niya na nanaginip pala siya. Pinahid niya ang pawis sa kaniyang noo at umupo sa gilid ng kaniyang kama.

Katahimikan. Mukhang nakaalis na si Sam at ang kaniyang ina. Tumingin siya sa orasan at huli na nga siya - 8:15 na nang umaga. Mahuhuli siya sa pangalawang araw ng pasukan.

Magaling.

Nagulat siya na hindi man lang siya ginising ni Sam. Lagi siyang ginigising nito kapag naatrasado siya ng gising at mauuna siya umalis.

Galit pa siguro ito dahil sa kagabi.Tiningnan niya ang kaniyang cellphone. Patay ito. Nakalimutan niya i-charge. Mas mabuti na din yun dahil ayaw niya makipag-usap kahit kanino. Nagbihis siya at hinagpos ang kaniyang buhok. Datirati ay aalis siya kahit di kumakain. Pero ngayon ay nakaramdam siya ng kakaibang uhaw. Binuksan niya ang pridyider at kinuha ang kalahating galon ng juice na pulang kahel. Dali-dali niya itong binuksan at uminom deretso sa lalagyan. Nagmamadali siyang lumunok ng malalaki hanggang sa maubos ito.

Tiningnan niya ang walang laman na lalagyan. Hindi siya makapaniwala na naubos niya ito. Datirati nakakaubos lamang siya ng kalahating baso. Kinuha niya ang kardbord na lalagyan at nilamukos ito gamit lamang ang isa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung ano itong matinding lakas na nananalaytay sa kanyang buong katawan. Nakakatuwa ito na nakakatakot.

Uhaw pa rin siya. At gutom. Pero hindi sa pagkain. Gutom sa ibang bagay na hindi niya maintindihan kung ano.

Nakakapanibagong makita ang bulwagan nang walang laman. Ibang iba ito sa itsura kahapon. Lahat ay nasa kaniya kaniyang klase. Mayroon pa siyang labing-limang minutong natitira sa kanyang pangatlong klase. 8:45 ng umaga ng panahong iyon. Hindi niya alam kung papasok pa siya dito pero wala siyang ibang mapupuntahan.

Pumunta siya sa tamang silid at tumayo sa may pinto. Naririnig niya ang boses ng guro. Nag-alinlangan ito. Ayaw niyang mang-istorbo ng klase ngunit wala siyang ibang pagpipilian.

Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto.

Pumasok siya sa loob at tumigil ang lahat at tumingin sa kanya pati ang guro.

Katahimikan.

"Binibining.. " paumpisa ng guro na nakalimutan ang kaniyang pangalan. Pumunta ito sa mesa niya sa unahan at kinuha ang isang papel at hinanap ang kaniyang pangalan.

"...Paine. Ang bagong estudyante. Huli ka ng dalawampu't limang minuto." Isang mabagsik at matandang guro ang nanlilisik ang matang nakatingin kay Caitlin.

"Anong masasabi mo?"

Nagalinlangan si Caitlin.

"Pasensya na?"

"Hindi iyan sapat. Maaaring ang pagiging huli sa klase ay katanggap-tanggap sa kung saan ka man galing, pero hindi ito katanggap-tanggap (not acceptable) dito."

"Hindi katanggap-tanggap (unacceptable)" sabi ni Caitlin na kaagad niyang pinagsisihan.

"Anong sinabi mo?" mabagal na tanong ng guro.

"Sabi mo hindi katanggap-tanggap (not acceptable) pero ang ibig mo talagang sabihin ay hindi katanggap-tanggap (unacceptable)."

"Naku po!" malakas na sabi ng isang maingay na estudyante sa likod. Nagtawanan ang lahat.





Конец ознакомительного фрагмента. Получить полную версию книги.


Текст предоставлен ООО «ЛитРес».

Прочитайте эту книгу целиком, купив полную легальную версию (https://www.litres.ru/pages/biblio_book/?art=43697399) на ЛитРес.

Безопасно оплатить книгу можно банковской картой Visa, MasterCard, Maestro, со счета мобильного телефона, с платежного терминала, в салоне МТС или Связной, через PayPal, WebMoney, Яндекс.Деньги, QIWI Кошелек, бонусными картами или другим удобным Вам способом.



Ang Ikot ay ang libro na pantapat sa Takipsilim at Mga Tala ng Bampira at manghihikayat sa lahat na basahin ito hanggang sa katapusan! Kung kayo ay mahilig sa paglalakbay, pagibig at bampira, ang librong ito ay para sa iyo! Vampirebooksite. comAng Pinakamabentang Libro! Ang Ikot ay ang unang libro sa mabentang serye na Talaarawan ng Bampira, na may labing isang libro. (At dumadami pa) Sa Ikot (Unang libro sa Talaarawan ng Bampira), nakita ng labing walong taong gulang na si Caitlin Paine ang kanyang sarili mula sa maayos na pamumuhay sa probinsya at napilitang pumasok sa mapanganib na paaralan sa New York dahil sa kanyang ina. Ang natitirang liwanag sa paligid niya ay si Jonah, isang bagong kaklase na agad nagkagusto sa kanya. Ngunit bago pa man umusbong ang kanilang romansa, biglang may nangyaring pagbabago kay Caitlin. Bigla siyang nagkaroon ng kakaibang lakas, pagkasilaw sa liwanag, ang pagnanais na kumain-pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Naghanap siya ng mga kasagutan sa kanyang mga tanong, at ang kanyang pagkagutom ay ang nagdala sa kanya sa maling lugar, sa maling pagkakataon. Nabuksan ang kanyang mata sa isang natatagong mundo, sa ilalim ng kanyang mga paa, pumapailalim sa kalupaan ng New York. Natagpuan niya ang sarili sa pagitan ng mapanganib na kasunduan, sa gitna ng digmaan ng mga bampira. Sa pagkakataon na ito nakilaal ni Caitlin si Caleb, isang misteryoso at makapangyarihang bampira na magliligtas sa kanya sa madilim na pwersa. Kailangan niya ang tulong ni Caitlin upang hanapin ang isang mahalagang kagamitan. Kailangan din ni Caitlin ang tulong nito upang masagot ang kanyang mga katanungan at upang maprotektahan siya. Magkasama nilang hahanapin ang sagot sa isang tanong: sino ang kanyang tunay na ama? Ngunit naipit si Caitlin sa pagitan ng dalawang lalaki nang isang kakaibang bagay ang lumitaw sa kanila, isang pinagbabawal na pagibig. Isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang angkan na magdudulot ng panganib sa kanilang buhay, at pipilit sa kanila na magdesisyon kung isasakripisyo nila ang lahat para sa isat isa. Ang Ikot ay isang kwento na para sa mga kabataan. Magaling ang ginawa ni Morgan Rice sa pagbibigay ng kakaibang galaw ng kwento sa isang tipikal na istorya ng bampira. Bago at naiiba. Ang Ikot ay may klasikong elemento na makikita sa madaming istorya ng kababalaghan para sa kabataan. Ang Talaarawan ng Bampira ay nakasentro sa iisang babae.. isang kakaibang babae! . Ang Iko ay madaling basahin ngunit mabilis ang kwento. Maimumungkahi para sa lahat na naghahanap ng mga madaling basahin na may kababalaghan at romansa. Kailangan ng patnubay ng magulang! Romance ReviewsNakuha ng Ikot ang aking atensyon sa umpisa pa lamang at hindi ko na pinakawalan. Ang kwentong ito ay punong puno ng aksyon at mabilis ang ikot ng kwento. Walang nakababagot na parte. Mahusay ang pagkalasulat ni Morgan Rice na dalhin ang mga mambabasa sa kwento. Nagawa rin niyang umugnay ang bawat isa kay Caitlin sa paghahanap nito sa katotohanan. Aabangan ko ang pangalawang libro sa serye na ito. Paranormal Romance Guild

Как скачать книгу - "Ikot" в fb2, ePub, txt и других форматах?

  1. Нажмите на кнопку "полная версия" справа от обложки книги на версии сайта для ПК или под обложкой на мобюильной версии сайта
    Полная версия книги
  2. Купите книгу на литресе по кнопке со скриншота
    Пример кнопки для покупки книги
    Если книга "Ikot" доступна в бесплатно то будет вот такая кнопка
    Пример кнопки, если книга бесплатная
  3. Выполните вход в личный кабинет на сайте ЛитРес с вашим логином и паролем.
  4. В правом верхнем углу сайта нажмите «Мои книги» и перейдите в подраздел «Мои».
  5. Нажмите на обложку книги -"Ikot", чтобы скачать книгу для телефона или на ПК.
    Аудиокнига - «Ikot»
  6. В разделе «Скачать в виде файла» нажмите на нужный вам формат файла:

    Для чтения на телефоне подойдут следующие форматы (при клике на формат вы можете сразу скачать бесплатно фрагмент книги "Ikot" для ознакомления):

    • FB2 - Для телефонов, планшетов на Android, электронных книг (кроме Kindle) и других программ
    • EPUB - подходит для устройств на ios (iPhone, iPad, Mac) и большинства приложений для чтения

    Для чтения на компьютере подходят форматы:

    • TXT - можно открыть на любом компьютере в текстовом редакторе
    • RTF - также можно открыть на любом ПК
    • A4 PDF - открывается в программе Adobe Reader

    Другие форматы:

    • MOBI - подходит для электронных книг Kindle и Android-приложений
    • IOS.EPUB - идеально подойдет для iPhone и iPad
    • A6 PDF - оптимизирован и подойдет для смартфонов
    • FB3 - более развитый формат FB2

  7. Сохраните файл на свой компьютер или телефоне.

Книги автора

Аудиокниги автора

Последние отзывы
Оставьте отзыв к любой книге и его увидят десятки тысяч людей!
  • константин александрович обрезанов:
    3★
    21.08.2023
  • константин александрович обрезанов:
    3.1★
    11.08.2023
  • Добавить комментарий

    Ваш e-mail не будет опубликован. Обязательные поля помечены *