Книга - Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani

a
A

Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani
Morgan Rice


Singsing ng Salamangkero #1
--Vampirebooksite. comOMVÄND är bok #1 i den Bästsäljande serien The Vampire Journals, som fram tills nu innefattar elva böcker (fler är på väg) . I OMVÄND (bok #1 i The Vampire Journals), 18-åriga Caitlin Paine rycks upp från den idylliska förorten och tvingas börja om på en ny tuff, farlig skola i New Yorks innerstad, när hennes mamma flyttar, igen. Den enda ljuspunkten I tillvaron är Jonah, en ny klasskamrat som tycker om henne på en gång. Men innan deras kärlek har en chans att blomma ut, börjar Caitlin att förändras. Hon utvecklar en övermänsklig styrka, ljuskänslighet, ett begär efter blod – av känslor hon inte förstår. Hon letar efter svar på vad som håller på att hända henne, och hennes sug för henne till fel plats vid fel tidpunkt. Hon finner en gömd värld, precis under hennes fötter, som frodades I New York. Hon hamnar mitt emellan två klaner, mitt i ett vampyrkrig. Det är i den här stunden som Caitlin träffar Caleb, en mystisk och mäktig vampyr som radar henne från de mörka krafterna. Han behöver hennes hjälp med att hitta det förlorade svärdet. Och hon behöver honom för att hitta svar, och för skydd. Tillsammans, kommer de att hitta svaret på den avgörande frågan: vem var hennes biologiska far? Men Caitlin har svårt att välja mellan två män när något annat vaknar mellan dem: en förbjuden kärlek. En kärlek mellan raser som riskerar bådas liv, och kommer att tvinga dem att besluta sig för om det är värt att riskera att förlora allt för kärleken..





Morgan Rice

ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NG MGA BAYANI (Unang libro sa singsing ng salamangkero)










Tungkol sa sumulat na si Morgan Rice

Si Morgan Rice ay ang #1 na sumulat ng Talaarawan ng Bampira (The Vampire Journals), isang koleksyon ng mga libro para sa kabataan (may 11 libro sa kabuuan and patuloy pang nadadagdagan); isa pang sumikat na serye, Diskarte Para Mabuhay (The Survival Strategy), istorya tungkol sa mga pangyayari pagkatpos magunaw ang mundo (may 2 libro); at ang sikat na koleksyon ng mga istoryang pantasya, Ang Singsing ng Salamangkero (The Sorcerers Ring) (may 13 na libro at patuloy pang nadagdagdagan).

Ang mga libro ni Morgan ay mabibili na odyo o nakalimbag at mayroon ding mga isinalin sa ibat ibang lenggwahe tulad ng German, French, italian, Spanish, Portugese, Japanese, Chinese, Swedish, Dutch,Turkish,Hungarian, Czech at Slovak. (At marami pang mga lenggwahe sa mga susunod na panahon)

Nais ni morgan na marinig ang inyon mga opinyon. Pwede ninyong bisitahin ang kanyang website (www.morganricebooks.com (http://www.morganricebooks.com/)) para makatanggap ng mga libreng ebook, mga regalo, mga bagon balita tungkol sa tagapagsulat. Maari ring kumunekta gamit ang facebook at twitter.



Mga Opinyon Tungkol kay Morgan Rice

"Isang istorya ng imahinasyon na may nakalakip na elemento ng misteryo at kababalaghan. Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani ay magtuturo sa lahat kung paano malalampasan ang takot at kung paano natin malalaman ang ating layunin sa buhay na magtuturo sa atin kung paano uusbong at magtatagumpay sa buhay. Para sa mga naghahanap ng mga istorya ng pakikipagsapalaran, ang protagonista at ang mga elemento at aksyon sa librong ito ay magbibigay ng mga engkwentro na sasalamin sa pagbabago ng buhay ni Thor mula sa isang bata na puno ng mga pangarap patungo sa buhay na puno ng pakikipagsapalaran para mabuhay. Simula pa lamang ito ng mga kapanapanabik na istorya "

Midwest Book Review ( D. Donovan, ebook Reviewer)



Ang Singsing ng Salamangkero ay nakuha lahat ng sangkap para magtagumpay; balangkas, misteryo, mga tagapaglaban, ang panunumbalik ng nasirang pagtitinginan at pagmamahalan at panlilinlang. Ang librong ito ay para sa lahat ng edad at siguradong maaliw kayong basahin ito. Irerekominda ko ito sa mga mahilig magbasa ng mga pantasya"

Books and Movie Reviews, Roberto Mattos



"Ang istorya na ito ni Rice (Ang Singsing ng Salamangkero) ay pinagtibay ng magandang lokasyon ng kwento na base sa mayamang kultura ng bansang Scotland at napapalooban ng madaming intriga."

Kirkus Review



"Naibigan ko ang pagkakabuo ng karakter ni Thor at ng mundong kanyang ginagalawan. Lahat ng nakapaloob sa kanyang mundo tulad ng mga nilalang na nakatira dito ay nailarawan ng mahusay. Nagustuhan ko ang istorya. Maikli lamang pero nakakaaliw na may saktong dami ng mga karakter kaya hindi nakakalito. Puno ng pakikipagsapalaran at kapanapanabik na mga pangyayari. Naakma ito para sa mga kabataan. Simila ito ng isang mahusay na obra.

San Francisco Book Review



"Ang unang libro na ito mula na koleksyon ng Singsing ng Salamangkero ay tungkol sa labing apat na taong gulang na si Thorgrin "Thor" McLeod na pinapangarap na mapabilang sa Silver Legion, isang samahan ng mga mandirigma para sa Hari. Matibay ang pagkakasulat ni Rice at punong puno ito ng misteryo."

Publisher's Weekly



“Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani ay isang mabilis at madaling basahin at maintindihan. Ang bawat katapusan ng mga kabanata ay magiiwan ng misteryo at kasabikan sa mga mambabasa. May mga ilang pagkakamali sa pagkakasulat at mga karakter ngunit hindi naman nito naapektohan ang kabuuang istorya. Ang katapusan ng unang libro ay nagiwan sa akin ng pagnanais na mabasa ang susunod na libro na siya kong ginawa. Lahat ng siyam ng libro ng Singsing ng Salamangkero ay mabibili sa Kindle Store at and unang libro na Pakikipagsapalaran ng mga Bayani ay libreng makukuha bilang panimula. Kung kayo'y naghahanap ng libro na mababasa habang nasa bakasyon, ito ang libro na para sa inyo.



Mga Libro ni Morgan Rice

THE SORCERER'S RING

"A QUEST OF HEROES" Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani(Unang Libro)

"A MARCH OF A KING" Pagmartsa ng mga Hari ( Pangalawang Libro)

"DESTINY OF DRAGONS" Kapalaran ng mga Dragon (Pangatlong Libro)

"A CRY OF HONOR" Sigaw para sa Karangalan (Pangapat na Libro)

"A VOW OF GLORY" Panunumpa ng Kaluwalhatian (Panglimang Libro)

"A CHARGE OF VALOR" Ang Paniningil ng Lakas ng Loob (Pangani ma Libro)

"A RITE OF SWORDS" Ang Seremonya ng Espada (Pampitong Libro)

"A GRANT OF ARMS" Pagkakaloob ng Armas (Pangwalong Libro)

"A SKY OF SPELLS" Kalangitan ng mga Orasyon (Pangsiyam na Libro)

"A SEA OF SHIELDS" Karagatan ng mga Sanggalang (Pangsampung Libro)

"A REIGN OF STEEL" Ang Paghahari ng Asero (Panglabing isang Libro)

"A LAND OF FIRE" Ang Kalupaan ng Apoy ( Panglabing dalawang Libro)

"A RULE OF QUEENS" Pamumuno ng mga Reyna (Panglabing tatlog Libro)

"AN OATH OF BROTHERS" Ang Sumpaan ng Magkapatid (Panglabing apat na Libro)



"THE SURVIVAL STRATEGY" Diskarte Para Mabuhay

"ARENA ONE:SLAVERSUNNERS" Unang Arena: Pagtakbo ng mga Alipin ( Unang Libro)

"ARENA TWO" Pangalawang Arena (Pangalawang Libro)



"THE VAMPIRE JOURNALS" Ang Talaarawan ng Bampira

"TURNED" Pagpapaikot(Unang Libro)

"LOVED" Pagmamahal(Pangalawang Libro)

"BETRAYED" Pagtataksil (Pangatlong Libro)

"DESTINED" Itinadhana (Pangapat na Libro)

"DESIRED" Ninanais(Panglimang Libro)

"BETROTHED" Katipan (Panganim na Libro)

"VOWED" Panunumpa (Pangpitong Libro)

"FOUND" Pagtatagpo (Pangwalong Libro)

"RESURRECTED" Pagkabuhay na Muli (Pangsiyam na Libro)

"CRAVED" Pananabik (Pangsampung Libro)

"FATED" Kapalaran (Panglabing isang Libro)












Pakinggan sa odyo ang unang serye sa Ang Singsing ng Salamangkero


Copyright © 2012 by Morgan Rice

Lahat ng Karapatan. Maliban sa nakasaad sa “US Copyright Act of 1976”, walang parte o bahagi ng publikasyon na ito ang maaring kopyahin, ipamahagi sa kahit anong pamamaraan o itago sa kahit anong “databases”, ng walang pahintulot ng manunulat.

Ang ebook na ito ay ipinamahagi para sa inyong mga personal na kasihayan. Ang ebook na ito hindi maaring ibenta o ibigay sa ibang tao. Kung nais ninyong ibahagi ang libro na ito sa ibang tao, maaring bumili ng panibagong kopya. Kung binabasa ninyo ang librong ito at hindi ninyo ito binili, o kaya ay binili ito hindi lamang para sa inyong pansariling paggamit, maaring ibalik ito at bumili ng sariling kopya. Maraming salamat sa pagbibigay respeto sa pagtitiyaga ng manunulat ng librong ito.

Ang librong ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga pangalan, karakter, organisasyon, lugar at mga pangyayari ay produkto lamang ng imahinasyon ng manunulat. Kun may pagkakahalintilad ang mga ito sa aktwal na mga tao, lugar at pangyayari, ito ay pawang pagkakataon lamang.

Jacket Image Copyright Razoon Game, ginamit mula sa Shutterstock.com








"Nababagabag ang kung sino may may suot ng korona"

    William Shakespeare
    Henry IV, Part II






UNANG KABANATA


Isang batang lalaki ang nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng mababang bansa sa Kaharian ng Bilog na Kalupaan sa may kanluran, tumatanaw sa mga hilaga habang hinihintay ang pagsikat ng araw. Natatanaw niya ang luntiang mga burol na naimo'y mga likod ng mga kamelyo, may mababa at may mataas din. Ang kahel na kulay ng unang sikat ng araw ay unti unti ng sumisilip at nagpapakinang sa paligid na sumasalamin sa damdamin ng batang lalaki. Bihira lamang siyang gumising ng maaga, lumayo ng ganito sa kanilang tahanan at umakyat ng ganito kataas dahil alam niya na ikagagalit ito ng kanyang ama. Ngunit iba ang araw na ito. Hindi niya inisip kung anong sasabihin sa kanya ng ibang tao. Aa araw na ito, kakalimutan muna niya ang lahat ng mga utos at mga gawaing bahay na kumulong sa kanya sa loob ng labing apat na taon. Ngayon ang araw ng pagtupad ng kanyang tadhana.

Ang batang lalaki, si Thorgrin ng kanlurang kaharian ng timog probinsya ay nagmula sa angkan ng mga McLeod, ay mas kilala bilang si Thor-ang pinakabata sa 4 na magkakapatid na lalaki at hindi gaanong kapaborito ng kanyang ama. Buong gabi siyang hindi makatulog dahil sa paghihintay sa pagdating ng araw na ito. Hindi niya mawari ang gagawin sa kakahintay sa araw na ito. Ang pagkakataon na ito ay minsan lamang sa ilang taon kung dumating, kaya kung papalampasin pa niya ito ay baka habang buhay na siyang mamalagi sa kanilang lugar habang nagaalaga sa mga tupa ng kanyang ama. Iyon ang hindi niya maatim na mangyari.

Ang Araw ng Pagpili. Ito nag araw kung saan maglilibot ang mga tauhan ng hari sa bawat probinsya upang kumuha ng mga magboboluntaryo na sumali sa Legion, ang grupo ng mga mandirigma ng kaharian na sinanay at pinagkalooban ng pinakamahuhusay na armas at kagamitan sa buong kaharian. Buong buhay ni Thor ay pinangarap niyang maging bahagi ng tinatawag na Silver, na kinabibilangan ng pinakamagagaling na mandirigma. Ngunit walang maaring maging bahagi ng Silver, hangga't hindi sila nagigin bahagi ng Legion, isang grupo ng kinatawan na nasa edad labing-apat hanggang labing-siyam na taon. At kung sinoman ay hindi anak ng isang noble o ng isang mandirigma, walang ibang paraan upng makapasok sa Legion.

Ang Araw ng Pagpili ay ang tanging pagasa ng mga katulad ni Thor na hindi anak ng isang noble o ng mandirigma. Ito ang tanging araw kung saan maghahanap ang mga tauhan ng kaharian ng mga bagong magiging kasapi ng Legion. Alam ng marami na iilan lamang ang maaring mapili galing sa mga ordinaryong mga mamamayan, at hindi lahat sa mga mapipili ang magiging bahagi ng legion.

Sinuring mabuti ni Thor ang lugar sa paghahanap ng kahit anong kakaiba sa paligid. Alam niyang doon sa lugar na iyon lamang maaring dumaan ang mga Silver at gusto niyang siya ang unang makatanaw sa kanila. Ang mga alaga niyang tupa ay nagsisimula ng magkagulo na animo'y nagpoprotesta kay Thor upang sila ay ibaba mula sa burol. Ngunit binalewala lamang ito ni Thor. Dapat siyang mag maghanda.

Ang tanging bagay na nagpalakas ng kanyang loob sa ilang taon na pagaalaga ng mga tupa at pagiging animo'y alila ng kanyang ama at mga kapatid ay ang pagasa na darating ang araw na makakaalis din siya sa buhay na kanyang kinalakhan. Na isang araw, pagdating ng mga Silver at siya ay napili, gugulatin niya ang lahat ng tao na nangmamaliit sa kanya at sa isang iglap ay iiwan niya ang lahat ng ito

Ang ama ni Thor,samantala, ay walang paniniwala na maaring mapili sa Thor para sumali sa Legion o sa kahit saan. Itinuon lamang niya ang kanyang atensyon at pagmamahal sa kanyang tatlo pang anak. Ang pinakamatanda at labing siyam na taon at ang mga sumunod ay isang taon naman ang agwat sa isat isa. Marahil ang pagkakalapit ng kanilang mga edad ang dahilan ng kanilang malapit na pagsasama at hindi rin nila kahawig si Thor. Animo'y isang hangin lamang si Thor na hindi nila nakikita.

At ang mas masama pa dito ay hamak na mas matatangkad at balingkinitan ang mga katawan ng mga kapatid ni Thor. Alam ni Thor na matangkad din naman siya ngunit kapag tumatabi siya sa kanyang mga kapatid ay unti unti siyang nanliliit. Ngunit sa kabila nito, si Thor pa din ang inatasan ng kanyang ama na magalaga sa mga tupa habang ang kanyang mga kapatid ay nagsasanay sa nalalapit na pagdating ng mga Silver. Kahit hindi sabihin ng ibang tao, alam ni Thor na siya ay inaasahang mabuhay sa anino ng kanyang mga akpatid habang pinapanuod silang magtagumpay sa buhay. Ang kanyang tadhana, kung masusunod ang kanyang ama at mga kapatid, ay ang mabuhay at manatili sa lugar na ito at gawin ang pianguutos ng kanyang pamilya.

Ang mas malala pa dito ay nararamdaman ni Thor na natatakot din sa kanya mag kanyang mga kapatid kaya kinamumuhian siya ng mga ito. Nakikita ito ni Thor aa bawat tingin at galaw ng kanyang mga kapatid. Hindi rin ito maintindihan ni Thor, ngunit maaring dahil sa naiibang anyo ni Thor, ang pagkakaiba ng kanilang pagsasalita at pagkilos, kahit na animo'y basahan ang kasuotan ni Thor kumpara sa mga inihandang mga kagamitan at damit ng kaniyang ama para sa tatlon niyang kapatid.

Ngunit, pinagtyagaan pa din ni Thor ang lahat ng ito. Gumawa siya ng paraan upang magkasya ang kanyng mga damit. Tinatalian niya ito sa kanyang baywang upang sumikip. At ngayong panahon ng tagaraw, ay tinatanggal niya ang manggas ng kanyang damit upang maging presko. Ang kanyang damit ay may pares ng pantalon at bota na nagiisa isa niyang kagamitan. Sa kabila ng kakulangan sa mga mararangyang gamit tulad ng kanyang mga kapatid ay nagawan niya pa rin ito ng paraan.

Ngunit, wala siya ng tipikal na kilos. Maganda nag tindig at tikas ng katawan ni Thor. May bakas ng pagmamalaki sa kanyang mukha. Ang kanyang buhok ay kulay lupa habang ang kanyang mata ay nagniningning na puno ng pagasa.

Ang mga kapatid ni Thor ay pinahintulutang matulog ng mahaba, kumain ng masasarap, humawak ng magagandang mga armas bago pumunta para sa pagpili kasama ang basbas ng kanilang ama,samantalang si Thor ay hindi man lamang pinayagan na magboluntaryo. Sinubukan ni Thor na kumbinsihin nag kanyang ama tungkol dito ngunit hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang usapan. Hindi ito patas para kay Thor.

Susubukan ni Thor na balewalain ang kagustuhan ng kanyang ama para sa kanya. Sa unang sulyap sa karwahe ng hari ay agad siyang babalik pauwi at kokomprontahin ang kanyang ama. Sa ayaw nito at sa hindia ay sisiguraduhin ni Thor na maipapakilala niya ang kanyang sarili sa mga tauhan ng kaharian. Hindi siya maaring pigilan ng kanyang ama. Habang iniisip lahat ito ni Thor ay hindi niya maiwasan ang kabahan.

Sumikat na ang unang liwanag ng araw at ng nagsimula ng din sumilip ang ikalawang liwanag nito ay nasulyapan ni Thor ang kanyang pinakahihintay.

Tumindig siya doon at animo'y nakuryente. Unti unti niyang naaninag ang hugis ng kabayo at ng dala nitong karwahe. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Thor habang dumating pa ang ibang mga karwahe. Kahit nasa malayo ay kitang kita pa din ang pagkinang ng mga karwahe.

Ng mabilang ni Thor anf labing dalawang karwahe na paparating ay hindi na siya maghihintay pa. Malakas ang kabog ng dib dib ni Thor at sa unang pagkakataon ay nakalimutan na niya ang kanyang mga alagang tupa. Agad agad tumakbo pababa ng burol si Thor at hindi siya magpapapigil hanggat hindi niya naipapakilala nag kanyang sarili.


*

Hindi tumigil sa pagtakbo so Thor kahit magkasugat sugat na ang kanyang katawan dahil sa mga sanga at puno sa kanyang daan. Nakarating siya sa kanilang nayon at nakita ang mga tao na nakaumpok: isang matamlay na nayon na puno nga mga bahay na yari sa luwad at may isang palapag. Iilang pamilya ang nakatira dito. Puno ng usok ang mga tsiminiya ng bawat bahay dahil halos lahat ay nagising ng maaga para maghanda ng almusal. Isang araw na lakbayin ang layo ng bayan na ito aa kaharian. Isa lamang itong lugar sakahan sa dulo ng Bilog na Kalupaan. Isang turnilyo sa gulong ng kanlurang kaharian.

Dali daling lumapit si Thor sa kinaroroonan mga mga taong bayan habang nililinis at inaayos ang kanyang sarili. Nagtakbuhan papalayo sa kanya ang mga aso at manok at isang matandang babae na nasa labas ng kanyang bahay ang sumigaw sa kanya.

"Bata, magdahan dahan ka!" Sigaw ng matanda habang tumatakbo ng mabilis si Thor.

Ngunit hindi nagdahan dahan si Thor para sa matanda o para sa kahit na sino. Nagpasikot sikot siya sa mga daan na kabisadong kabisado niya hanggang sa makarating sa kanilang tahanan.

Maliit lamang at marupok ang kanilang bahay tulad ng iba. Isa lamang itong maliit na silid na hinati sa dalawa. Sa kabilang bahagi natutulog ang kanyang ama, at sa kabila naman ang kanyang tatlong kapatid. May maliit na kulungan ng mga manok sa likod ng kanilang bahay at doon napilitang matulog si Thor. Noong una ay katabi siyang matulog ng kanyang mga kapatid ngunit sa pagtagal ay lumaking matitikas ang kanyang mga kapatid. Nakaramdam din siya na parang unti unti siyang pinapaalis ng mga ito sa silid. Nasaktan si Thor ngunit ngayon ay mas gugustuhin na niyang malayo sa kanila. Doon niya napatunayan na hindi siya tanggap ng kanyang pamilya at ngayon ay tanggal na niya ito.

Agad agad na pumasok si Thor sa kanilang pintuan.

"Itay!", sigaw niya habang hinahabol ang kanyang paghinga.

Ang kanyang ama at tatlong kapatid ay magkakasamang nakaupo sa hapag kainan at nakahanda na para sa pagpili. Pagkarinig sa kaniyang boses ay nagsipagtayuan ang mga ito at dali daling lumabas ng bahay. Sinundan sila ni Thor palabas.

"Wala naman akong nakikita. " ang sabi ni Drake, ang pinakamatanda sa mga magkakapatid. Tinitigan niya si Thor ng kanyang kulay lupa na mga mata, manipis at animo'y galit na mga labi.

"Ako di , " ang sagot ni Dross, na 1 taon ang agwat kay Drake at laging kakampi nito.

"Paparating na sila," ani Thor. "Maniwala kayo!"

Lumapit ang ama ni Thor at hinawakan ng mahigpit ang braso nito.

"At pano mo naman nalaman?", diin ng kanilang ama.

"Nakita ko sila."

"Paano? Saan?"

Nagdalawang isip si Thor na sumagot. Alam ng kanilang ama ang lugar na maaring pinaggalingan ni Thor kung saan niya nakita ang mga tauhan ng kaharian. Hindi alam ni Thor kung paano sasagutin ang ama.

"Umakyat po ako.....sa burol"

"Kasama ang mga tupa??? Alam mo namang hindi sila maarig lumayo ng ganon!""Pero iba ang araw na ito itay. Kailangan ko pong makita"Sumama ang tingin ng kanyang ama."Pumasok ka sa loob at linisin at kunin mo ang mga armas ng mga kapatid mo. Para mapansin sila ng mga tauhan ng hari sa kanilang pagdating."Ibinaling agad ng ama ni Thor ang kanyang tingin sa 3 magkakapatid, na inoobserbahan ang daan.

"Mapipili kaya tayo?" Tanong ni Durs na tatlong taon ang tanda kay Thor.

"Mga hangal sila kung hindi nila kayo pipiliin" sagot ng ama. "Kulang sila sa mga tauhan ngayong taon. Nahirapan silang maghanap galing sa mga sarili nilang angkan, dahil hindi sila pupunta dito kung meron. Tumindig lang kayo ng ayos at taas noo. Huwag niyo silang titiga ng diretso sa mata,ngunit huwag din kayong lilihis ng tingin. Maging matapang at lakasan ang loob. Huwag magpapakita ng kahinaan. Kung gusto ninyong maging kasapi ng Legion ng kaharian, kumilos kayo na parang mga kasapi na kayo nito."

"Opo itay!" Tugon ng tatlo.

Tumingin muli ang kanilang ama kay Thor.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong niya. "Pumasok ka na sa loob!"

Tumindig laman si Thor doon. Hindi niya nais na sumuway sa kanyang ama ngunit kailangan niyang magsalita para sa sarili niya. Palakas ng palakas ng kabog ng dibdib ni Thor. Naisip niya na mas makakabuti kung susundin na lang niya ang utos ng ama bago niya ito kausapin.

Agad agad pumasok si Thor sa bahay papunta sa kinaroroonan ng mga armas. Nakita niya ang tatlong espada ng kanyang mga kapatid,kamangha mangha, na regalo ng kaniyang ama sa kanila. Kinuha niya ang mga ito at agad na ibininigay sa kanyang mga kapatid.

"Ano ito? Bakit hindi mo nilinis?" Sabi ni Drake.

Agad na lumapit ang ama nito ngunit bago ito malapagsalita, biglang umimik si Thor.

"Itay, gusto ko po kayong makausap."

"Hindi ba ang sabi ko sayo linisin mo ang mga armas!"

"Pakiusap Itay!"

Tinitigan si Thor ng kanyang ama. Siguro ay nakita nito sa mukha ni Thor na importante ang sasabihin nito. "Ano?"

"Gusto ko pong magboluntaryo para sa mga pipiliin para mapabilang sa legion."Nagtawanan ang mga kapatid ni Thor sa likod,kaya bigla itong namula sa kahihiyan. Ngunit hindi man lamang ngumiti ang ama ni Thor.

"Ikaw?" Tanong ng ama.Tumango naman si Thor.

"Labing apat na taon na po ako. Maari po akong sumali."

"Kung pipiliin ka nila ikaw ang magigin pinakabata. Sa tingin mo ba mas pipiliin nila ang tulad mo kumpara sa akin na limang taon ang tanda sayo?" Ang tugon ni Drake.

"Wala ka talagang respeto" dagdag ni DursTumingin si Thor sa mga kapatid, "Hindi kayo ang tinatanong ko."Muling ibinalik ni Thor ang tingin sa kanyang ama.

"Pakiusap Itay." Ang sabi ni Thor. "Bigyan niyo po ako ng pagkakataon. Iyon lamang po ang hinihingi ko. Alam kong bata pa ako, pero papatunayan ko po sa inyo ang sarili ko. "

Ngunit umiling ang ama.

"Hindi ka isang mandirigma. Hindi ka tulad ng mga kapatid mo. Isa ka lang tahapagalaga ng mga tupa. Ang buhay mo ay para dito. Kasama ko. Gagawin mo ang mga responsibilidad mo dito. Huwag kang mangarap ng mataas. Tanggapin mo ang buhay na para sa iyo at matuto kang tanggapin ito."

Nadurog ang puso ni Thor habang nakikita niyang gumuguho ang lahat ng pangarap niya.

"Hindi, naisip ni Thor. Hindi ito maaari."

"Ngunit itay,"

"Tama na!!!" Sigaw ng ama nila, "tumigil na ka. Nandito na sila. Umalis ka sa daan at magiingat ka sa mga ikikilos mo habang nandito sila"

Itinulak si Thor ng kanyang ama na parang isa lamang siyang bagay na ayaw niyang makita. Biglang nagkagulo ang mga tao ang naglabasan sa mga bahay nila. Pinagkaguluhan ang mga karwahe na nagsidatingan.

Dumating sila sa bayan na parang makikipaglaban. Tumigil ang mga kabayo. Unti unting nawala ang alikabok dulot ng pagdaan ng mga kabayo. Sinubukan ni Thor na sulyapan ang mga armas at kagamitan ng mga mandirigma. Ngayon lamang niya nakita ng malapitan ang mga Silver, kaya kumabog ng husto ang kanyang dib dib.

Unang bumaba ang tauhan mula sa unang karwahe. Totoo na ito, isang tunay na myembro ng Silver, na nakasuot ng Silver na kasuotan na may mahabang espada sa kanyang tagiliran. Mukha siyang nasa ika tatlumpung taong na edad, isang tunay na lalaki, matigas ang mukha, may mga marka ng sugat sa pisngi at ilong na naiba naang hugis dahil sa pakikipaglaban. Siya ang pinakamakisig na lalaking nakita ni Thor, mas malaki ang katawan kumpara sa iba at mahahalata sa kanyang tindig na siya ang pinuno ng mga mandirigma.Bumaba siya sa karwahe at pinuntahan ang mga lalaki na nakalinya sa unahan.Dose dosenang mga lalaki ang nakatindig sa harapan at umaasa. Ang pagsali sa Silver ay simbolo ng pagkakaroon ng buhay na puno ng parangal, respeto at may kasamang lupa, mataas na katayuan sa buhay at kayamanan. Ang mapipili ay maaring makapangasawa ng pinakamagandang babae sa kaharian at makapili sa pinakamalalaking lupain. Magbibigay iti ng karangalan sa bawat pamilya at ang pagsali sa Legion ay ang unang hakbang.Pinagmasdan ni Thor ang mga karwahe at alam niyang iilan lamang ang mapipili na makakasakay dito. Malaki ang kaharian at madami pa silang bayan na dadaanan. Napalunok siya habang napagtanto niya na mas maliit lamang ang tyansa na mapili siya kumpara sa naiisip niya. Kailangan niyang talunin lahat ng mga lalaki sa bayan nila na mga natural na mandirigma, pati ang tatlo niyang kapatid. Mas lalong lumubog ang kanyang pakiramdam.Hindi makagalaw si Thor habang nagmamasid ang mga mandirigma. Nagsimula sila sa dulo ng daan papasok ng nayon at paikot silang nagmasid. Kilala ni Thor ang lahat ng mga sumali. Alam din niya na ilan sa mga ito ay napipilitan lamang dahils a kagustuhan ng kanilang pamilya. Takot sila, hindi sila karapat dapat maging mandirigma.Alam ni Thor na may karapatan siyang mapili tulad ng iba. Mas malaki ant mas matanda ang mga kapatid niya ngunit hindi ibig sabihin ay wala na siyang karapatan na tumayo sa harap nila at mapili. Napuno siya ng galit para sa kanyang ama at halos sumabog ito ng lumapit ang mandirigma sa kanya.Tumigil ang mandirigma sa harap ng kanyang mga kapatid. Tiningnan niya ang mga ito mula ulo hanggang paa at mukang namangha ito. Kinuha nito ang isa sa mga espada ng mga kapatid at inihagis. Ani'y sinusubukan sila kung paano sila humawak ng sandata.Napangiti ang mandirigma."Mukhang hindi mo pa nagagamit ang iyong espada sa pakikipaglaban, tama ba?" Tanong nito kay Drake.Nakita ni Thor sa unang pagkakataon ang takot sa mukha ng kapatid. Napalunok ito."Tama po. Ngunit nagamit ko na ito ng ilang beses sa pagiinsayo at sana po ay…""Pagiinsayo?"

Biglang tumawa ang pinuno ng mga mandirigma at sumunod sa pagtawa ang ibang mga tauhan.Namula sa kahihiyan si Drake at ito din ang unang beses na makita ni Thor ang kapatod sa ganitong sitwasyon."Dapat ko palang balaan ang mga kalaban na katakutan ka, ikaw na ginagamit lamang ang sandata sa pagiinsayo."Muling nagtawanan ang mga mandirigma.Ibinaling ng pinuno ang atensyon sa dalawa pang magkapatid."Tatlong lalaki na galing sa iisang angkan," sabi ng pinuno habang pinagmamasdan ang tatlo. "Maari namin kayong gamitin. Malalaki ang inyong katawan ngunit wala pang karanasan sa pakikidigma. Kailangan niyo ng matinding pagsasanay kung sakaling mapipili kayo."Bigla itong huminto."Tingin ko may lugar pa para sa inyo."Itinuro niya ang isang karwahe."Sumakay na kayo bago pa magbago ang isip ko."Dali daling sumakay ang tatlong magkakapatid at tuwang tuwa ang ami ni Thor. Ngunit biglang nanlumo si Thor.Habang papalayo ang pinuno, hindi na natiis ni Thor ang kanyang sarili.

"Ginoo!" Sigaw ni Thor.Napatingin ng masama ang ama ni Thor ngunit wala na itong pakialam.Tumigil ang pinuno at daan dahanang tumingin kay Thor.Lumapit sa Thor at nilakasan na ang kanyang loob."Hindi niyo pa po ako nabibigyan ng pagkakataon. ",ang sabi ni ThorTiningnan ng pinuno si Thor na animoy nagbibiro lamang ito."Hindi pa ba?" Tanong ng pinuno bago ito tumawa ng malakas.Nagsitawanan din ang ibang mga tauhan ngunit hindi ito pinansin ni Thor. Ito lang ang tangi niyang pagkakataon kaya hindi niya ito palalampasin."Nais ko pong sumali sa Legion" ang sigaw ni Thor.Lumapit ang pinuno kay Thor."Alam mo ba?"Nagulat ang pinuno."Nasa labing apat na taon ka na ba?""Opo, dalawang linggo na po ang nakararaan.""Dalawang linggo?"Nagsitawanan nanaman ang mga mandirigma."Kung gayon, dapat ka palang katakutan ng mga kalaban kapag nakita ka nila"Kailangang gumawa ng paraan ni Thor. Hindi maaring matapos ito ng ganito. Patalikod na ang pinuno ngunit hindi ito hahayaan ni Thor.Sumigaw si Thor sa pinuno "ginoo, nagkakamali po kayo!"Takot na nagbulong bulungan ang mga tao sa kanilang narinig."Nasisiraan ka na!" Sabi ng ama ni Thor habang hinihila niya si Thor sa braso. "Pumasok ka na sa loob"."Ayoko!" Sigaw ni thor.Lumapit ang pinuno at lumayo ang ama ni Thor."Alam mo ba kung anong kaparusahan sa sino mang iinsulto sa Silver?"Kabadong kabado si Thor ngunit hindi siya maaring tumigil."Patawarin niyo po siya", pakiusap ng ama ni Thor " bata pa po siya at…""Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Sigaw ng pinuno kaya napilitang lumayo ang ama ni Thor.Ibinalik ng pinuno ang tingin kay Thor."Sumagot ka!" ang sabi niya."Ang paginsulto sa Silver ay paginsulto sa Hari " sagot ni Thor"Tama" ang sabi ng pinuno. "Ibig sabihin, maari kitang pahirapan ng husto kung pipiliin kita.""Hindi ko po kayo iniinsulto" sabi ni Thor. "Gusto ko lamang pong mabigyan ng pagkakataon at mapili. Pakiusap. Buong buhay ko po itong pinangarap. Pakiusap. Hayaan niyo po akong sumali sa inyo."Tinitigan siya ng pinuno at unti unti ay nagbago ang mukha nito. Umiling ito."Bata ka pa. Matibay ang kalooban mo. Ngunit hindi ka pa handa. Subukan mo na lamang ulit kapag handa ka na"Agad umalis ang pinuno patungo sa mga karwahe. Hindi na niya tiningnan ang iba pang mga nasa linya.Hindi makapaniwala si Thor. Agad silang umalis at nawala kasing bilis ng pagdating nila.

Ang huling nakita ni Thor ay kanyang tatlong kapatid na nakasakay sa isa sa mga karwahe. Nakatitig ang mga ito sa kaniya habang papalayo patungo sa mas mabuting buhay.Sa loob ni Thor, para siyang mamamatay.Habang papalayo ang mga karwahe ay unti unti na ding nagsipasok ang mga tao sa kani kanilang mga bahay."Alam mo ba kung anon kahibangan ang ginawa mo? " sigaw ng ama ni Thor habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Thor. "Alam mo bang muntikan mo ng masira ang tyansa para sa mga kapatid mo?"Sinubukang umiwas ni Thor ngunit nagpumilit ang ama nito. Tumingin si Thor sa ama. Sa unang pagkakataon, parang may sumisigaw sa loob ng kanyang katawan para suntukin ang kanyang ama. Ngunit pinigilan niya ito."Balikan mo ang mga iniwan mong tupa. Hindi ka rin kakain ngayon gabi. Pagisipan mo kung anong ginawa mo""Hindi na ako babalik," sigaw ni Thor bago siya umalis papalayo.

"Thor!"sigaw ng ama. Ang ilan sa mga taga nayon ay tumingin at nakinig.

Nagsimulang magtatakbo si Thor,nagnanais na agad makalayo sa lugar na iyon. Hindi na niya napansin na siya umiiyak. Napuno ng luha ang kanyang mga pisngi, habang ang kanyang pangarap ay tuluyan ng nadurog at naglaho.




IKALAWANG KABANATA


Ilang oras nagpalaboy laboy si Thor sa mga burol hanggang sa tumigil it at umupo, nakayakap sa kanyang mga paa, habang nakatingin sa malayo. Pinanuod niya habang mawala sa kanyang paningin ang mga karwahe.Wala ng pagkakataon na dadating. Ngayon ay nakatadhana na siyang manatili sa nayon na iyo buong buhay niya at maghihintay ng susunod na pagkakataon,kung muli silang babalik. Kun papayagan siya ng kanyang ama. Ngayon, sila na lamang ng kanyang ama at siguradong ibubunton ng kanyang ama ang lahat ng kanyang galit sa kanya. Patulo siyang magiging utusan ng kanyang ama, dadaan ang mg taon, at magiging katulad na lamang siya ng kanyang ama, habang buhay sa bayan na ito habang ang kanyang kapatid ay mamumuhay sa kanyang pangarap. Naginit an buong katawan ni Thor. Hindi ito ang buhay na ninanais niya.Pinilit ni Thor isipin kung anon maari niyang gawin upang mabago pa ang lahat. Ngunit wala. Ito na marahil ang kanyang tadhana.Pagkatapos ng ilang oras na pagupo, bigla siyang tumindig at umakyat sa pamilyar na mga burol sa kanyang daan. Lumakad siya paakyat upang balikan ang mga alaga niyang tupa. Unti unti ng palubog ang araw. Habang naglalakad ay inabot niya sa kanyang baywang ang maliit na sakong nakakabit sa kanya. Laman nito ang ibat ibang klase ng bato na nagin koleksyon ni Thor na nagmula sa ibat ibang bahagi ng mga burol. Minsan ginagamit niya ang mga bato para humili ng ibon o kaya naman ay mga daga. Isa ito sa kanyang mga naging libangan. Noong una ay lagi siyang hindi makatama hanggang sa matutunan na niyang makabato sa mga gumagalaw na mga bagay. Simula noon, naging mahusay na siya sa pagtantsa at pagsapul. Naging bahagi na iyon ng kanyang buhay dahil ginagamit niya ito upang maglabas ng galit at sama ng loob. Kung kaya man ng kanyang mga kapatid na gumamit ng espada, malamang ay hindi nila kayang bumato ng isang lumilipad na ibon.Kumuha si Thor ng bato at inilagay sa kanyang tirador. Itinapat niya ito sa malayo na akala mo'y papatamain niya sa kanyang ama. Natamaan niya ang isang sanga ng puno at agad itong naputol. Ng mapagtanto niya na kaya niyang pumatay ng mga gumagalaw na hayop ay itinigil na niya ang pagsapul sa mga ito. Takot sa sarili niyang lakas at ang makasakit ng kung sino man,kaya ang pinatatamaan na lamang niya ay ang mga sanga ng puno. Maliban na lamang kung isang lobo ang gustong kainin ang kanyang mga alagan tupa. Sa paglipas ng panahon, wala na ni isang lobo ang gustong lumapit sa mga tupa ni Thor,kaya naman ang mga tupang ito ang pinakaligtas sa buong nayon.Biglang pumasok sa isip ni Thor ang kanyang mga kapatid at naisip kung anong ginagawa ng mga ito ngayon. Matapos ang isang araw na Pakikipagsapalaran, makakarating na sila sa kaharian. Nakikita ni Thor ang imahe ng kanilang pagdating kasabay ng pagsalubong ng mga taong nakabihis ng maganda habang binabati ang mga bagong napili, ang mga tauhan ng kaharian at ang mga miyembro ng Silver. Doon na sila maninirihan, bibigyan ng lugar na matutuluyan kasama ang ibang miyembro ng Legion. Isang lugar kung saan sila sasanayin na humawak ng mga dekalidad na mga sandata. Bawat bagong pili ay ipapareha sa isang mandirigma upang siyang magsanay dito. At balang araw, ay magiging mandirigma na rin sila,magkakaroon ng mga bagong armas at magsasanay ng mga bagong pili. Makikihalubilo sila sa mga kasiyahan sa kaharian at makikisalo sa hapag ng hari. Ito ang klase ng buhay ng pinangarap ni Thor at lahat iyon ay nakawala na sa kanyang mga palad.Nakaramdam si Thor ng pisikal na panghihina, ngunit sa tingin niya ay nasa isip niya lamang ang lahat. Ngunit hindi. May bahagi ng kanyang pagkatao na sumisigaw sa kanya. Sinasabihan siya na huwag sumuko,na hindi ito ang kanyang tadhana. Hindi niya alam kung saan iyon nanggagaling ngunit alam niyang wala ito doon sa tabi niya. Naramdaman niyang siya ay kakaiba. Walang makakaintindi sa kanya. Dahil lahat ay minaliit siya.Narating ni Thor ang tuktok ng pinakamataas na burol at kanyang nakita ang mga alagang tupa. Sinanay sila ng mabuti kaya magkakasama pa din ang mga ito habang kumakain ng kahit anong damo na kanilang makita. Binilang niya ang mga ito habang tinitingnan ang mga pulang markang kanynag inilagay sa mga likod nito. Bigla siyang natigilan. Isang tupa ang nawawala.Bunilang niya ito ng paulit ulit. Hindi siya makapaniwala. Isang tupa ang nawawala.Hindi pa nangyari ito noon at hinding hindi ito palalampasin ng kanyang ama. Ang masama pa dito, hindi niya gusto ang ideya na nagiisa at nawawala ang kanyang tupa. Ayae niyang makakita o isipin na nagdudusa ang isang inosenteng nilalang.Agad siyang tumayo pataas at hinagilap ang nawawalang tupa. Hanggang sa matanaw niya ito sa kabilang burol,ang nagiisang tupa, na may pulang marka sa likod nito. Ito ang pinaka mailap sa lahat ng kanyang mga alaga. Nalaglag ang kanyang puso ng kanyang mapagtanto na ang nawawalang tupa ay napadpad sa pinakamadilim na kagubatan sa bandang kanluran.Napalunok sa takot si Thor,dahil ang madilim na kagubatan na iyon ay hindi lamang oinagbabawal sa mga tupa, kundi pati sa mga tao. Lampas na ito sa nasasakupan ng kaharian at bago pa man siya makalapit dito ay napagtanto niya na hindi siya dapat pumunta doon. Ayon sa mga alamat at mga sabi sabi, ang pagpunta sa kagubatan na iyon ay maghahatid ng tiyak na kamatayan dahil napapalooban ito ng mga nakakatakot na mga nilalang.Unti unti ng dumidilim ang kalangitan. Hindi niya maaring iwan ang kawawang tupa. Marahil kung siya ay kikilos ng mabilis, baka makuha niya kaagad ang tupa.Matapos ang isa pang pagsusuri, ay agad siyang tumakbo papuntang kanluran,papalapit sa madilim na kagubatan. Nanghihina ang kanyang kalooban, ngunit patuloy sa pagtakbo ang kanyang mga paa. Wala ng atrasan, kahit na gustuhin niya.Para siyang tumatakbo palayo sa isang masamang panaginip.


*

Mabilis na tumakbo pababa si Thor ng walang hinto patungo sa madilim na kagubatan. Nawala ang marka ng daanan bago dumating mga puno papasok ng gubat. Nararamdaman ni Thor ang mga tuyong dahon na natatapakan ng kanyang mga paa.Sa pagpasok niya sa kagubatan, napalibutan ang paligid ng dilim. Nahaharangan ng matataas na puno ang liwanag galing sa araw. Bigla rin lumamig ang paligid at habang papasok si Thor ay nakaramdam siya ng matinding takot. Hindi dahil sa dilim o sa lamig ng hangin, nagmumula ang takot ni Thor sa ibang bagay. Isang bagay na hindi niya mapangalanan. Ito ang pakiramdam na parang may nakatingin at nagmamasid sa bawat kilos ni Thor.Tiningnan ni Thor ang mga naglalakihan at nagtitigasang mga sanga ng kahoy sa kanyang paligid. Nakakaialng hakbang pa lamang siya sa loob ng gubat ay ibat ibang tunog na ng mga kakaibang hayop ang kanyang narinig. Lumingon siya palikod at hindi na niya matanaw ang kanyang pinasukan na daan, pakiramdam niya ay wala ng daan palabas.

Ang madilim na kagubatan ay natatago mula sa kaharian at sa kamulatan ni Thor. Punong puno ito ng misteryo. Sino mang tao na nakawala ng alagang tupa sa kagubatan na iyon ay hinding hindi susubukang pumasok dito. Kahit ang kanyang ama. Ang mga kwento tungkol sa mga kababalaghan sa kagubatan ay masyadong nakakapanghilakbot.

Ngunit may kakaiba sa araw na ito na hindi pumigil kay Thor para pumasok sa madilim na gubat. May bahagi ng kanyang sarili ang gustong gawin lahat para lamang makalayo sa lugar na kinalakihan niya.

Naglakad pa siya palayo hanggang sa tumigil siya,hindi sigurado kung saan pupunta. Nakakita siya ng mga nabaling mga sanga na marahil dinaanan ng kanya tupa kaya sinundan niya ang daan na ito.Makatapos ang isang oras, tuluyan na siyang naligaw. Sinubukan niyang hanapin ang daan pabalik ngunit hindi na niya ito makita. Wala na siyang ibang paraan kung hindi ang maglakad ng maglakad.Sa malayo, nakatanaw si Thor ng liwanag at agad niya itong pinuntahan. Ng marating ni Thor ang pinanggagalingan ng liwanag, hindi siya malapaniwala sa kanyang nakita.Nakatayo doon, nakatalikod kay Thor, ang isang lalaki na nakasuot ng asul na damit. Hindi, hindi ito isang tao. Nakatayo lamang ito, natatakluban ng talukbong ang kanyang ulo at hindi gumagalaw na parang walang pakialam sa kanyang paligid.Hindi alam ni Thor ang gagawin. Narinig na niya ang tungkol sa mga Druids ngunit ngayon pa lamang siya aktwal na nakakita nito. Base sa mga marka na nakaguhit sa mga damit nito, masasabi na hindi ito isang pangkaraniwang Druids, ang mga nasa kasuotan ay simbolo ng kaharian. Naguguluhan si Thor. Anong ginagawa ng isang Druid ng kaharian sa lugar na ito?.Pagkatapos ng matagal na paghihintay ay unti unti siyang hinarap ng Druid at agad itong namukhaan ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor. Isa ito sa mga pinakakilalang Druids ng kaharian, ang personal na Druid ng hari. Si Argon, ang tanyag na tagapayo ng mga naging hari ng Kanlurang Kaharian. Kung ano man ang kanyang ginagawa sa kagubatan na ito ay isang malaking misteryo. Wari'y nananaginip lamang si Thor."Totoo lahat ng mga nakikita mo" ang sabi ni Argon kay ThorMalalim ang kanyang boses na parang nanggagaling sa mga puno. Ang mga malalaking mata nito ay nakatitig ka Thor na animo'y pumapasok sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng malakas na enerhiya na nagmumula sa Druid na parang nagmumula sa araw.Agad lumuhod si Thor at nagbigay galang."Nawa'y patawari ninyo ako sa aking panghihimasok" sabi ni ThorAng hindi paggalang sa tagapayo ng Hari ay hahantong sa pagkakabilanggo o pagkamatay. Isa ito sa mga batas na tumatak kay Thor simula noong siya ay bata pa."Tumayo ka anak" ang sagot ni Argon. "Kung nais kong lumuhod ka ay dapat sinabi ko iyon sa iyo kaagad"Dahan dahang tumayo si Thor. Lumapit si Argon at pinagmasdan si Thor hanggang sa hindi na mapakali si Thor."Nakuha mo ang mga mata ng iyong ina" sambit ni Argon"Mukhang nagkakamali po kayo, wala po akong ina" sagot ni Thor"Talaga? Ipinanganak ka sa pamamagitan lamang ng iyong ama?""Ang ibig ko pong sabihin ay namatay na po ang aking ina sa pagluluwal sa akin""Ikaw ay si Thorgrin, na nagmula sa angkan ng mga McLeod. Ang pinakabata sa apat na magkakapatid. Ang hindi napili." Ang tugon ni Argon.Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Thor. Na ang isang tulad ni Argon ay kilala ang isang tulad niya. Ni hindi niya maisip na may ibang makakakilala sa kanya sa labas ng kanilang nayon."Paano…niyo po…nalaman?" Tanong ni ThorNgumiti si Argon ngunit hindi ito sumagot.Napuno ng katanungan ang isipan ni Thor."Paano…" Nanginginig na tanong ni Thor, "…niyo po nakilala ang aking ina? Sino po siya?"Tumalikod si Argon at lumakod palayo."Sa ibang pagkakataon siguro" sambit ni ArgonTiningnan lamang ni Thor habang papalayo si Argon. Isa iyong pagkikita na punong puno ng tanong at misteryo at nangyari lahat iyon sa isang iglap. Napagtanto niya na hindi to dapat matapos sa ganito kaya agad niyang sinundan si Argon."Ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Thor. Naglakad ng mabilis si Argon gamit ang kanyang tungkod. "Hinihintay niyo po ba ako?""Sino pa?" Tanong naman ni ArgonSinundan pa din ni Thor ai Argon papasok muli ng madilim na kagubatan."Ngunit bakit ako? Paano ninyo nalaman na nandito ako? Anong kailangan ninyo sa akin?"Madaming tanong" sagot ni Argon "pinupuno mo ang paligid. Kailangan mong makinig"Patuloy na sinundan ni Thor si Argon sa madilim na kakahuyan habang pinipilit na maging tahimik."Pumunta ka dito para sa nawawala mong tupa," sabi ni Argon, "matapang ka ngunit sinasayang mo lamang ang oras mo. Hindi siya makakaligtas"Nanlaki ang mata bi Thor."Paano niyo po nalaman""Madami akong alam tungkol sa mga mundong wala kang kamuwang muwang....wala pa sa ngayon"Labis na napaisip si Thor."Ngunit hindi ka makikinig. Ito ka. Matigas ang ulo tulad ng iyong ina. Hahanapin mo pa din ang iyong nawawalang tupa."Namula si Thor habang binabasa ni Argon ang kanyang isip."Kakaiba ka," dagdag ni Argon, "malakas ang determinasyon. Positibo ang mga katangian. Ngunit balang araw, iyon ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak ."Nagsimulang umakyat sa isang madamong lugar si Argon, at agad sumunod si Thor."Gusto mong mapabilang sa Legion?""Opo!" Ang sagot ni Thor na puno ng pananabik. "May pagkakataon pa po ba ako? Kaya niyo po ba akong tulungan?"Biglang natawa si Argon at ang tunog ng kanyang tawa ay nagpatindig aa balahibo ni Thor."Kaya kong gawin ang lahat. Nakasulat na iyong tadhana. Ngunit nasasayo ang desisyon kung anong pipiliin mo"Hindi maintindihan ni Thor.Nakarating na sila sa dulo ng kagubatan. Tumigil si Argon at humarap kay Thor."Mahalaga ang iyong tadhana," sabi ni Argon, "huwag mo itong babalewalain"Nanlaki muli ang kanyang mga mata. Ang kanyang tadhana? Mahalaga? Nakaramdam ng tuwa at pagmamalaki si Thor."Hindi ko maintindihan. Ang mga sinasabi ninyo ay puro mga palaisipan . Ipaliwanag niyo po sa akin. "Biglang naglaho si Argon.Nabigla si Thor sa mga pangyayari. Sinubukan niyang magmasid sa paligid at makinig. Nananaginip lamang ba siya? Kathang isip lamang ba ang lahat ng iyon?Patuloy na nagmasid si Thor sa paligid. Sa kanyang pagmamasid ay nakakita siya ng galaw sa isang banda ng gubat. Nakarinig din siya ng ingay at sigurado siyang iyon na ang kanyang tupa.Agad agad niyang nilapitan ang pinagmumulan ng ingay. Habang papalapit ay hindi niya maalis sa isipan ang kanyang pakikipagusap kay Argon. Hindi pa din siya makapaniwala. Anong ginagawa ni Argon doon? Hinihintay ba siya niyo?,pero bakit? At anong meron sa kanyang tadhana?Tuwing iisipin ni Thor ang mga sinabi ni Argon ay mas lalo siyang naguluhan. Naalala niya ang banta ni Argon na huwag ng ipagpatuloy ang paghahanap sa tupa ngunit nagpatuloy pa din siya. Habang papalapit ay nakaramdam ng kakaiba si Thor,na parang may magaganap.Biglang napahinto si Thor aa paglalakad sa kanyang nakita. Lahat ng kanyang masamang panaginip ay nagkakatotoo na. Nagtayuan ang kanyang balahibo habang napapagtanto niya na hindi dapat siya pumunta sa kagubatan na iyon.Malapit sa kinatatayuan niya ay isang Sybold. Malaki ang katawan, nakatindig sa apat nitong mga paa at kasinglaki ng isang kabayo ngunit ito ang pinakakinatatakutang nilalang,hindi lamang sa madilim na kagubatan kundi pati sa buong kaharian. Hindi pa nakakakita si Thor ng ganitong nilalang ngunit madaming istorya tungkol dito. Para itong isang leon ngunit mas malaki at mas mabagsik na may mga nanlilisik na dilaw na mga mata. May mga nagsasabi na ang namumulang kulay nito ay nagmula sa batang kanyang biniktima.Nakarinig na din si Thor ng mga kwebto tungkol sa mga nakakita sa halimaw na ito. At wala sa mga ito ang nabuhay. May ilan na nagsasabing ang Sybold ay diyos ng kagubatan, isang pangitain. Kung anong pangitain? Hindi ito alam ni Thor.Dahan dahan siyang pumihit patalikod.Ang nanlilisik na mga mata ng Sybold ay nakatitig sa dirkesyon ni Thor habang naglalaway ito at nakalabas ang mga matatalim na pangil. Sa bunganga nito ay ang nawawalang tupa ni Thor,sumisigaw ngunit halos wala ng buhay. Dahan dahan kung kainin ng Sybold ang tupa na parang nasisiyahan ito sa paghihirap ng tupa.Hindi makayanan ni Thor habang pinagmamasdan ang paghihirap ng tupa. Pakiramdam niya ay siya ang rason sa paghihirap nito.Unang pumasok sa isip ni Thor na tumakbo na lamang paalis ngunit siguradong maabutan siya nito at hindi niya pwedeng hayaang mamatay ang tupa.Tumayo lamang siya doon na puno ng takot at alam niyang sa anumang sandali ay kailangan na niyang kumilos.Ng walang kahit anong plano ay kinuha niya ang kanyang tirador at mga bato sa kanyang tagiliran. Nanginginig niyang itinapat ang tirador.Pinakawalan niya ito at saktong tumama sa mata ng tupa, tagos hanggang sa utak nito. Patay na ang tupa. Tinapos na niya ang paghihirap nito.Galit na galit ang Sybold na natapos na ang kanyang paglilibang. Ibinagsak nito ang tupa sa lupa at ibinaling ang nanlilisik na mga mata nito kay Thor.Naglabas ito ng malakas at nakapangingilabot na tunog.Bago pa makalapit ito kay Thor ay kumuha na siya agad ng bato at inihanda ang kanyang tirador.Gumalaw ng mabilis ang Sybold, isa sa pinakamabilis na nilalang na nakita ni Thor. Agad nanalangin si Thor na sana'y matamaan niya ito dahil alam niyang wala na siyang oras upang tumira ng pangalawang bato bago pa ito makalapit sa kanya.Tumama ang bato sa kanang mata ng Sybold na nagpabagsak dito. Ang ganoong tira ay sigaradong magpapahirap sa ordinaryong hayop.Ngunit hindi ito isang ordinaryong hayop. Sumigaw ang Sybold sa sakit ng tama ngunit muli iton bumangon at tumakbo ng mabilis,kahit na nawala na ang isa nitong mata at may batong tumama sa kanyang utak. Wala ng ibang magagawa si Thor.Makalipas ng ilang segundo ay nakalapit na ang Sybold kay Thor,. Ginamit nito ang kanyang mga pangil at sinugatan si Thor sa balikat.Napasigaw sa matinding sakit si Thor. Ang sakit ay parang nanggaling sa tatlong matatalim na kutsilyo na itinusok sa balikat nito. Tumagas ang madaming dugo sa kanyang balikat.Pinatumba ng Sybold si Thor at dinaganan gamit ang apat na paa nito. Ibang klase ang bigat nito. Parang may elepante na tumapak sa dibdib ni Thor. Naramdaman niya ang pagdurog nito sa mga buto ni Thor.Binuksan ng Sybold ang kanyang bunganga at inilabas ang mga pangil. Gagamitin niya ang mga ito para kagatin sa leeg si Thor.Ngunit bago ito mangyari, hinawakan ni Thor ang leeg ng halimaw. Sobrang lakas nito. Unti unting nanghihina ang mga kamay ni Thor habang papalapit ang mga pangil ng halimaw. Naramdaman ni Thor ang mainit na hininga ng Sybold at ang laway nito na tumutulo sa kanyang leeg. Ito na ang katapusan ni Thor.Ipinikit ni Thor ang kanyang mga mata."Panginoon,tulungan niyo po ako. Bigyan niyo po ako ng sapat na lakas upang talunin ang nilalang na ito. Gagawin ko po ang lahat ng ipaguutos ninyo. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob"At biglang may naramdaman si Thor. Isang matinding init na unti unting dumadaloy sa kanyang katawan. Binuksan niya nag kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita; isang liwanag ang nagmula sa kanyang mga palad at ng itulak niya ang halimaw, nasubukan niyang pantayan ang lakas nito.Pinagpatuloy ni Thor ang pagtulak sa halimaw. Habang tumatagal ay nararamdaman niya ang lalo niya paglakas. At sa isang iglap ay naitapon niya ang halimaw patalikod at bumagsak ito sa lupa.Napaupo si Thor at hindi makapaniwala sa kanyang nagawa.Muling tumayo ang halimaw at muling tumakbo papunta kay Thor ngunit sa pagkakataon na ito, kakaibang lakas ang naramdaman ni Thor sa kanyang katawan.Sa pagatake ng halimaw, hinawakan ni Thor ang sikmura nito. Muling tumilapon ang halimaw at tumama sa isang puno.Napatitig lamang si Thor sa kanyang ginawa. Talaga bang naitapon niya ang isang Sybold?Muling tumayo nag Sybold at naghanda sa pagsugod.Sa paglapit nito, hinawakan namin ni Thor ang lalamuna ng halimaw. Pareho silang bumagsak sa lupa, nasa ibabaw ang halimaw. Umikot si Thor. Sinakal ni Thor ang halimaw habang nagpupumiglas ito. Pinagpatuloy ni Thor ang pagsakal at naramdaman niyang siya ay mas malakas na sa Sybold.Sa pagsakal ni Thor ay unti unting nanghina ang halimaw ngunit hindi bumitaw si Thor.Dahan dahang tumayo si Thor. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nagawa. Napatay niya ang isang Sybold.Alam niyang may kakaiba talaga sa araw na ito. Napatay niya ang pinakakinatatakutang halimaw sa buong kaharian. Walang gamit na anumang sandata o armas. Parang hindi totoo. Walang maniniwala sa kanya.Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang kanyang kakaibang lakas. Sino ba siya talaga? Pawang mga Druids lamang ang may kapangyarihan at lakas na katulad ng sa kanya. Ngunit hindi naman siya isang Druids. Maging ang kanyang ama't ina.O hindi nga ba?Nang biglang may naramdaman si Thor na parang may nagmamasid sa kanya. Sa kanyang paglingon, nandoon si Argon, nakatindig habang pinagmamasdan ang patay na halimaw."Paano ka nakarating dito?"tanong ni Thor.Ngunit hindi sumagot si Argon."Nakita mo ba kung anong nangyari?" Patuloy ni Thor "hindi ko maintindihan!""Alam kong alam mo," sagot ni Argon, "alam mong hindi ka pangkaraniwan""Biglaang lakas ang aking naramdaman, kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nagmula" sabi ni Thor"Energy field" sagot ni Argon, "maiintindihan mo din ito sa tamang panahon. Matututunan mo din itong kontrolin at gamitin."Patuloy ang pagdurugo ng balikat ni Thor. Matinding sakit. Hindi niya maisip kung anong maaring mangyari sa kanya kung walang tutulong sa kanya.Lumapit si Argon,inabot ang isang kamay ni Thor at inihawak sa sugat nito. Pumikot ito.Biglang nakaramdam si Thor ng init. Unti unti natuyo ang dugo sa kanyang braso at unti unting nawala ang sakit na nararamdaman niya.Tiningnan ni Thor ang kanyang balikat. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Naghilom na ang kanyang sugat. Natira lamang ang bakas ng tatlong pangil ng halimaw ngunit natuyo na ito. Wala ng dugo.Gulat na tumingin si Thor kay Argon."Paano mo ginawa yun?" Ang sambit ni Thor.Napangiti lamang si Argon."Hindi ako. Ikaw! Tinulungan lamang kita na ilabas ang iyong kapangyarihan""Ngunit wala akong kapangyarihan na makapagpagaling" litong tanong ni Thor"Wala nga ba?"ang tanging sagot ni Argon"Hindi ko maintindihan" hindi na mapakali si Thor. "Pakiusap. Ipaliwanag mo sa akin.""Malalaman mo din sa takdang panahon" sabi ni ArgonBiglang may naisip si Thor."Ibig sabihin ba nito ay maari na akong sumali sa Legion?" Tanong ni Thor, "..kung kaya kong pumatay na Sybold, magiging madali na para sa akin ang pakikipaglaban sa kahi na sino.""Maaari," sagot ni Argon"Ngunit ang pinili nila ay ang mga kapatid ko, hindi ako" sambit ni Thor."Hindi kayang pumatay ng halimaw ng mga kapatid mo""Kailan pa kinailangang piliin ng ibang tao ang isang tunay na mandirigma?" Patuloy ni ArgonBiglang nakaramdam ng kakaibang saya si Thor."Sinasabi mo ba na dapat akong pumunta doon kahit hindi ako pinili?"Ngumiti lamang si Argon."Ikaw ang gumawa ng iyong tadhana. Hindi tulad ng iba. " paliwanag ni ArgonAt sa iglap, bigla na lamang naglahong muli si Argon.Sinubukang hanapin ni Thor sa paligid si Argon."Dito!," sigaw ng isang bosesPaglingon ni Thor ay isang malaking bato ang tumambad sa kanyang harapan. Ang boses ay nagmula sa tuktok nito. Agad itong inakyat ni Thor.Pagdating niya sa tuktok, wala siyang nakita kahit anino ni Argon.Ngunit mula sa kinatatayuan niya, nakita niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan at ang daan patungo sa kaharian."Nandiyan na ang daan, nasasayo na lamang kung susundan mo ito" bulong ng isang boses.Walang ibang tao na nakita si Thor ngunit alam niya na nariyan lamang sa paligid si Argon at hinihikayat siya. Marahil ay tama siya.Ng walang pagaalinlangan ay bumababa siya mula sa bato at sinundan at daan palabas ng kagubatan.Ang daan papunta sa kanyang tadhana.




IKATLONG KABANATA


Si Haring MacGil, makisig ngunit hindi katangkaran na may mahabang bigote at balbas na kulay ulap, at malapad na noong napupuno na ng linya ay nakatindig sa mataas na balkunahe ng kaniyang kaharian. Katabi niya ang reyna habang pinagmamasdan ang nagyayaring kasiyahan sa loob ng kaharian, isang malawak at mataas na kaharian na napapalibutan ng pader na yari sa bato. Sa loob nito ay matatagpuan ang Korte ng Hari. Ito ay lugar na punong puno ng mga bahay na yari sa bato. Tirahan ng mga mandirigma, mga tagapangalaga,mga kabayo, ang Legion, ang Silver, ang mga tagabantay ng kaharian, ang lugar para sa mag sandata at armas at daang daang mga mamamayan na piniling manirahan sa loob ng mga pader ng hari. Bawat daan ay puno ng mga halaman, hardin, mga lugar para sa pagdiriwang. Ang korte ng Hari ay mas lalong ipinagtibay simula pa noong mga ninuno at naunang mga hari, kaya ito na marahil ang pinakaligtas na lugar sa buong kanlurang kaharian sa loob ng Bilog na KalupaanPinagkalooban si Haring MacGil ng mga pinakamagagaling at pinakamagigiting na mga mandirigma kaya sa buong buhay niya bilang Hari, walang sino man ang nangahas na umatake at lumaban sa kaharian. Siya ng ikapitong MacGil na tumapak sa trono, may tatlumput tatlong taon na bilang hari at isa siyang mabuti at matalinong hari. Naging matiwasay ang kaharian dahil sa kanyang pamumuno. Dinoble niya ang bilang ng mga mandirigma, pinalawak ang kanyang nasasakupan, tinulungan ang bawat mamamayan kaya wala silang masasabi na kahit anong masama tungkol sa kanya. Siya ang pinakamapagbigay na hari kaya ang kaharian ay nanatiling masagana at tahimik ng siya ang namuno.Subalit, hindi matahimik ang hari. Sa kasaysayan ng kaharian, ito ang pinakatagal na panahon kung saan walang digmaan. Hindi na rin niya iniisip kung sino at kailan may aatakr sa kaharian.Ang pinakakinatatakutan na lamang niya ay ang mga maaring lumaban mula sa labas ng Bilog na Kalupaan. Mula sa kaharian ng mga rebelde na pumwersa sa mga tao na pumasok sa loob ng Bilog na Kalupaan. Para kay MacGil at ang pitong henerasyon ng mga hari na nauna sa kanya, hindi pa naging sagabal ang mga rebelde sa kaharian. Dahil iyon sa magandang kinalalagyan ng kaharian, isanv perpektong bilog na napalilibutan ng mataaas na pader na yari sa bato at ng isang matinding enerhiya na nagsilbing pananggalang ng kaharian simula pa noong unang mamuno ang mga MacGil. Ilang beses ng sinubukan ng mga rebelde na siraan ang sanggalang at ang pader ngunit nabigo sila. Kaya habang sila ay nananatili sa loob ng kaharian, sila ay ligtas.Ngunit hindi iyon nangangahulugan na wala ng magiging banta mula sa loob ng kaharian. At iyon ang dahilan kung bakit hindi makatulog sa gabi ang Hari. Ito ang dahilan ng pagdiriwang ngayong araw. Ikakasal ang kanyang panganay na anak na babae. Isang kasal upang makipagkasundo sa kanyang mga kaaway mula sa Silangang kaharian sa loob ng Bilog na Kalupaan.Malawak ang sinasakupan ng Bilog na Kalupaan. Ngunit nahati ito sa gitna ng mga naglalakihang mga bundok. Sa kabilang bahagi nito ay ang Silangang Kaharian na pinamumunuan na isa pang hari at kanilang matagal ng mga kalabas, ang mga McClouds. Hindi marunong makuntento ang mga McClouds. Hindi sila nasisiyahan sa bahagi na kanilang pinamumunuan. Maging ang mga matataas na kabundukan sa gitna ay kanila ring kinukuha kahit na halos kalahati nito ay pagmamayari ng mga MacGil. Kaya simula pa noon ay nagbabanta sila ng digmaan.Hindi maiwasan ni MacGil ang mabalisa. Dapat lang maging masaya ang mga McClouds dahil ligtas sila sa loob ng Bilog at napoprotektahan ng pader. Wala silang dapat ikatakot. Bakit hindi pa sila makuntento? Dahil pinalakas ni MacGil ang pwersa ng kanyang mga mandirigma kaya hindi masubukang umatake ng kabilang panig. Ngunit, matalas ang isip ni MacGil at alam niyang ang katahimikan na ito ay hindi magtatagal. Kaya pinagkasundo niya ang kanyang anak na babae sa panganay na anak na lalaki ng mga McClouds para sa isang kasal. At dumating na ang araw ng kasal.Sa kanyang pagtingin sa ibaba, daan daang mga tauhan ng kaharian ang kanyang nakita na nagkalat sa buong sulok ng kaharian. Nakadamit ng nagtitingkaran na mga kasuotan. Dahil hindi lamang ito araw ng kasal, ito ay araw para iparating ang kanyang mensahe sa mga McClouds.Daan daang ring mga mandirigma ang nagkalat sa buong kaharian.Sapat na dami ng mandirigma na magpapakita sa lakas ng kanlurang kaharian. Ngunit umaasa pa din ang hari na sana'y maging matiwasay ang lahat sa araw na ito.Pinagmasdan niya ang lahat ng mga nangyayari. Inisip din niya ang lahat mga magaganap na mga paligsahan at palaro pagkatapos ng kasal. Panigurado ay magdadala rin ang mga McClouds ng mga sariling mga tauhan at bawat paligsahan ay may kahulugan sa kanila. Magkaroon lamang ng konting gusot ay maari itong mauwi sa digmaan."Mahal na Hari?"Naramdaman niya ang malambot na kamay ng kanyang reyna sa kanyang balikat, si Krea, na siya pa ding pinakamagandang babae na nakita ng hari sa kanyang buhay. Masaya ang kanilang pagsasama. Mayroon silang limang anak, tatlo doon ay lalaki, at wala silang naging reklamo kahit kailan. Siya din ang pinakapinagkakatiwalaang tagapayo ng hari. Mas matalino pa ang reyna kaysa sa mga lalaking tagapayo at maging sa hari."Ang araw na ito ay puno ng pulitika" sabi ng reyna, "ngunit araw din ito ng kasal ng iyong anak. Subukan mong magsaya. Ngayon lamang mangyayari ito.""Hindi ako nagaalala noong walang wala pa tayo, pero ngayong nasa atin na ang lahat puro pagaalala ang nararamdaman ko. Ligtas tayo pero iba ang nararamdaman ko"Tumingin lamang ang reyna sa kanyang mga mata. Ang mga malalaki at kulay lupang mga mata ng reyna ay nangungusap na parang alam niya ang lahat. Mayroon siyang mahabang buhok na mamumuti na. May mga ilang linya na sa kanyang mga mata ngunit wala pa ring nagbago sa kanyang magandang mukha."Iyon ay dahil hindi ka talaga ligtas," sabi ng reyna, "walang hari ang ligtas. Madaming espiya ang nasa loob ng iyong kaharian. At hindi na magbabago iyon."Lumapit ito sa hari at hinalikan."Subukan mong magsaya" ang sabi ng reyna, "isa itong kasal"Tumalikod ang reyna at pumasok sa loob.Pinagmasdan lamang ng hari ang papaalis niyang reyna. Tama siya; palagi naman siyang tama. Gusto niyang makisaya. Mahal niya ang kanyang anak at isa itong kasal. Isa itong napakagandang araw, kasabay ng napakagandang panahon. Paparating na ang tagaraw,ngunit malamig pa din ang simoy ng hangin. Magaganda ang sibol ng mga puno at halaman. Nagtitingkaran ang mga kulay ng mga bulaklak,l. Asul, dilaw, berde at madami pa.Walang ibang gustong gawin nag hari kundi ang makisaya kasama ang kanyang mga tauhan, pagmasdan ang kanyang anak sa kaniyang kasal at uminom ng alak hanggang sa hindi na niya kaya.Ngunit hindi maari. Madami pa siyang kinakailangang asikasuhin bago makalabas ng kaharian. Dahil ang araw ng kasal ng kanyang anak ay nangangahulugan ng mas madaming obligasyon para sa hari, kinakailangan din niyang makipagusap sa kanyang mga tagapayo; kasama ang kanyang mga anak at ang mahabang pila ng mga tao na may karapatan upang makita ang hari. Maswerte na ang hari kung matapos niya ang lahat bago magsimula ang kasiyahan.


*

Si haring MacGil, suot ang kanyang pinakamarangyang kasuotan, itim na pantalon, gintong sinturon, ang kasuotan ng hari na yari sa pinakamagandang klase ng tela, makintab na sapatos at suot ang kanyang gintong korona na napalilibutan ng mamahaling bato, ay bumaba sa kastilyo na puno ng mga tauhan. Dinaanan niya ang mga ibat ibang silid na may mga naglalakihang mga pinto. Hanggang sa makarating siya sa dulong pinto na yari sa isang puno ng narra. Binuksan ito ng mga tauhan at saka pumasok ang hari. Ang silid ng trono.Nagtayuan ang mga tagapayo sa pagpasok ng hari."Magsiupo kayo", ang sambit ng hari. Pagod na siya dahil sa mga gawain sa kaharian at gusto na niyang matapos ang lahat.

Inikot niya ang silid ng trono na sadya namang nakakamangha. Nagtataasan ang mga kisame nito,ang mga pader nito ay napapalibutan ng mga salamin at ang sahig naman ay yari sa bato. Kaya nitong pagkasyahin ang isang daang tao ngunit sa mga ganitong araw, tanging ang hari at ang kanyang mga taga payo ang nasa loob ng silid. Sa gitna ng silid ay may malaking lamesa na hugis bilog. Doon nakahilera ang kanyang mga tagapayo.Umupo siya sa kanyang trono. Isang malaking silya na kulay ginto at pulang mga unan. Dito umupo ang kanyang ama, ang kanyang lolo at lahat ng mga naging hari ng kaharian na ito. Sa kanyang pagupo, nakaramdam siya ng bigat sa pakiramdam.

Pinagmasdan niya ang kanyang mga tagapayo. Nandoon si Brom, ang kanyang magaling na heneral at tagapayo sa mga kawal; si Kolk, ang pinuno ng Legion; Aberthol, ang pinakamatanda, iskolar at naging tagapayo ng hari sa loob ng tatlong henerasyon; si Firth, tagapayo ukol sa internal na mga gawain, isang maliit na lalaki na may puting buhok. Si Firth ang tanging hindi pinagkakatiwalaan ng hari. Hindi rin niya maintindihan ang tunay na papel niya sa kaharian. Ngunit nagsilbi si Firth noong panahon pa lamang ng kanyang ama at bilang respeto ay tinanggap niya pa din ito. Nandoon din si Owen, ang kanyang taga ingat yaman; Bradaigh, tagapayo para sa mga external na gawain ng hari; si Earnan, ang tagakolekta ng buwis; Duwayne, ang tagapayo ukol sa mga mamamayan at si Kelvin, ang kinatawan ng mga marangal.Ang hari pa din ang kumokontrol ar nagdedesisyon sa lahat. Ngunit ang kaharian nila ay liberal at ang kanyang mga ninuno ay binibigyan ng malaking importansya ang opinyon ng mga marangal, sa pamamagitan ng kanilang kinatawan. Sa kasaysayan ng kaharian, hindi naging madali ang pagbalanse sa desisyon ng hari at ng mga marangal. Ngunit ngayon ay mas nagiging matiwasay na ang lahat. May mga ilang pagkakataon lamang na nagkakaroon ng mga hindi pagkakasunduan.

Habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga tagapayo, kanyang napansin na wala ang pinakagusto niyang makita at makausap sa lahat, si Argon. Katulad ng dati, kung saan saan at bigla bigla na lamang nagpapakita si Argon. Hindi ito nagugustuhan ni MacGil, ngunit tinanggap niya pa din ito. Kakaiba talaga ang mga Druids. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito, madami pa siyang kakailanganing gawin bago ang kasal.Nakapalibot ang mga tagapayo sa bilog na lamesa. Nakaupo sa mga upuan na yari sa matitibay na punong kahoy.

"Maari na po ba nating simulan?" Ang sabi ni Owen

"Sige. Ngunit pakiiklian lamang ito. Madami pa akong kailangang gawin."

"Makakatanggap ngayon ng mga magagarbong regalo ang inyong mahal na anak. Madaming mamamayan ang magbibigay puri at maghahandog ng alay sa inyo na makakadagdag din sa ating pondo. Ngunit madaming preparasyon para sa araw na ito na siguradong makakabawas ng malaki sa ating pondo. Imumungkahi ko na taasan ang buwis ng mga mamayan, isahang buwis upang mabawi ang mawawala sa pondo dahil sa pagdiriwang na ito."

Nakaramdam ng labis na pagaalala ang hari dahil sa pagbasak ng pondo. Ngunit hindi niya maaring taasan muli ang buwis.

"Mas mabuti pa ang magkaroon ng mababang pondo kaysa mawala ang mga tapat na mga tao" sagot ni MacGil. "Ang ating yaman ay nagmumula sa masasaya nating mga mamamayan. Hindi natin dapat sila pahirapan."

"Ngunit mahal na hari, kung hindi po natin…"

"Nakapagdesisyon na ako. Sunod!"

Napabalik na lamang sa kanyang upuan si Owen.

"Mahal na hari," ang sagot ni Brom gamit ang malalim na boses nito, "tulad po ng pinaguutos po ninyo, pinakalat ko na po ang ating mga tauhan sa lugar na pagdadausan ng pagdiriwang. Nakakahanga po ang maipapakita nating hukbo ngunit kung sakaling may gulo na mangyari sa ibang bahagi ng kaharian, hihina po ang ating pwersa"Tumango lamang ang hari."Hindi aatake ang ating mga kalaban habang pinapakain natin sila."

Nagsipagtawanan ang mga tagapayo.

"At anong balita sa mga bulubundukin?""Wala pong natala na kahit anong galaw simula pa noong isang buwan. Mukhang naghahanda po ang lahat para sa kasal. Marahil ay handa na silang makipagkasundo"Hindi sigurado ang hari sa bagay na iyon."Maaring ang kasal ay naging tagumpay o kaya naman ay naghihintay lamang sila ng tamang oras upang sumugo. Ano sa tingin mo?" Tanong ng hari kay AbertholNilinaw ni Aberthol ang kanyang lalamunan, "mahal na hari, kailanman ay hindi pinagkatiwalaan ng inyong ama at lolo ang mga McClouds. Kung sila man ay natutulog, hindi ito nangangahulugan na hindi na sila magigising."Tumango lamang si MacGil."At kamusta naman ang Legion?" Tanong niya kay Kolk.

"Ngayon po ipapakilala ang mga bagong kasapi," sagot ni Kolk, sabay tango.

"Kasama ang aking anak?" Anong ng hari

"Nangibabaw po siya sa lahat mahal na hari"

Tumango muli ang hari at tumingin kay Bradaigh

"Anong balita mula sa labas ng ating sanggalang?""Mahal na hari, mas madami pong nakitang pagtatangka na makapasok sa ating sanggalang. Nangangahulugan po ito na maaring naghahanda sa pagatake ang mga rebelde"

Nagbulungan ang mga tagapayo at nakaramdam ng takot si MacGil. Matibay ang kanilang sanggalang, ngunit hindi pa din niya maiwasan ang magisip ng mga posibilidad."Paano kung biglaan silang umatake?" Tanong ng hari"Hangga't nariyan ang ating sanggalang,hindi magtatagumpay ang mga rebelde. Ilang milenyo na nilang sinusubukang makapasok. Wala tayong dapat ikatakot."Hindi pa rin makampante ang hari. Matagal na mula noong umatake ang mga rebelde at hindi niya maiwasang magisip kung kailan ulit ito mangyayari."Mahal na hari," sambat ni Firth, "kailangan ko po kayong sabihan na nagsidatingan na ang mga matataas na kinatawan ng mga McClouds. Isang insulto para sa kanila kung hindi natin sila haharapin, kalaban o hindi. Iminumungkahi ko na gumawa kayo ng panahon upang batiis ang bawat isa sa kanila. Madami silang handog na regalo at ayon sa mga bulong bulungan, may dala din silang mga espiya.""Sino din ang magsasabi na wala pa ang mga espiya dito sa loob?" Sagot ni MacGil habang tinitingnan ng mabuti si Firth at iniisip kung siya ba mismo ay isang espiya.Bago makasagot si Firth, itinaas ng hari ang kanyang kamay sabay buntong hininga.

"Kung tapos na, ako'y aalis na upang dumalo sa kasal ng aking anak.""Mahal na hari," dagdag ni Kelvin "mayroon pa po. Isang tradisyon na tuwing kasal ng unang anak ng hari ay papangalanan ang tagapagmana ng inyong trono. Hihintayin po ng mga mamamayan ang inyong anunsyo. Ito po ay naging usap usapan. Mas makakabuti kung hindi niyo po sila bibiguin lalo na at ang 'espada ng tadhana' ay nananatiling hindi gumagalaw."Pipilitin mo akong pangalanan ang aking tagapagmana habang nakaupo pa ako sa aking trono?" Tanong ng hari"Mahal na hari, hindi ko po intensyon na…"Itinaas muli ng hari ang kanyang kamay. "Alam ko ang tradisyon. At magpapangalan ako ng aking tagapagmana ngayong araw""Hindi mo ba sasabihin sa amin kung sino?"tanong ni FirthTinitigan lang muli ng hari si Firth. Hindi niya ito pinagkakatiwalaan."Malalaman niyo din sa tamang panahon"Tumayo ang hari at sumunod ang mga tagapayo. Nagbigay galang ang mga ito bago lumabas ng silid.Tumindig lamang doon ang hari at nagisip. Ito ang mga araw na hinihiling niya na sana'y hindi siya nag hari.


*

Naglakad ang hari patungo sa isang maliit na pinto sa loob ng silid. Binuksan niya ito at pumasok.Gusto ng hari ang katahimikan at katiwasayan sa loob ng maliit na silid. Ang buong silid ay yari sa bato. Ang liwanag sa silid ay nagmumula lamang sa iisang bintana. At ang natatanging laman ng silid na ito ay ang Espada ng Tadhana.Ang espada ay nakatusok sa isang napakalaking bato. Bata pa lamang ang hari ay nandoon na espada. Naalala niya kung paano niya ito palibutan at suriin. Ang Espada ng Tadhana. Ang pinagmumulan ng lakas ng kapangyarihan ng buong kaharian. Kung sino man ang may lakas upang tanggalin at hugutin ang espada ay ang Natatangi. Ang nagiisang nakatadhana upang maghari sa haba ng panahon. Ang nagiisang magbibigay ng kalayaan laban sa mga banta at panganib sa loob at labas ng kaharian at ng Bilog na Kaharian. Kinalakihan ni MacGil ang alamat na ito. Kaya ng siya ay maging hari, agad niyang sinubukang hugutin ito. Tanging mga hari lamang ang maaring sumubok dito at lahat sila ay nabigo. Sigurado siyang hindi siya mabibigo.Ngunit nagkamali siya. Ang kanyang pagkabigo ay nakaapekto sa kanyang pagiging hari.Habang tinititigan niya ito, nararamdaman pa din niya ang pagkabigo. Sinuri niya ang mahabang patalim nito na kailan man ay hindi pinagaralan ng mga eksperto. Ang kwento tungkol sa pinagmulan nito ay hindi rin malinaw. Ayon sa mga nakakatanda, ang espada ay nagmula sa ilalim ng lupa dala ng isang lindol.Siya ay isang mabuting hari ngunit hindi siya ang Natatangi. Alam ng mga tao iyon. Alam ng kanyang mga kalaban. Mabuti siyang hari ngunit kailanman ay hindi siya ang magiging Natatangi.Kung siya man ito, marahil ay mas magkakaroon ng kapayapaan at mawawala ang mga pagdududa at di pagkakasunduan. Mas pagkakatiwalaan siya ng kanyang nasasakupan at hindi na iisipin pang umatake ng mga kalaban. Isang bahagi niya ang nagnanais na mawala ba lamang ang espada at ang kwento tungkol dito. Ngunit hindi ito mangyayari. Dahil iyon ang kapangyarihan at sumpa ng isang alamat. Mas malakas pa kaysa sa hukbo ng mga mandirigma.Habang pinagmamasdan niya muli ang espada, hindi ulit maiwasan ng hari na magisip kung sino ba talaga. Sino sa kanyang mga kadugo ang nakatadhana para dito? Habang iniisil niya ang mga ito, pumasok sa isip niya ang kanyang magiging tagapagmana at kung kakayanin ba nito na hugutin ang espada."Mabigat ang espada, "sambit ng isang bosesLumingon si MacGil at nabigla na may kasama na pala siya sa silid.Doon ay nakatindig si Argon. Nakilala ni MacGil ang boses nito. Nakaramdam ng inis ang hari dahil nahuli ito ng dating,ngunit nakaramdam din siya ng saya at dumating na si Argon."Huli ka na!" Sabi ni MacGil."Ang iyong sense ng oras ay hindi applicable sa akin."Muling tiningnan ni MacGil ang espada."Naniwala ka ba sa akin na kaya kong hugutin ang espada?" Tanong ng hari, "noong naging hari ko?""Hindi." Agad na tugon ni ArgonLumingon ang hari at tinitigan si Argon."Alam mong hindi ko magagawa? Hindi ba? Nakita mo?""Oo"Napaisip muli si MacGil."Tinatakot mo talaga ako kapag sinasagot mo ako ng diretso. Hindi ikaw ito."Nanatiling tahimik si Argon hanggang sa mapagtanto ni MacGil na hindi na ito sasagot."Papangalanan ko na ang magiging tagapagmana ng trono ko sa araw na ito."sabi ni MacGil. "Nakakalungkot isipin na papangalanan ko ang papalit sa akin. Parang kinukuha ang saya sa bawat hari sa araw ng kasal ng anak nila"

"Marahil ang ganoong kasiyahan ay nakalaang tapusin"

"Subalit marami pa akong taon upang mamuno" ang paliwanag ni MacGil

"Marahil hindi ito kasingdami tulad ng naiisip mo," sagot ni Argon

Nanlaki ang mga mata ni MacGil. May nais ba siyang ipahiwatig?

Ngunit wala ng idinagdag si Argon.

"Anim na anak. Sino ang pipiliin ko?" Tanong ni MacGil

"Bakit ako ang tatanungin mo? Hindi ba't nakapili ka na?"

Tumingin lamang siya si Argon. "Lahat talaga nakikita mo. Oo, nakapili na ako. Ngunit gusto ko pa ding malaman a g opinyon mo"

"Sa tingin ko ay tama ang iyong desisyon," sagot ni Argon, "ngunit tandaan mo na walang hari ang maaring mamuno mula sa kanyang libingan. Kung sino man ang iyong mapili, tadhana pa rin ang masusunod"

"Mabubuhay ba ako, Argon?" Agad na tanong ni MacGil. Matagal na siyang binabagabag ng tanong na iyon simula ng siya magising mula sa isang masamang panaginip.

"Kagabi, nanaginip ako ng isang uwak," dagdag niya, "tinangay nito ang aking korona. At isa pang uwak ang tumangay sa akin. At habang dinala niya ako paitaas, nakita ko ang buong kaharian. Binalutan ng kadiliman"

Tumingin siya kay Argon, nangingilid ang luha.

"Panaginip lang ba iyon? O may iba pa itong kahulugan?"

"Lahat ng panaginip ay may kahulugan, hindi ba?" Tanong ni Argon

Palubog ng palubog ang pakiramdam ni MacGil.

"Nasaan ang panganib? Sabihin mo sa akin."

Lumapit si Argon at tumitig sa mga mata ni MacGil at bumulong.

"Palaging nandiyan lang, malapit sayo."




IKAAPAT NA KABANATA


Sumakay at nagtago sa likod ng isang kariton na yari sa straw habang binabagtay ang daan patungo sa kastilyo ng hari. Tinahak niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan buong gabi at naghihintay ng dadaan na kariton kung saan maari niyang sakyan ng hindi siya napapansin. Madalim ang daan at mabagal na dumating ang kariton, tamang tama para makahabol si Thor at makasakay sa likod nito. Puno ito ng mga dayami na siya niyang pinagtaguan. Hindi siya napansin ng mayari. Hindi sigurado si Thor kung sa kastilyo ng hari ang punta nito ngunit mukhang doon ang direksyon nito.Habang tinatahak nila ang daan, buong gabing gising ay nagiisip si Thor tungkol sa kanyang pakikipagsagupaan sa Sybold. Kay Argon. Ng kanyang tadhana. Ang kanyang lugar na kinalakihan. Ang kanyang ina. Animo'y binigyan siya ng kasagutan ng kalangitan at sinabing mayroon siyang bagong tadhana. Nakahimlay siya doon haabng nakatingin sa kalangitan. Pinagmasdan niya ang mga naglalakihan at kumikinang na mga bituin sa langit. Punong puno siya ng galak. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya naglakbay. Hindi niya alam kung saan, ngunit magpapatuloy siya. Sa kahit anong paraan, pupunta siya sa kastilyo ng hari.Nang imulat ni Thor ang kanyang mga mata, umaga na at sumikat na ang araw. Nakatulog siya. Agad siyang umupo at sinuri ang paligid. Dapat siyang mas magingat. Buti na lamang at walang nakakita sa kanya.Gumagalaw pa din ang kariton ngunit mas makinis na ang mga dinadaanan nito. Nangangahulugan na malapit na sila sa siyudad. Tiningnan ni Thor kung gaano kakinis at kapatag ang daanan. Walang mga bato. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor, papalapit na sila sa kastilyo.Sumilip si Thor sa labas at namangha siya sa kanyang nakita. Ang mga daan ay puno ng mga ibat ibang mga dekorasyon. May mga tindahan ng ibat ibang mga bagay. Madaming mga karton at karwahe ang nasa daan. Ang bawat isa sa mga ito ay may mga dalang damit na yari sa balahibo ng hayop, mga basahan at maging mga manok. Kasabay dito ay ang mga nagtitinda, mga tagapagalaga ng tupa at ang iba ay may mga dala dalang buslo sa kanilang mga ulo. Daan daan ang mga tao at lahat sila ay papunta sa iisang direksyon.Nabuhayan si Thor. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoong kadaming tao, paninda at mga pangyayari. Lumaki siya sa maliit na nayon at ngayon ay napalilibutan siya ng madaming tao.Nakarinig siya ng malakas na tunog, ang kalansing ng kadena, ang pagputol sa mga punongkahoy na sa sobrang lakas, gumagalaw ang lupa. Kanyang napagtanto na sila ay kasalukuyang dumadaan sa isang tulay.Sinilip ni Thor ang labas. Namangha siya sa mga haligi na yari sa bato at ang malaking tarangkahan sa kanilang harapan. Papasok na sila sa kastilyo.Ito ang pinakamalaking tarangkahan na kanyang nakita. Sa itaas nito ay may mga matatalim na mga bakal na kung siya ay mababagsakan nito, mahahati ang kanyang katawan. Natanaw niya ang mga miyembro ng Silver na nakabantay sa harapan. Mas lalong bumilos ang tibok ng kanyang puso.Pumasok sila sa isang madilim na lagusan hanggang sa tuluyan na silang makarating sa loob ng kastilyo, ang korte ng hari.Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nakikita. Mas madami pang nagaganap sa loob at libo libong tao ang nagkalat sa bawat sulok nito. Malawak ang damuhan at napapalibutan ito ng mga naggagandahang mga bulaklak. Malapad ang daanan, at sa tabi nito ay mga ibat ibang tindahan, mga mamimili at mga gusali na yari sa bato. At sa paligid nito ay ang mga kawal at tauhan ng kaharian na nakasuot ng mga armas. Sa wakas, nakarating na sila.Sa kanyang galak, bigla siyang napatayo. Sa kanyang pagtayo, biglang huminto ang kariton at agad na bumagsak si Thor. Maya maya ay nagbukas ang likod ng kariton at umambad ang galit na galit na matandang lalaki. Hinila nito si Thor at itinulak papalabas.Bumagsak si Thor sa isang mabuhanging parte ng daan. Nagtawanan ang mga tao sa kanyang paligid."Sa susunod na sasakay ka sa kaeiton ko, mananagot ka na sa akin. Swerte ka at hindi kita pinahuli sa mga miyembro ng Silver" galit na sambit ng matanda.Tumalikod ang matanda at dali daling bumalik sa kanyang kariton.Dali daling tumayo si Thor aa sobrang kahihiyan. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Ilang mga tao ang nagtatawanan. Tinitigan niya ang mga ito hanggang sila ay huminto.Bumalik ang kanyang sigla dahil sa kamangha manghang paligid na kanyang nakikita. Ang mahalaga ay nakarating siya. Ngayon, maari na siyang maglibot ng walang tinataguan. Sa gitna ng siyudad matatagpuan ang kastilyo ng hari na napaliligiran ng mga bandera na may simbolo ng hari at binabantayan ng mga kawal ng kaharian. Ang kanyang buong paligid ay puno ng luntiang mga halaman, mga nagtataasang gusali. Ito ay isang siyudad. At ito ay binabaha ng mga tao.Lahat ng mga tao, mga mamayan, mga tindero at mamimili, ay animo'y mga nagmamadali. Unti unting napagtanto ni Thor na may nagaganap na pagdiriwang. Sa kanyang pagmamasid, nakita niya ang mga paghahanda ng mga upuan at isang altar. Lahat ay naghahanda para sa isang kasal.Bahagyang tumigil ang kanyang paghinga ng kanyang makita mula sa malapit na distansya ang linya ng mga kawal at mandirigma. Pinalilibutan nila ang altar. Sa kabilang banda naman, ay may mga kawal na gumagamit ng mga sandata upang tamaan ang mga nakalagay na target mula sa malayo. Ang iba naman ay gumagamit ng pana. Buong paligid ay puno ng mga palaro at paligsahan. Mayroon ding musika tulad ng pluta, gitara at nagkalat na mga musikero; bote bote ng mga alak na inihahain sa mga lamesa; sangkatutak na mga pagkain na parang walang katapusan sa dami.Sa kabila ng nakamamanghang kasiyahan, kailangan ng hanapin ni Thot ang Legion. Huli na siya at kailangan na niyang ipakilala ang kanyang sarili.Agad niyang nilapitan ang unang tao niyang nakita, na isang tagakatay ng hayop, base sa mantsa ng dugo sa kanyang kasuotan. Lahat ng tao ay nagmamadali.

"Mawalang galang na po ginoo," sambit ni Thor sabay hawak sa braso nito

Agad na napatingin ang ginoo kay Thor

"Ano yun?"

"Hinahanap ko po nag Legion. Alam niyo po ba kung saan sila nagsasanay?"

"Mukha ba akong mapa?" Naiinis na sagot ng ginoo sabay alis.

Nagulat si Thor sa pagtrato sa kanya ng ginoo.Agad siyang lumapit sa sumunod na taong kanyang nakita. Isang ginang na nagmamasa ng harina sa isang lamesa. May ilang ginang na nagtatrabaho sa may lamesa. Sigurado si Thor na isa sa kanila marahil ang may alam.

"Mawalang galang na ginang" aniya, "alam niyo po ba kung saan nagsasanay ang Legion?"Nagtinginan nag mga ginang at sabay nagtawanan. Ang ilan sa kanila ay mas nakakatanda kay Thor.Lumingon ang pinakamatanda at hinarap si Thor."Naghahanap ka sa maling lugar," tugon ng ginang, "nandito kami upang maghanda para sa pagdiriwang."Ngunit ang sabi nila sa akin ay dito sa korte ng hari sila nagsasanay" nalilitong tanong ni Thor.Muling nagtawanan ang mga babae. Napailing na lamang ang nakatatanda."Mukang ito ang unang beses mo dito sa korte ng hari. Hindi mo ba alam kung gaano ito kalaki?"Namula si Thor habang patuloy sa pagtawa ang mga kababaihan kaya umalis na lamang ito. Hindi niya gusto ang pakiramdam ng pinagtatawanan.Nakita niya ang madaming daan at pasikot sikot na mga kanto sa loob ng korte ng hari. Sa isang banda ay puno ng madaming papasok na daan. Nakakapangliit ang kalakihan ng lugar na ito. Pakiramdam niya na kahit libutin niya ito ng ilang araw ay hindi niya pa rin ito mahahanap.Isang ideya ang pumasok sa kanyang isip;panigurado ay alam ng mga kawal kung saan sila nagsasanay. Nahihiya siyang lumapit sa isang tauhan ng kaharian, ngunit kailangan niya itong gawin.Agad siyang nagmasid at nilapitan ang unang kawal na kanyang nakita. Umaasa na sana'y hindi siya itaboy nito. Nakatindig lamang ito at nakatingin ng diretso sa malayo."Hinahanap ko po ang mga Legion ng mahal na hari. " sambit ni Thor sa kanyang pinakamatapang na boses.Patuloy na hindi gumalaw ang kawal. Hindi ito sumagot"Sabi ko, hinahanap ko po ang mga Legio ng hari" sigaw ni Thor upang siya ay mapansin.Matapos ang ilang sandali, ay tiningnan siya ng kawal."Maari niyo po bang ituro sa akin?" Pilit ni Thor"At anong kailangan mo sa kanila?""Napakaimportanteng bagay po. " sagot ni Thor na umaasa na sana'y hindi na masyadong magtanong ang kawal.Muling tumingin sa malayo ang kawal, hindi siya pinansin. Pinanghinaan ng loob si Thor dahil mukhang wala siyang makukuhang sagot.Ngunit makalipas ang animo'y napakatagal na paghihintay, sumagot ang kawal, "pumasok ka sa kanlurang pasukan at diretsuhin mo lamang ito. Pumasok ka sa ikatlong pasukan, kumanan ka at kumanan ka muli. Lampasan mo ang rebulto na yari sa bato at makikita mo ang papasok sa lugar nila. Ngunit binabalaan na kita. Hindi sila tumatanggap ng bisita."Yun lamang ang gustong marinig ni Thor. Ng walang pagaalinlangan ay agad umalis si Thor habang sinusubukan niyang tandaan ang direksyon na sinabi ng kawal. Mataas na ang sikat ng araw at naway sa kanyang pagdating ay hindi pa huli ang lahat.


*

Nagtatakbo si Thor paikot sa mga pasikot sikot ng korte ng hari. Sinubukan niyang sundin ang direksyon na sinabi ng kawal. Sana'y hindi siya maligaw. Sa dulo ng isang patyo , nakita niya ang ilang pasukan at kanyang pinili ang pangatlo. Tinakbo na niya ito. Nilampasan ang libo libong mga tao na lalong dumadami sa paglipas ng oras. Kanya ng binangga ang mga nagkalat na mga tagapalabas sa daan.

Hindi maisip ni Thor na mahuhuli siya para sa pagpili ng mga bagong miyembro ng Legion kaya ginawa niya ang lahat upang makahabol. Nilampasan niya ang bawat gusali habang hinahanap ang kinaroroonan ng kanilang lugar para sa pageensayo. Ng marating niya ang dulo ng daan na kanyang tinahak, napansin niya ang isang gusali na mukhang ito na ang kanyang hinahanap: isang koluseyo na yari sa bato at isang perpektong bilog. Maraming nakabantay na mga kawal sa pintuan nito sa harap. Nakarinig si Thor ng mga sigawan at palakpakan mula sa loob at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ito na nga.

Agad siyang tumakbo, habang hinahabol ang kanyang paghinga. Sa kanyang paglapit sa pintuan, dalawang kawal ang humarang sa kanya. Isa pang kawal ang lumapit sa kanya.

"Hinto!" Utos ng kawal

Napatigil agad si Thor habang hinahabol nag kanyang paghinga.

"Hindi..ninyo..naiintindihan" hingal na sabi ni Thor. "Kailangan kong makapasok sa loob. Mahuhuli na ako."

"Mahuhuli saan?"

"Sa pagpili."

Ang kawal, maliit ngunit malaki ang katawan, ay napatingin sa iba pang mga kawal. Tinitigan nito si Thor na parang hindi makapaniwala.

"Kanina pa dumating ang mga pagpipilian sakay ng mga karwahe ng kaharian. Kung hindi naimbitahan, hindi ka maaring pumasok"

"Hindi ninyo naiintindihan. Kailangan ko…"

Lumapit ang kawal at hinawakan sa kamiseta si Thor.

"Ikaw ang hindi nakakaintindi bata! Anong karapatan mo para ipagpilitan na makapasok. Umalis ka na bago pa kita saktan."

Itinulak nito si Thor na bumagsak sa lupa.

Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Thor dahil sa pagkakatulak ng kawal ngunit mas masakit ito dahil sa pagkabigo. Desidido si Thor. Hindi siya naglakbay ng ganito kalayo upang ipagtabuyan lamang ng hindi pa nila nakikita ang kanyang kakayahan. Kailangan niyang makapasok.

Umalis ang mga kawal. Naglakat nmaan paikot ng koluseyo si Thor. May plano siya. Lumakad siya palayo hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga kawal. Sinuri niya ang mga pader ng gusali. Sinigurado nito na walang makakakita sa kanya. Nang makarating siya sa kabilang bahagi ng koluseyo, nakita niya ang pangalawang pasukan nito. Hinaharangan ito ng mga nakahilerang mga bakal. Napansin niya na may nawawalang mga bakal. Nakarinig siya muli ng mga sigawan mula sa loob kaya sinilip niya ito.

Bumilis muli ang kanyang paghinga. Nakahilera sa gitna ng koluseyo ang lahat ng mga naimbitahan kasama ang kanyang mga kapatid. Nakaharap sila grupo ng mga Silver na isa isa silang sinusuri. Isang grupo din ng mga kalalakihan ang nasa isang sulok at isa isang pinatitira gamit ang pana habang sinusuri rin ng mga Silver. Isa sa mga ito ang hindi nakatama.

Mas lalong naginit ang dugo ni Thor. Magiging madali para sa kanya ang gumamit ng pana. Maliit siya at mas bata ngunit hindi ito nangangahulugan na mas mahina siya. At hindi ito patas para sa kanya.

Ng ano ano'y may biglaang humawak sa balikat ni Thor. Hinila siya at itinapon sa lupa.

Paglingon ni Thor ay nakita niya ang kawal na bantay sa unang pasukan.

"Anong sinabi ko sa iyo bata?"

Bago pa man makasagot si Thor ay bigla siyang sinipa sa dibdib ng kawal. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang mga buto hanggang sa sinipa siyang muli nito

Bago pa ulit ito makasipa, hinawakan ni Thor ang paa ng kawal, inihagis niya ito hanggang sa mawalan ng balanse ang kawal. Bumagsak ito.

Agad tumayo si Thor kasabay ng kawal. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nagawa. Tinitigan ng masama ng kawal si Thor.

"Hindi lamang kita sasaktan,' sagot ng kawal,"magbabayad ka. Walang dapat kumalaban sa isang kawal ng hari. Kalimutan mo na ang pagsali sa Legion-mabubulok ka sa kulungan. Maswerte ka pa mung masikatan ka pa ng araw."

Kinuha ng kawal ang kanyang kadena. Unti unti itong lumapit kay Thor, handang handa para maghiganti.

Kailangang magisip ng mabilis ni Thor. Hindi niya maaring hayaan na masaktan at makulong, ngunit hindi rin niya maaaring saktan ang isang kawal ng kaharian. Kailangan niyang magisip ng paraan, agad agad.

Naalala niya bigla ang kanyang tirador. Agad niya itong kinuha, kasama ang bato at itinira.

Lumipad ang bato at tinamaan ang kamay ng kawal. Nabitawan nito ang hawak na kadena. Napaluhod ang kawal sa naramdamang sakit mula sa tama ng tirador sa kanyang kamay.

Ng walang ano ano'y, hinugot ng kawal ang kanyang espada. Tinitigan ng masama si Thor.

"Iyon an ang huling pagkakamali na gagawin mo," banta ng kawal. Dumilim ang awra nito.

Wala ng ibang paraan si Thor. Hindi na siya lulubayan ng kawal na ito. Tinira niya ulit ito ng tirador. Hindi niya intensyon na patayin ang kawal kundi ang pigilan lamang ito. Kaya sa halip na patamaan niya ito sa puso o sa ulo, itinapat niya ito kung saan hindi niya mapapatay ang kawal.

Sa pagitan ng mga hita nito.

Hindi niya ito tinira gamit ang kanyang buong lakas. Tama lamang para magpabagsak ng tao.

Perpekto ang kanyang naging tira.

Napaluhod ang kawal. Bumagsak ang kanyang espada at namaluktot sa sobrang sakit.

"Mamamatay ka dahil dito!" Sambit ng kawal sa kabila ng nararamdamang sakit. "Mga Kawal!!"

Lumingon si Thor at kanyang nakita ang mga ibang kawal na tumatakbo palapit sa kanila.

Wala na siyang ibang maaring gawin.

Agad siyang tumalon sa butas kung saan nagkulang ang mga bakal na nakaharang sa pangalawang lagusan. Pumasok siya sa loob ng arena upang ipakilala ang kanyang sarili. Lalabanan niya ang kung sinong magtangkang pigilan siya.




IKALIMANG KABANATA


Si MacGil ay nakaupo sa mataas na bahagi ng kanyang kastilyo, ang silid na pinagdadausan ng kanyang mga personal na mga bagay. Siya ay nakaupo sa kanyang trono, upuan na yari sa kahoy, habang tinitingnan niya ang kanyang apat na anak sa kanyang harapan. Nandoon ang kanyang panganay na anak na si Kendrick. Dalawamput limang taong gulang pa lamang ngunit isa ng mahusay na mandirigma at isang magalang na ginoo. Siya ang pinakahawig sa kanyang ama kahit na siya ay isang anak sa labas lamang. Anak sa isang babae na matagal ng kinalimutan. Pinalaki ni MacGil si Kendrick kasama nalg kanyang mga tunay na anak na unang tinutulan ng kaniyang reyna. Pumayag lamang ito sa isang kundisyon, na hindi siya maaring pumalit sa trono bilang hari. Mahirap ito para kay MacGil ,dahil si Kendrick ang pinakamagiting na lalaking kanyang nakilala, ang anak na kanyang pinagmamalaki. Wala ng ibang mas karapatdapat pang pumalit sa kanya kundi si Kendrick.Sa tabi ni Kendrick, ay ang pangalawang anak ng hari ngunit unang lehitimong anak niya sa reyna na si Gareth. Dalawamput tatlong taong gulang, payat at may palubog na pisngi. Mahilig siya sa pagkaskas. Ang kanyang karakter ay kabaligtaran ng sa kanyang nakatatandang kapatid. Kung si Kendrick ay kayang ipaglaban ang kanyang paniniwala, si Gareth naman ay itinatago ang kanyang tunay na nararamdaman. Kung si Kendrick ay matapang at mapagkakatiwalaan, si Gareth naman ay mapanlinlang. Masakit para kay MacGil ang kamuhian ang sariling anak. Ilang beses na niyang sinubukan na baguhin ito ngunit sa paglaki nito,mas lumabas ang tunay na pagkatao nito: uhaw sa kapangyarihan at maambisyon. Alam din ni MacGil na walang interes si Gareth sa mga kababaihan at madami itong karelasyon na kapwa lalaki. Kung sa ibang hari, marahil ay itinakwil na nila ang ganoong klase ng anak, ngunit mas bukas ang kaisipan ni MacGil. Hindi iyon sapat na dahilan upang hindi niya mahalin ang sariling anak. Hindi niya kailanman ito hinusgahan ukol sa kanyang kasarian. Ngunit hindi niya maaring palampasin ang kasamaan sa pagkatao nito.Nandoon din katabi ng kanyang mga kapatid ang ikalawang anak na babae ni MacGil, si Gwendolyn. Kakatungtong pa lamang nito sa kanyang ika-labing anim na taong kaarawan. Maganda hindi lamang sa panlabas kundi pati ang kanyang kalooban. Siya ay mabait, mapagbigay, matapat- ang pinakamabuting babae na nakilala ng hari. Mahahalintulad niya nag anak na babae kay Kendrick. Kapag tumitingin ito sa kanya, nararamdaman niyaang pagmamahal ng isang anak at ang katapatan nito sa kanya. Mas ipinagmamalaki niya si Gwendolyn kaysa sa mga anak niya lalaki.Katabi ni Gwendolyn ang pinakabata sa mga magkakapatid na si Reece. Matapang at malaya kung magisip. Labing apat na taong gulang at unti unting nagiging isang tunay na lalaki. Pinagmasdan ni MacGil ang pagkukusa nito na sumali sa Legion at nakikita na niya kung paano siya magiging isang mandirigma. Balang araw,nakikita ni MacGil ang bunsong anak bilang isang magaling na hari at pinuno ng kaharian. Ngunit hindi pa sa ngayon. Masyado pa itong bata.Halo halo ang narramdaman ni MacGil habang tinitingnan ang kanyang apat anak sa kanyang harapan. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki ngunit may kasamang panghihinayang. Nakakaramdam din siya ng galit at inis dahil dalawa sa kanyang anak ay nawawala. Ang kanyang panganay na babae na si Luanda na naghahanda sa nalalapit nitong kasal at dahil siya ay ikakasal sa lalaki na nagmula sa ibang kaharian, hindi siya kasali sa usapan ng tagapagman ng trono. Ngunit ang kanyang isa pang anak na lalaki, si Godfrey na labing walong taong gulang ay hindi nagpakita. Namumula si MacGil sa galit.Simula pa noong bata pa si Godfrey, madalas na itong magpakita ng kabastusan sa trono; malinaw na kailanman ay wala siyang balak o interes upang umupo sa trono. At ang mas nakakapanghinayang para kay MacGil ay ang makita niya kung paano sayangin ng anak ang kanyang oras sa pagiinom kasama ng mga maling kaibigan na naghatid ng madaming kahihiyan sa kanilang pamilya. Siya ay tamad at batugan. Wala siyang ginawa kundi ang matulog at uminom ng alak. Napanatag si MacGil na hindi dumating ang anak ngunit sa kabilang banda, naiinsulto din siya sa hindi pagdating nito. Inasahan na ito ng hari kaya naman inutusan niya ang kanyang mga kawal upang hanapin si Godfrey. Hinintay niya nag pagdating ng mga ito.

Biglaang bumukas ang naglalakihang pintuan ng silid. Agad pumasok ang mga kawal, bitbit sa kamay anak na si Godfrey. Itinulak nila ito papasok ng silid saka isinara ang pinto.

Lumingon ang mga magkakapatid kay Godfrey na lasing, hindi pa nagaahit at hindi nakabihis ng ayos. Ngumiti lamang ito. Walang galang. Tulad ng dati.

"Kamusta ama," sabi ni Godfrey, "nahuli na ba ako sa kasiyahan?"

"Tumayo ka sa tabi ng iyong mga kapatid at hintayin nag aking pagsasalita. Kung hindi, patawarin ako ng panginoon, ngunit ikukulong kita kasama ng ma ordinaryong preso. Hindi ka makakakain o makakainom ng alak sa loob ng tatlong araw."

Tinitigan lamang ni Godfrey ang ama. Sa mga titig na iyon,nakaramdam ng kakaibang pwersa si MacGil. Isang pwersa na maaring magpahamak sa anak balang araw.

Kahit napipilitan, sumunod si Godfrey sa pinaguutos ng ama matapos ang sampung segundo.

Pinagmasdan ni MacGil ang kanyang mga anak sa harapan: ang anak sa labas, ang suwail, ang lasinggero, ang anak na babae at ang bunsong anak. Iba iba ang ma personalidad at hindi siya makapaniwala na sa kanya lahat ito nagmula. At ngayon, sa araw ng kasal ng kanyang anak, ay naatasan siya upang pumili ng papalit sa kanya bilang hari. Paano iyon magiging posible?

Isa lamang iyong tradisyon na nakasanayan na at siya pa rin ang magiging hari sa mga susunod pang mga taon. Kung sino man ang kanyang mapipili ngayon ay marahil hindi naman tatanggapin ang trono pagdating ng araw. Mahalaga ito noong panahon ng kanyang ama ngunit hindi para sa kanya.

"Pinatawag ko kayo dahil sa isang tradisyon. Alam ninyong lahat na sa araw ng kasal ng pinakamatandang anak ng hari at kinakailangang pangalanan ang susunod sa aking trono. Ang tagapagmana ng kaharian. Kung ako man ay mamatay, wala ng ibang maaaring mamuno kundi ang inyong ina. Ngunit nasasaad sa batas na tanging sa mga anak lamang manggagaling ang susunod na tagapagmana ng trono. Kaya kailangan kong pumili."

Huminga ng malalim si MacGil habang nagiisip. Katahimikan ang bumalot sa silid at ramdam niya ang paghihintay ng mga anak. Tumingin siya sa bawat mga mata nito at nakakia ng ibat ibang ekspresyon. Kalmado lamang ang anak sa labas dahil alma niyang hindi siya maaring mapili. Nagniningning naman ang mata ng suwail. Punong puno ng pagasa. Umaasa na kanya na mapupunta ang trono. Nakatingin lamang sa labas ang lasing na anak. Walang pakialam. Ang anak na babae naman ay punong puno ng pagmamahal ang mga tingin sa ama kahit na alam niyang hindi sa kanya mapupunta ang trono. Pati ang anak na bunso.

"Kendrick, isa kitang tunay na anak. Ngunit naaayon sa batas na maari lamang ipasa ang trono mula sa mga lehitimong anak ng hari."

Tumungo si Kendrick, "Ama, hindi po akong umaaasa sa inyong trono. Kuntento na po ako sa buhay na inyong ibinigay. Huwag po kayong magalala sa akin."

Masakit para kay MacGil ang mga nasambit ng anak. Totoo ito at mas lalo niyang ninais na ibigay na lamang ang trono dito.

"Apat na lamang layong natira. Reece, isa kang mabuting tao, isa sa mga pinakamahusay na nakilala ko. Ngunit masyado ka pang bata para dito"

"Inasahan ko na po ito ama." Sagot ni Reece sabay tungo.

"Godfrey, isa ka sa tatlo kong lehitimong anak. Ngunit mas pinili mong sayangin ang buhay mo at itapon sa pagiinom. Ibinigay sayo ang lahat ng pribilehiyo sa buhay ngunit sinayang mo lamang lahat ito. Kung mayroon man akong pinanghihinayangan sa buhay, ikaw yun."

Sumimangot lamang si Godfrey at umiwas ng tingin sa ama.

"Kung gayon, marahil ay maari na akong umalis at bumalik sa aking pagiinom. Tama ba ama?"

Tumayo ito at naglakas palapit sa pintuan ng silid.

"Bumalik ka dito!" Galit na sigaw ng hari.

Ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi pinakinggan ang ama. Pagbukas niya ng pintuan, dalawang kawal ang nakatayo sa labas nito.

Galit na galit na tumingin si MacGil sa mga kawal na hindi sigurado sa dapat gawin.

Ngunit hindi na nagpaligoy ligoy pa si Godfrey. Agad nitong nilampasan ang dalawang kawal.

"Ikulong niyo siya!" Sigaw ni MacGil. "At huwag ninyo itong hahayaang makita ng reyna sa araw ng kasal ng kanyang anak."

"Masusunod mahal na hari", at agad nilang isinirado ang pintuan at sinundan si Godfrey.

Naupo lamang si MacGil, huminga ng malalim upang kumalma. Ilang beses na niyang inisip kung bakit ganoon ang kinahinatnan ng kanyang anak.

"Dalawa na lamang kayo," pagpapatuloy niya, "at mula sa inyo, nakapili na ako ng aking tagapagmana."

Tumingin si MacGil sa anak na babae.

"Ikaw iyon Gwendolyn."

Nagulat ang lahat ng nasa silid. Lalo na si Gwendolyn.

"Tama ba ang sinabi ninyo ama?" Tanong ni Gareth. "Si Gwendolyn?"

"Salamat ama," sabi ni Gwendolyn, "ngunit hindi mo po ito matatanggap. Isa po akong babae."

"Tama. Kailanman ay wala pang babae na umupo sa trono ng mga MacGils. Ngunit napagisipan ko na marahil ay tama lamang na baguhin ang tradisyon. Gwendolyn, isa kang mabuti at mapagmahal na babae. Bata ka pa ngunit tanggapin mo ito. Hindi pa ako mamamatay ngunit sa pagdating ng araw na iyon, alam mo na ang dapat gawin. Sa iyo na ang kaharian."

"Ngunit ama!" Sigaw ni Gareth. "Ako ang panganay sa mga lehitimo mong mga anak. Sa kasaysayan ng mga MacGil, palaging ang lehitimong panganay ang nagmamana ng trono."

"Ako ang hari." Tugon ni MacGil. "Ako ang gumagawa ng tradisyon."

"Ngunit hindi ito patas!" Sigaw ni Gareth na nanginging sa galit. "Ako dapat ang maging hari. Hindi ang aking kapatid na isang babae."

"Tahimik!" Sigaw ni MacGil, "anong karapatan mong pagdudahan ang aking desisyon?"

"Sa tingin niyo ba ay mas magaling sa akin ang isang babae? Iyon ba ang naiisip ninyo?"

"Buo na ang desisyon ko." Ang sabi ni MacGil. "Irerespeto mo ang aking desisyon kagaya ng lahat ng aking mga kinasasakupan. Maarin na kayong umalis."

Nagbigay galang ang mga anak, tumungo at sabay sabay na lumabas ng silid.

Ngunit huminto si Gareth sa may pintuan, hindi niya magawang umalis.

Bumalik ito at nilapitan ang ama.

Nakikita ni MacGil ang panghihinayang sa mukha ni Gareth. Malinaw na inasahan nitong siya ang papangalanang maging tagapagmana sa trono. Pinangarap niya ito. Desperado ito na makuha ang trono at hindi na ito ikinagulat ni MacGil. Ito din ang dahilan kung bakit hindi niya ito pinili.

"Bakit mo ako kinamumuhian ama?" Tanong ni Gareth

"Hindi kita kinamumuhian anak. Hindi lamang kita nakikita na karapatdapat para pamunuan ang kaharian."

"At bakit?" Giit ni Gareth

"Dahil desperado ka sa kapangyarihan."

Nagdilim ang mukha ni Gareth. Nakita ni MacGil ang galit para sa kanya sa mga mata ng kanyang anak.

Ng walang kahit anong salita, nagmadaling umalis si Gareth palabas ng silid.

Biglaang nanghina si MacGil. Hindi niya makalimutan ang titig ng kanyang anak na puno ng galit at pagkamuhi na mas matindi pa kaysa sa kanyang mga kaaway. Dahil doon, ay naalala niya ang sinabing babala ni Argon.

Ito na ba ang sinasabing panganib sa buhay niya?




IKAANIM NA KABANATA


Nagtatakbo papasok ng malawak na arena si Thor sa abot ng kanyang makakaya. Sa kanyang likod ay naririnig niya ang mga kawal na humahabol sa kanya. Hinabol nila si Thor sa gitna ng mainit at maalikabok na arena habang nagsisigaw. Papalapit na siya sa kinaroroonan ng mga miyembro ng Legion, ang mga nakahilera na mga nagboluntaryo-dose dosenang mga kalalakihan tulad niya, ngunit mas matanda at mas malalakas. Sila ay sinasanay at hinuhusgahan sa paggamit ng ibat ibang sandata tulad ng pana at sibat. May mga nakahilera na mga patamaan na kailangan nilang tamaan. Ito ang kompetisyon para kay Thor.Nabibilang sa mga ito ang dose dosenang mga mandirigma, miyembro ng Silver, nakatayo at pinagmamasdan ang mga nagaganap na paligsahan. Unti unti na silang pumipili kung sino ang karapat dapat ng umuwi at kung sino ang magpapatuloy.Alam ni Thor na kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili sa harap ng mga ito at pabilibin ang lahat. Maya maya lamang ay maabutan na siya ng mga humahabol sa kanya. Kung may pagkakataon upang ipakita ang kanyang kakayahan, ngayon na ito. Ngunit paano? Kailangan niyang magisip ng mabilis ng paraan.Habang tumatakbo si Thor at nagiisip ng susunod niyang plano, Ilan sa mga kalahok ay napatigil upang saksihan ang nangyayaring kaguluhan, maging ang mga kawal. Makalipas ng ilang segundo, lahat ng atensyon ay nakatuon na kay Thor. Lahat sila ay mukhang nagtataka at nagtatanong kung sino ba siya, na tumatakbo sa gitna ng paligsahan, at hinahabol ng tatlong kawal. Hindi ito ang paraan na ginusto niya upang mapansin ng mga tao. Buong buhay niya, simula ng hangarin niyang mapasali sa Legion, hindi kailanman pumasok sa isip niya ang pangyayaring ito.Habang tumatakbo so Thor at nagiisip ng maari niyang gawin, isa sa mga kalahok ang sinubukang magpakitang gilas sa pamamagitang ng pagpigil kay Thor. Isang malaking lalaki. Matangkad at halos doble sa laki ni Thor. Itinaas nito ang kanyang espada na yari sa kahoy upang harangan si Thor. Nakita ni Thor kung gaano kapursigido ang lalaki na kalabanin siya, at ipahiya siya sa harap ng madaming tao at ang makaangat sa ibang mga kalahok.Walang dahilan si Thor upang kalabanin ang lalaki, hindi niya ito laban. Ngunit pinipilit nitong angkinin ang laban upang makaangat.Habang papalapit ang lalaki, hindi makapaniwala si Thor sa laki nito. Ito na ata ang pinakamalaking katawan na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi alam ni Thor kung paano niya kakalabanin ito.Ipinuwesto ng lalaki ang kanyang espada na yari sa kahoy at alam ni Thor na kung hindi siya agad kikilos, mapapabagsak siya nito.Parang kusang kumilos ang katawan ni Thor. Agad niyang kinuha ang tirador at agad pinatamaan ang kamay ng lalaki. Sumakto ang bato sa kanyang kalaban at agad nitong nabitawan ang kanyang espada. Tumalsik ang espada at napaluhod ang lalaki sa sobrang sakit.Wala ng sinayang na oras si Thor. Ginamit niya ang pagkakataon habang bagsak ang lalaki. Tumalon si Thor at bumagsak ang paa nito sa dibdib ng lalaki. Ngunit masyadong matigas ang lalaki at pakiramdma ni Thor ay sumisipa siya sa isang matigas na punong kahoy. Bahagya lamang na nasaktang ang lalaki, bigya itong tumayo. Natapilok naman si Thor.Hindi ito ang dapat mangyari, isip ni Thor habang bumagsak siya sa lupa.Sinubukan ni Thor ang makatayo ngunit umatake agad ang lalaki. Binuhat niya si Thor at inihagis muli hanggang sa bumagsak si Thor sa lupa.Ilang grupo ng mga lalaki ang pumalibot sa kanila at nagpapalakpakan. Namula si Thor sa sobrang kahihiyan.Sinubukan muling bumangon ni Thor ngunit masyadong mabilis ang lalaki. Nasa ibabaw niya agad ito hanggang sa maging labanan na ito ng pabigatan ng katawan.Naririnig ni Thor ang lumalakas na mga sigawan ng mga ibang kalahok na pumalibot sa kanila. Itinaas ng lalaki ang hinlalaki nito at itinuon sa mata ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor, nais talaga ng lalaki na pahirapan at saktan siya. Ganoon ba niya talaga kagusto na mas makaangat?Sa huling segundo, inuntog ni Thor ang lalaki na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para makawala sa lalaki.Nakatayong muli si Thor at hinarap ang lalaki na agad ring nakatayo. Ibinuhos ng lalaki ang kanynag buong lakas upang suntukin si Thor sa mukha ngunit nakaiwas ito;naramdaman ni Thor ang lakas ng kamao ng lalaki na muntikan ng tumama sa kanya. Kung hindi niya ito naiwasan, marahil ay basag na ngayon ang kanyang panga. Agad sinuntok ni Thor sa sikmura ang lalaki ngunit wala itong naging epekto;para itong isang puno.Bago pa man makakilos muli si Thor ay siniko na siya nito sa mukha.Napagtaob si Thor. Para siyang pinukpok ng martilyo sa sobrang lakas.Habang sinusubukan ni Thor na bumalik ang kanyang lakas, sinipa siya ng malakas sa dibdib ng malaki. Muling tumilapon si Thor at bumagsak sa lupa. Nagpalakpakan at nagsigawan muli ang mga manunuod.Si Thor, na hilong hilo, ay sinubukan na makaupo ngunit sinuntok siyang muli ng lalaki na nagpabagsak muli sa kanya at sa pagkakataon na ito, hindi sigurado ni Thor kung kakayanin pa niyang makabangon.Nakahiga lamang doon si Thor sa lupa habang pinapakinggan ang mga hiyawan ng mga manunuod at nalalasahan ang dugo na galing sa kanyang ilong. Namaluktot siya sa sobrang sakit. Iniangat niya ang kanyang ulo at nakita niyang pabalik na ang lalaki sa kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanyang pagkapanalo.Gusto nang sumuko ni Thor. Masyadong malakas ang lalaking ito. Isang kahibangan ang pagsubok niya na kalabanin ito. Hindi na niya kakayanin. Ngunit may bahagi niya ang tumutulak sa kanya na lumaban. Hindi siya maaring matalo. Hindi maari lalo na sa harap ng mga taong ito.Huwag kang sumuko. Tumayo ka. Tayo!Bahagyang nanumbalik ang lakas ni Thor. Dahan dahan niya itinuon ang mga kamay hanggang sa makatayo na ito. Hinarap niya ulit ang lalaki. Puno ng dugo ang kanyang mukha, namamagang mga mata at mahirap na paghinga. Ngunit itinaas muli ni Thor ang kanyang kamao.Lumingon ang lalaki at tinitigan si Thor. Hindi ito makapaniwala sa nakikita."Nanatili ka na lang sanang nakahiga bata," banta ng lalaki habang papalapit kay Thor."TAMA NA!" Isanng boses ang sumigaw. "Elden, awat na!"Isang kawal ang dumatin at pumagitna sa dalawa. Tumahimik ang mga manunuod. Isa itong kawal na nirerespeto ng lahat.Tumingin si Thor sa prisensya ng isang mandirigma. Nasa ikadalawamput taong gulang na ito, matangkad, malapad na mga balikat, pakwadradong mga panga at buhok na kulay lupa. Nagustuhan agad siya ni Thor. Nakamamangha ang kasuotan nito na yari sa metal, na may mga simbolo ng hari; ang symbolo na agila ng mga MacGil. Natuyo ang lalamunan ni Thor: nakatindig sa kanyang harapan ang isang miyembro ng pamilya ng mga MacGil. Hindi siya makapaniwala""Ipaliwanag mo ang iyong sarili bata," sabi ni Thor, "bakit ka pumasok ng hindi naiimbitahan?"Bago pa man makasagot si Thor, biglaang dumating ang tatlong kawal na humahabol kay Thor. Huminto ang pinunong tagabantay, hinahabol ang kanyang paghinga habang nakaturk kay Thor."Sumuway po siya sa aming utos!" Sigaw ng tagabantay. "Ikakadena ko po siya at ikukulong sa bartolina.""Wala akong ginawang masama" palaban na sagot ni Thor"Wala?" Tanong ng tagabantay. "Nagpumilit kang pumasok sa pagaari ng hari ng walang pahintulot o imbitasyon.""Gusto ko lamang ng pagkakataon.!" Sigaw ni Thor habang nakatingin sa kawal na miyembro ng pamilya ng hari. "Gusto ko lamang mabigyan ng pagkakataon na makasali sa Legion.""Ang lugar na ito ay para lamang sa mga napili at naimbitahan." Isang boses ang biglang nagsalitaIsang mandirigma ang dumating, nasa ikalimampung taong gulang, makisig, nakakalbong buhok, maikling bigote at marka ng sugat sa kanyang mukha sa bandang ilong. Sa kanyang tindig, makikita na siya ay naging isang mahusay na mandirigma buong buhay niya. At base sa mga simbolo na nakaukit sa kanyang kasuotan, malalaman na siya ang pinuno ng lahat ng mga kawal at mandirigma. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor pagkakita dito:isang heneral."Hindi ako inimbitahan ginoo,"paliwanag ni Thor. "Iyon ang katotohanan. Ngunit buong buhay ay pinangarap ko na makarating dito. Nais ko lamang mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kaya kong gawin. Na kasing galing ako ng mga naririto. Bigyan niyo lamang ako ng isang pagkakataon. Pakiusap. Ang pagsali sa Legion ang tangi kong pangarap.""Ang lugar na ito ay para sa pakikipaglaban bata. Hindi para sa mga nangangarap." Sagot ng heneral. "Para ito sa mga mandirigma. Walang maaring magbago sa aming patakaran:napili na ang mga kalahok"Lumingon ang heneral sa mga kawal at agad lumapit ang mga ito upang ikadena si Thor.Ngunit bigla silang hinarang ng mandirigma na miyembro ng pamilya ng hari."Marahil sa araw na ito ng pagdiriwang, maaring nating suwayin ang patakaran" aniya.Tumingin lamang ang heneral sa nasabing ginoo. Nais nitong sumaliwat ngunit hindi niya ito maaring gawin sa pamilya ng hari."Nakakahanga ang determinasyon mo bata" pagpapatuloy ng mandirigma. "Bago ka namin paalisin, nais kong makita ang kaya mong gawin.""Ngunit Kendrick, may mga sinusunod tayong patakaran, " ang sigaw ng heneral"Ang pamilya ng hari ang gumagawa ng mga patakaran" ang sambit ni Kendrick, "at ang Legion ay tagasunod lamang sa mga ito.""Sumusunod kami sa hari, hindi sa iyo." Sagot ng heneralNagkaroon ng katahimikan sa buong paligid. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nasasaksihan."Kilala ko ang aking ama at kung ano ang kanyang gugustuhing gawin. Nanaisin rin niya na bigyan ng pagkakataon ang batang ito. At iyon ang ating gagawin."

Hindi na nakasagot ang heneral at sumuko na laamng ito.Ibinaling ni Kendrick ang kanyang tingin kay Thor. Ang kanyang mata na kulay lupa sa mukha ng isang prinsipe at isang mandirigma.

"Bibigyan lamang kita ng isang pagkakataon." Paliwanag ni Kendrick. "Tingnan natin kung kaya mong tamaan ang markang nasa gitna"Itinuro nito ang isang tumpok ng damo na may pulang marka sa gitna. Ilang sibat na ang nakatusok dito ngunit wala pa kahit isa ang nakatama sa pulang marka."Kung makakaya mong gawin ang hindi kaya ng karamihan sa mga naririto, kung kaya mong tamaan ang pulang marka, tatanggapin ka namin sa Legion."Umatras ang mandirgma at naramdaman ni Thor ang mga mata na nakatingin sa kanya.Nakita niya ang lalagyan na puno ng mga sibat at tiningnan niya ito ng mabuti. Ang mga ito ay yari sa pinakamatitibay na uri ng kahoy na binalutan ng balahibo. Bimils muli ang tibok ng kanyang puso habang pinupunasan niya ng kanyang kamay ang dugo mula sa kanyang ilong. Ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. Binigyan siya ng halos imposibleng pagsusulit. Ngunit kailangan niya pa din itong subukan.Humakbang si Thor at kumuha ng sibat na hindi masyadong mahaba at hindi rin naman maikli. Tinimbang niya ito sa kanyang mga kamay, mabigat ito. Hindi tulad ng kanyang ginagamit na sibat sa kanilang nayon. Ngunit mahusay ang kanyang pakiramdam. Baka sakali na matamaan niya ang pulang marka. Sumakatuwid, ang paggamit ng sibat ang isa sa kanyang mga kakayahan bukod sa paggamit ng tirador. At marahil dahil sa kanyang paglilibot sa mga burol ay nakapagsanay na siya ng husay. Madalas niyang natitira ang mga marka na kahit ang kanyang mga kapatid ay hindi kayang tamaan.Ipinikit ni Thor ang mga mata at huminga ng malalim. Kung hindi siya magtagumpay, huhulihin siya ng mga kawal at ang pangarap niya na mapabilang sa Legion ay habangbuhay nang masisira. Nakasalalay ang lahat sa gagawin niyang ito.Nagdasal siya sa panginoon.Ng walang pagaalinlangan, humakbang ng dalawa si Thor at inihagis ang sibat.Tumigil ang kanyang paghinga habang pinagmamasdan ang sibat sa ere.Pakiusap panginoon.Ang sibat ang nagpatahimik sa buong paligid. Lahat ng mga mata ay nakatingin dito.At makalipas ang ilang segundo, isang tunog ang dumating, ang tunog ng sibat na tumusok sa umpok ng mga dayami. Hindi na kailangang tumingin ni Thor. Isa itong perpektong tama. Ito ang pakiramdam na nagpahiwatig sa kanya habang hawak niya ang sibat na kakayanin niya itong tamaan.Unti unti itong tiningnan ni Thor at tama nga siya. Tumama ang sibat sa pulang marka, ang unang sibat na nakatama rito. Nagawa niya ang hindi kayang gawin ng mga kalahok.Nagsimula ang mga bulong bulungan galing sa mga manunuod at ibang mga kalahok.Lumapit si Kendrick at tinapik si Thor sa balikat na may pagkamangha. Ngumiti ito."Tama ako," sabi ni Kendrick "Mananatili ka dito.""Ano?!" Ang sigaw ng mga kawal. "Ngunit hindi ito patas. Pumasok siya ng walang pahintulot."

"Tinamaan niya ang marka. Sapat na sa ang aking nakita"

"Masyado pa siyang bata at hamak na mas maliit kumpara sa iba. Wala tayong lugar para sa katulad niya" ang sambit ng heneral.

"Mas nanaisin ko pa ang isang bata at maliit na tulad niya na kayang tamaan ang marka kaysa isang malaking tao na hindi kaya" ang sagot ni Kendrick

"Sinuwerte lamang siya!" Sigaw ng lalaki na kinalaban ni Thor. "Kung susubukan pa namin, siguradong tatamaan din namin ang marka."

Lumingon si Kendrick at tinitigan ang lalaki.

"Kaya mo?" Tanong niya. "Maari ko bang makita ngayon? Maari ba nating itaya ang pananatili mo dito?"

Napayuko lamang ang lalaki. Malinaw na hindi nito kayang tanggapin ang hamon.

"Ngunit hindi natin kilala ang batang ito," paliwanag ng heneral. "Hindi natin alam kung saang lupalop siya nagmula."

"Nanggaling siya sa isang nayon sa ilalim ng mga burol.", isang boses ang noon ay nagsalita

Lumingon si Thor upang tingnan ang nagsalita ngunit kilala niya kung sino ito. Ito ang boses na kanyang kinamuhian buong buhay. Ang boses ng kanyang nkatatandang kapatid na si Drake.

Lumapi si Drake kasama pa ang kanyang dalawang kapatid habang nakatingin kay Thor na parang nanghuhusga.

"Ang pangalan niya ay Thorgrin, mula sa angkan ng mga McLeod sa timog probinsya sa silangan ng kaharian. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid. Magkakasama kami sa iisang bahay. Siya ang tagapagalaga ng mga tupa ng aming ama"

Sabay saby na nagtawanan ang mga kalahok at mga kawal sa kanilang nalaman.

Namula sa kahihiyan si Thor;gusto niyang mamatay sa oras na iyon. Ngayon lamang siya nahiya ng ganito. Ganoon palagi ang kanyang mga kapatid, na nais palaging agawin ang atensyon mula sa kaniya at gawin ang lahat upang pabagsakin siya.

"Nagaalaga ng tupa?" Ulit ng heneral

"Naku, kailangang magingat ang mga kalaban sa kanya!" Sigaw ng isang kalahok

Muling nagtawanan ang mga tao na mas lalong nagpahiya kay Thor.

"Tahimik!" Sigaw ni Kendrick

At agad tumahimik ang mga tao.

"Mas nanaisip ko pang tanggapin ang isang tagapagalaga ng tupa na kayang tamaan ang marka kaysa sa inyo na walang ibang kayang gawin kung hindi ang tumawa",dagdag ni Kendrick

Katahimikan ang bumalot sa mga kalahok na tumigil na sa kakatawa

Malaki ang pasasalamat ni Thor kay Kendrick. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito. Ano man ang kahihiyan ang dumating kay Thor, nariyan si Kendrick upang ibalik ang kanyang lakas ng loob.

"Alam mo ba bata na hindi kailanman gagawin ng isang tunay na mandirigma ang ipahiya ang kanyang mga kaibigan, lalong lalo na ang kanyang saring kadugo?",tanong ni Kendrick kay Drake





Конец ознакомительного фрагмента. Получить полную версию книги.


Текст предоставлен ООО «ЛитРес».

Прочитайте эту книгу целиком, купив полную легальную версию (https://www.litres.ru/morgan-rice/ang-pakikipagsapalaran-ng-mga-bayani/) на ЛитРес.

Безопасно оплатить книгу можно банковской картой Visa, MasterCard, Maestro, со счета мобильного телефона, с платежного терминала, в салоне МТС или Связной, через PayPal, WebMoney, Яндекс.Деньги, QIWI Кошелек, бонусными картами или другим удобным Вам способом.



–Vampirebooksite. comOMVÄND är bok #1 i den Bästsäljande serien The Vampire Journals, som fram tills nu innefattar elva böcker (fler är på väg) . I OMVÄND (bok #1 i The Vampire Journals), 18-åriga Caitlin Paine rycks upp från den idylliska förorten och tvingas börja om på en ny tuff, farlig skola i New Yorks innerstad, när hennes mamma flyttar, igen. Den enda ljuspunkten I tillvaron är Jonah, en ny klasskamrat som tycker om henne på en gång. Men innan deras kärlek har en chans att blomma ut, börjar Caitlin att förändras. Hon utvecklar en övermänsklig styrka, ljuskänslighet, ett begär efter blod – av känslor hon inte förstår. Hon letar efter svar på vad som håller på att hända henne, och hennes sug för henne till fel plats vid fel tidpunkt. Hon finner en gömd värld, precis under hennes fötter, som frodades I New York. Hon hamnar mitt emellan två klaner, mitt i ett vampyrkrig. Det är i den här stunden som Caitlin träffar Caleb, en mystisk och mäktig vampyr som radar henne från de mörka krafterna. Han behöver hennes hjälp med att hitta det förlorade svärdet. Och hon behöver honom för att hitta svar, och för skydd. Tillsammans, kommer de att hitta svaret på den avgörande frågan: vem var hennes biologiska far? Men Caitlin har svårt att välja mellan två män när något annat vaknar mellan dem: en förbjuden kärlek. En kärlek mellan raser som riskerar bådas liv, och kommer att tvinga dem att besluta sig för om det är värt att riskera att förlora allt för kärleken..

Как скачать книгу - "Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani" в fb2, ePub, txt и других форматах?

  1. Нажмите на кнопку "полная версия" справа от обложки книги на версии сайта для ПК или под обложкой на мобюильной версии сайта
    Полная версия книги
  2. Купите книгу на литресе по кнопке со скриншота
    Пример кнопки для покупки книги
    Если книга "Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani" доступна в бесплатно то будет вот такая кнопка
    Пример кнопки, если книга бесплатная
  3. Выполните вход в личный кабинет на сайте ЛитРес с вашим логином и паролем.
  4. В правом верхнем углу сайта нажмите «Мои книги» и перейдите в подраздел «Мои».
  5. Нажмите на обложку книги -"Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani", чтобы скачать книгу для телефона или на ПК.
    Аудиокнига - «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani»
  6. В разделе «Скачать в виде файла» нажмите на нужный вам формат файла:

    Для чтения на телефоне подойдут следующие форматы (при клике на формат вы можете сразу скачать бесплатно фрагмент книги "Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani" для ознакомления):

    • FB2 - Для телефонов, планшетов на Android, электронных книг (кроме Kindle) и других программ
    • EPUB - подходит для устройств на ios (iPhone, iPad, Mac) и большинства приложений для чтения

    Для чтения на компьютере подходят форматы:

    • TXT - можно открыть на любом компьютере в текстовом редакторе
    • RTF - также можно открыть на любом ПК
    • A4 PDF - открывается в программе Adobe Reader

    Другие форматы:

    • MOBI - подходит для электронных книг Kindle и Android-приложений
    • IOS.EPUB - идеально подойдет для iPhone и iPad
    • A6 PDF - оптимизирован и подойдет для смартфонов
    • FB3 - более развитый формат FB2

  7. Сохраните файл на свой компьютер или телефоне.

Книги автора

Аудиокниги автора

Рекомендуем

Последние отзывы
Оставьте отзыв к любой книге и его увидят десятки тысяч людей!
  • константин александрович обрезанов:
    3★
    21.08.2023
  • константин александрович обрезанов:
    3.1★
    11.08.2023
  • Добавить комментарий

    Ваш e-mail не будет опубликован. Обязательные поля помечены *